Una

2.7K 58 6
                                    

Cavite el Viego
Hunyo, 1898

Di mahulugan'g karayom ang daan patungo sa bahay ng Heneral Aguinaldo. Dinig na dinig ko ang hiyaw ng mga ito nang iwagayway na ang isa'ng bandila na may kulay asul, pula at dilaw. May isa'ng hugis araw at tatlo'ng bituin sa sulok na nakapaloob sa tatsulok.

   Tinakpan ko ang tenga ng akin'g nakababata'ng kapatid na si Julianna.

   Napansin ko rin ang luha sa mga mata ng akin'g doktor na ama. Maging si ina ay nangingilid na rin ang luha.

   Hindi ko maintindihan kung bakit nag-iiyakan ang mga tao at sumisigaw ng "Mabuhay ang Pilipinas."

   Ngunit ang isa ko pa'ng ipinagtataka ay kung bakit sa kaibuturan ng puso ko, ako ay nagagalak?

Cebu, USA
Mayo, 1902

Magmula noon'g araw na nakita ko'ng iwinagayway ang bandila ng Pilipinas ay hindi ko na muli'ng naramdaman ang galak sa puso ko. Kung dati'y nagtataka ako kung bakit may luha sa mga mata ng akin'g mga magulang sa araw na 'yun ay ngayo'y naiintindihan ko na ang lahat.

   Sa tulong ng mga Amerikano ay nakalaya ang bansa sa tatlo'ng daan'g taon na pagkakaalipin mula sa Espanya. Ngunit nang magdiklara si Heneral Aguinaldo nang kalayaan ay hindi ito nagustuhan ng mga taga-Estados Unidos. Kaya lamang nila kami tinulungan, hindi dahil upang kami ay palayain kundi sakupin.

   Minsan natatanong ko nalang, tunay ba talaga kami'ng naging malaya? Kalayaan ba'ng maituturing ang magising nang may takot dahil nanganganib na kubkobin ang munti namin'g probinsiya? Kalayaan ba ang tawag kung kinakailangan mo'ng magtago at umiwas sa mga sundalo'ng nagpapatayan na malapit sa tahanan mo? Malaya ka ba kung ang tinuturo sa'yo sa paaralan ay lengwahe ng mga hindi naman lumaki sa sarili mo'ng bansa?

   Tila'y kami ay mga alipin na nagpalit lamang ng agalon.

   Minsan, naiisip ko, tunay pa kaya'ng makakalaya ang bansa'ng tahanan ko?

     "Eleonor." tinawag ako ng akin'g ina habang abala ako sa pagsusulat sa akin'g talaarawan. Bata pa lang ay hilig ko na ang pagsusulat, kaya ang ninais ko'ng kunin sa kolehiyo ang peryodismo.

   Kung meron man'g nagawa'ng maganda ang mga Amerikano sa pananakop nila sa bansa, ito ay ang demokratiko'ng gobyerno at ang pagbibigay nila ng karapatan sa mga kababaihan na tumuntong sa kolehiyo at hayaan ang mga kagaya ko na mamili ng kurso'ng naiibigan nila.

     "Handa na ang hapag, bumaba ka na." dugtong pa ng akin'g ina.

   Naghihintay na nga sa hapag ang dalawa 'ko'ng nakababata'ng kapatid. Si Julianna, sampu'ng taon'g gulang at si Corazon na nasa apat na gulang. Nasa maayos na estado ang amin'g pamilya, galing sa pamilya ng mga politiko ang akin'g ina, sa mga makata sa medisina naman ang doktor na akin'g ama. Malayo sa magulong karera ng pulitika ang akin'g ina, hindi niya nais na madamay kami sa ano pan'g gulo, lalo na't pareho kami'ng mga babae na magkakapatid.

     "Pormal na pala'ng natigil ang digmaan." narinig ko si Papá habang kumakain na kami ng hapunan.

     "Sana naman at sa pagkakataon'g ito ay tuluyan nang maging payapa ang bansa."

     "Mananatili po ba sa bansa ang mga Amerikano, Papá?" nakisabat ako, kung sa iba'ng pamilya ay ayaw na ayaw nila'ng nakikisabat ang mga anak sa pag-uusap ng nakakatanda, sa pamilya namin ay may boses lahat. Nais ng mga magulang ko na lumaki kami sa isa'ng pamilya na hindi natatakot sa isa't isa.

     "Sumuko ang atin'g presidente sa mga Amerikano, natigil nga ang digmaan, hindi ibig sabihin na panalo tayo."

   Nanlumo ako. Minsan ko na rin'g nakita ang mga patay na katawan na nakatihaya lamang sa daan.

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon