📓PAHINA 26- Utang na loob.

19 6 0
                                    


     Minsan, kapag gabi ay tumatambay ang tropa sa harapan ng isang tindahan malapit sa kalsada. Kapansin-pansin naman ang maganda't makintab na buhok ni Lester sa tambayan, lagi kasing fresh look sa tambayan kaya madalas napupuna.

     Habang sa kasagsagan ng kwentuhan ay lumapit ang ina nito at nag wika.
     "Lester, maligo ka naman at kahapon kapa 'di naliligo!"

     Freshlook lang pala s'ya 'di dahil sa bagong ligo, kundi dahil sa dami ng baby oil na hinahaplas nito sa buhok bago lumabas ng bahay.
     "Pambihira ka, bakit kasi paliligo lang kinakatamaran mo pa?!" ani Rabby,
     "Ba't? naliligo naman ako ah!" pagtatanggol ni Lester sa sarili,
     "Nanay mo na nga ang nagsabing 'di ka naliligo e!" sabat ni Jeje,
     "Ligo-ligo din kasi, hahaha!" wika ni Lounar,
     "Naliligo nga naman, sa pawis nga lang." Dagdag ko.

     Kahit pa'no, naging daan din ang tropa para mai-push si Lester sa paliligo, 'yan ang maituturing na "utang na loob."

                                                                       📓📓📓

                                                                       📓📓📓

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DIARY NG TROPANG PROBINSYANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon