May patimpalak na paparating para sa iba't ibang school. Mukhang masaya 'to dahil 'di lamang tagisan ng utak sa academics ang labanan kundi kasama rin ang sports and talents. Kapag oras ng practice, exempted ang mga players sa klase. Isa ako sa naging representative ng aming school sa larong chess, sila Rabby at Amay ay sa volleyball naka-lineup, si Eruel at Jokno ay sa drawing contest at ang ibang tropa naman ay tagapanood.Oras ng practice. Naglipana ang players ng iba't ibang sports sa aming campus, mula sa labas ay sinilip namin ni Rabby sa bintana ang loob ng silid-aralan nila Amay at Jokno. Halatang gusto na ni Amay makapuslit ng klase para mag-ensayo pero 'di parin s'ya pinapahintulutan ng kanilang guro at ongoing parin ang discussion.
Mula sa kinauupuan ni Amay ay pasulyap-sulyap ito sa bintana at tinatanaw ang mga players sa campus na abala sa pag-eensayo, samantalang nasa labas at bandang gilid naman kami ng bintana ni Rabby at sumesenyas kay Amay ng,
"Oras na para mag-excuse sa guro". Madalas ay ganito ang senaryo kapag may ensayo.
Isang beses, habang ongoing ang kanilang klase ay lilingon-lingon na naman ito na tila tinatangay ang isip patungo sa mga players na nag-eensayo sa campus.
"Hoy! Amay, may tinatanong sa'yo si ma'am!" wika ni Jokno.
Napatingin si Amay sa kanilang guro.
"Ano po 'yun ma'am???" natarantang tanong ni Amay,
" I said, use eating in a sentence!" sabi ng guro,
"Eh ma'am, mahina po ako sa ingles..." tugon ni Amay,
"'Diba sabi ko sa inyo?, na mas gusto ko sa estudyante 'yung nagta-try sumagot kaysa 'di sumasagot!" paliwanag ng guro,
"Sumagot kana Amay ng kahit ano para 'di ka mapagalitan," mahinang sabat ni Jokno,
"Ma'am ano nga po ulit 'yung sabi n'yo?" tanong muli ni Amay,
"Hindi kasi nakikinig eh!, i said, use eating in a sentence!" mataas na tono ng guro.Nag-isip si Amay at tsaka sumagot,
"Ah, eh, ma'am.. the carabao is eat the bukid!"Dumating na ang araw ng tagisan ng galing.
Lahat ng mga representatives ng aming school ay nagkita-kita sa pritil, malapit sa duungan ng bangka na aming sasakyan papuntang lugar na pagdarausan ng kompetisyon. May kanya-kanyang baon na kanin at ulam ang lahat. Sama-sama, lalaki't babae ay kapwa excited at determinadong manalo.
Dumating na rin si Rabby, maangas ang porma nito at nakapamulsa pa na parang si FPJ.
"Tara na! ipakita natin na palaban tayo!" matapang na wika ni Rabby.
Tumunog na ang makina at dahan-dahang umandar ang bangka na aming sinasakyan papalayo sa duungan. Hanggang sa napansin ng driver nito na may isang matandang babae ang kumakaway mula sa dulo ng pritil.
"Teka, bakit kumakaway 'yung matanda?" puna ng mga players,
"Balik tayo sa duungan at kumakaway 'yung matanda!" sabi ng driver.
Nakilala ng ilang mga estudyante na ina pala ni Rabby ang walang tigil sa pagkaway sa amin. Pagduong ng bangka sa dulo ng pritil ay kaagad na lumapit si Rabby dito at nagtanong.
"Bakit nanay???" pagtataka ni Rabby,
"Itong kutsara, naiwan mo!" tugon ng ina sabay abot sa anak ng isang stainless na kutsara.Start na ang paligsahan.
Hinati ang isang malaking room sa dalawa na ang namamagitan ay mahabang kurtina na kulay berde, kalahati ay para sa chess tournament na kinabibilangan ko at 'yung kalahati ay para sa drawing contest na kinabibilangan nila Eruel at Jokno. Maingay narin sa labas dahil mukhang mainit kaagad ang tunggalian sa volleyball na kinabibilangan nila Rabby at Amay.
Nagsimula at natapos ang elimination rounds sa larong chess na may labindalawang (12) kalahok. Ayos!, uusad na'ko sa finals. Maingay parin sa paligid ngunit kailangan kong mag concentrate. Umupo na ang huli kong makakatunggali, Kinabahan ako sa itsura ng lalaking ito dahil sa laki ng kanyang ulo ay parang nakikita ko sa kanya si Albert Einstein.
"Mukhang magaling ang Einstein na 'to ah!" pag-aalala ko.
Pinagkamay na kami ng watcher at nag-umpisa na ang tunggalian, naging mainit ang first game. Nanghinayang ako, isang malaking pagkakamali ang nagawa kong move na aking ikinatalo, pero 'di pa dito natatapos ang laban dahil race to two ang patakaran bago itanghal na kampyon.Second game. Mukhang kampante ang aking katunggali na s'ya muli ang mananalo dahil panay lang ang kuyakoy ng hita nito, nakangiti s'ya habang nakatitig sa mga pyesa. Nakakadistract naman ang matunog na paglalaro ni Einstein ng laway sa kanyang bibig gamit ang kanyang dila, parang gusto ko tuloy s'yang pasakan ng sapatos sa bunganga. Gayunpaman, matapos ang masidhing pag-iisip, sa wakas! one all (1-1) na ang standing namin dahil sa round na 'to ay ako naman ang nanalo.
Third game. Magkakaalaman na, mas dibdiban na ngayon dahil kung sino ang mananalo ay s'ya na ang kampeon. Tumatakbo na ang oras kasabay ng aming laro, parang walang humihinga. Nakita ko sila Eruel at Jokno, nakatayo sa isang corner ng room katabi ang ibang audiences na nakatutok sa aming laban, marahil ay tapos na sila sa drawing contest. Makalipas ang makapigil hiningang paghihintay...
"Check!"
Nagpalitan ng tira,
"Checkmate!"
"Nak ng #%$@!"Tapos na ang laban, naianunsyo na rin sa entablado ang mga nanalo sa iba't ibang sports and talents. Habang pauwi kami ay ganadong magkwento sila Rabby at Amay dahil ang team nila ang kampeon sa volleyball. Sa drawing contest naman ay nasungkit ni Jokno ang 3rd place at si Eruel naman sa 2nd place, masaya din ako bilang kampeon sa larangan ng chess.
📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...