📓PAHINA 18- Handa,awit!

28 5 0
                                    


    Nutrition month. Ako ang naging representative ng aming section para sa singing contest sa aming school, napilitan lamang ako kaya kabado akong tumayo sa entablado samantalang nakatingin naman sa'kin ang mga guro at mga estudyante. Nang naiabot na sa'kin ang mikropono ay naglakas nalang ako ng loob na awitin ang isang kanta na isinulat ng aking ate tungkol sa masustansiyang pagkain.

     "Pagkaing 'di pagpapalit"

     Ngayon ko lamang nadama
      ang prutas ay mahalaga
      katulad ng hinain mo
      walang kasing sarap

     Refrain
     Wala ng hahanapin pa
     sa bitaminang nasa iyo
     tulad ng chico, mangga't abukado

     Chorus
     Ikaw ang aking pagkain
     na 'di pagpapalit
     sustansiya ng gulay ang panlaban sa sakit
     gatas, keso at tinapay
     itlog at malunggay
     sa tamang ehersisyo'y hahaba ang buhay.

     (Repeat stanza-chorus)
     (Repeat chorus)

     Coda
     Sa tamang ehersisyo'y hahaba ang buhay...

     Nang matapos akong kumanta ay nagpalakpakan ang mga manonood, napakamot nalang ako ng ulo habang bumababa ng entablado. Tuwang-tuwa naman ang aking mga kaklase sa anunsyo ng emcee na ako ang 1st sa nasabing contest.

     Nagkaroon ulit ng singing contest, pero sa pagkakataong ito'y mula na sa iba't ibang paaralan ang mga kalahok. Ako ulit ang napiling representative ng aming school, ilang beses akong tumanggi sa aming guro pero sa bandang huli ay ako parin ang nailaban, nakalista na raw kasi ang pangalan ko ayon sa kanila.

    Ginanap ang contest sa ibang school. Mga labing-apat (14) kaming kalahok, marami ang mga nanonood na mula pa sa iba't ibang lugar kaya parang gusto ko ng mag back-out. Tinawag na ang pangalan ko para magtanghal, kahit kabado ay umakyat ako ng entablado at inawit ang kantang pinili ng aming guro, ang kantang makabayan (Ako ay pilipino).

     Natapos na ang kompetisyon. Heto na naman ang pinaka-inaabangan ng lahat, ang pag-anunsyo sa kung sinong mananalo. Hayun, hindi nabanggit ang pangalan ko kaya ibig sabihin, talo. Pero okay lang, dahil nabusog naman ako sa mga words of encouragement ng aking guro. Gayunpaman, hindi na'ko sumali pa sa mga ganitong kompetisyon kahit anong pilit nila sa'kin dahil mas gusto ko nalang maging audience kesa maging contestant.

                                                                  📓📓📓

                                                                  📓📓📓

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DIARY NG TROPANG PROBINSYANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon