📓PAHINA 39- Saan nauso ang salitang group hug?

20 1 0
                                    


     Pasado alas-onse ng gabi. Nakatambay ang tropa sa kalsada at hinihintay ang pagpatak ng Alas dose, excited na kasi kami sa pagsalubong sa bagong taon, nakahanda narin ang aming mga paputok, lusis at watusi.

     Hawak ko naman ang isang kahon ng posporo. Sa tuwing may dadaan sa tapat namin ay sinisindihan ko ang isang palito, naihahagis ko 'yun sa daan at nagtatakip ako ng tenga. Nagsisigawan ang mga dumadaan at nagtatakip din kaagad ng tenga dahil sa pag-aakalang  totoong paputok ang hinahagis ko samantalang tawa naman ng tawa sila Lester at Bagyo sa ginagawa ko.
     "Wala kana namang magawa, hahaha!" Ani Lester habang kumakain ng peras,
     "May-may-may dadaan ulit Ma-Marvin!" nagmamadaling pagsasalita ni Bagyo,
     "HATSINNNG!!! Lester maligo ka kasi!" bahing ko sabay kusot ng ilong,
     "Hoy kaliligo ko lang!" giit ni Lester.
    
     Maingay naman sa kalsada dahil sa malalakas na tugtog ng mga speaker na nailabas ng mga kapitbahay. Bawat dumadaan ay napapaindak ng bahagya sa saliw ng musika.
     "Tugs-tugs-tugs-tugs-tugs!!!" tugtog mula sa dalawang malaking speaker na nakatayo sa gilid ng kalsada, kasabay ang pagsayaw ng isang lasing na bakla na parang isang balerina.

     Ilang sandali pa ang lumipas. Narinig na namin ang malakas na countdown sa isang radio station, kaagad naman kaming sumabay dito.
     "10!, 9!, 8!, 7!, 6!, 5!, 4!, 3!, 2!, 1!!!!!!!!! HAPPY NEWYEAR!!!!!" Malakas na sigaw ng mga tao sa kalsada, kasabay ng maiingay at makukulay na paputok.
     "POWWGG!!!"
     "KAPOWW!!!"
     "KRAKATAK-KRAKATAK!!!"
    
     Nagtungo ang tropa sa kinaroroonan ng bahay nila Jeje at Jokno na halos magkatanawan lang ang distansya. Amoy na amoy sa daan ang nakakasulasok na usok at pulbura na dulot ng iba't ibang klaseng paputok, pero mas hindi namin kinaya ang amoy ng putok sa kilikili ng isang lalaking nakasando na aming nakasalubong sa eskenita.

     Oo, sa eskenita na kung saan sa tuwing nakakasalubong namin si Boy Tawas ay napapasigaw kami ng "GROUP HUG!!!"
                                                                  📓📓📓

     Oo, sa eskenita na kung saan sa tuwing nakakasalubong namin si Boy Tawas ay napapasigaw kami ng "GROUP HUG!!!"                                                                  📓📓📓

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DIARY NG TROPANG PROBINSYANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon