—Manila, USA
Marso, 1937Naging matiwasay ang amin'g pag-uusap ng Pangulo'ng Quezon patungkol sa mithiin ng amin'g kilusan. Ang nakakatuwa pa nito ay nagtugma ang amin'g mga nais. Isa sa dahilan kung bakit niya pinirmahan ang patungkol sa pagboto ng mga kababaehan sa nagdaan'g taon ay sa kadahilanan'g hindi niya nanaisin na dumating ang araw na ang kanya'ng mga anak na babae ay mapagkaitan ng isa'ng karapatan kagaya nang prebilihiyo'ng natatanggap ng mga kalalakihan. Sa pag-uusap namin na iyon, binigyan ako ng basbas ng presidente at umaasa ito sa amin'g tagumpay.
Ngunit hindi naging madali ang lahat, magmula nga nang lumabas ang batas patungkol sa karapatan ng mga kababaehan sa pagboto ay nagkaroon na ng mga iba't iba'ng argumento. Natatakot ang iba na baka masira ito sa pagkakaisa ng bawat pamilya'ng Pilipino. Kapag nagkaroon ng boses ang kababaehan sa kaniya'ng sarili'ng tahanan, maaari nito'ng pahinain ang boses ng padre de pamilya.
Sa lima'ng dekada ko sa mundo, sa loob ng higit sa tatlumpo'ng taon na akin'g inilalaban ang boses ng kababaehan, iisa lamang ang hindi nagbago. Iisa'ng dahilan kung bakit pilit nila'ng binabalewala ang mga kilusan na inilalaban ng mga babae. Sila ay takot na magkaroon ng dalawa'ng boses ang isa'ng pamilya. Sila ay takot na baka mawalan na ng respeto ang mga babae sa kanila'ng esposo at ama kapag ito ay nagkaroon na ng kalayaan na makapagsalita. Isa'ng uri nang pag-iisip na akin'g tinatawanan na may panunuya.
Lumaki ako sa pamilya na may boses lahat na hindi ibinabase sa iyo'ng kasarian. At sa tingin ko ay buo at matatag naman ang amin'g pamilya. Sapagkat alam namin na hindi perpekto ang mga kalalakihan, maging ang mga kababaehan. May mga pagkakataon na hinihingi ni Papá ang opinyon ni Mamá, may mga pagkakataon na si Mamá ang sinusunod. Kung saan makakabuti ang pamilya, iyon ang amin'g gagawin kesehoda'ng nagmula ang sagot na iyon sa bibig ni Mamá o Papá. At iyon lamang ang akin'g nais na iparating sa iba.
Ngunit ako ay hindi rin bulag sa katotohanan, batid ko na may mga pamilya na ang tingin lamang sa mga babae ay tagapag-alaga ng bahay, tagadala ng panibago'ng buhay, na kapag ikaw ay nais na magsalita ay tinatawanan lamang at sinasabihan na manahimik sapagkat wala sila'ng karapatan na salungatin ang opinyon ng kalalakihan. At batid ko, na ang ganoon'g uri ng lalaki ay ang mga lalaki na natitiyak ko'ng nagtatago sa saya ng kanila'ng ina kapag sila ay natatakot. Nais ko na lamang matawa, ngunit akin din'g naisip na maaari'ng ganoon nga, binubusalan nila ang atin'g mga bibig sa kadahilanan'g takot sila'ng marinig ang atin'g boses. Boses na mas may pakinabang pa kesa sa bibig nila'ng tila'y pang-upo ng manok sa kakaputak, wala naman'g laman.
Sa lahat nang pangmamata, sa makailan'g beses na kanila'ng ipinagsawala'ng bahala ang mga pinaglalaban ng mga kababaehan, ay mas lalo'ng nag-alab ang apoy sa amin'g puso.
Nagpadala ang kilusan ng mga telegrama sa mga kilusan na nagkalat sa bawat probinsiya ng Pilipinas. Halos araw-araw nga ay may pagpupulong na ginaganap, mga panibago'ng hakbang na gagawin. Binigyan lamang kami ng presidente hanggan'g a-trenta ng Abril. Subalit ako ay nakukulangan pa sa amin'g mga ginagawa, batid ko na hindi kami aabot sa nilatag na bilang ng mga boto kung magpapatuloy ang amin'g ganito'ng hakbang.
—
Kalahati na ng buwan ng Marso, nakatanggap ako ng telegrama galing sa akin'g kapatid na si Corazon. Diumano ay may sakit si Papá, para ako'ng pinagsakluban ng langit. Pakiramdam ko ay napapabayaan ko na ang akin'g pamilya.
Umuwi ako ng probinsiya, nailuwal na ang pangalawa'ng anak ni Sinag. Nakakatayo na rin ang panganay ni Lucio. Halos isa'ng buwan lamang ako'ng nawalay sa kanila ngunit tila ay marami na ako'ng nakakaligtaan.
"Kung minsan ay naiisip ko na tama pa ba ang akin'g ginagawa? Lumalaki na ang atin'g mga apo, si Papá ay nagkasakit, subalit wala ako upang masaksihan lahat nang iyon. Pakiramdam ko, papaano kung hindi ako magtagumpay sa akin'g ginagawa ngayon? Maibabalik ko ang mga panahon na akin'g nasayang?" kagaya nang dati, si Juan Antonio muli ang akin'g naging talaarawan. Sa kanya ko lamang nasasabi halos lahat nang akin'g nararamdaman.

BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Historical FictionIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...