Pangsampu

285 8 0
                                    

Manila, USA
Pebrero, 1909

Nasundan pa ng dalawa'ng beses ang pagbisita ni Juan Antonio sa akin. Ako'y hindi pa rin halos mapakali kapag siya ay nandiyan na. Ako'y namumula pa rin sa kanya'ng ibinibigay na bulaklak. Kung minsan ay minatamis na prutas ang kanya'ng alay.

   Hindi ko rin naman maitatanggi na ako'y natutuwa sa kanya'ng inilalaan na oras para sa akin. Naninibago pa rin ako na may isa'ng binata nga na nagbibigay atensyon sa akin, na ako'y pinupuri sa akin'g kakayahan bilang babae.

Marso, 1909

Kokoronahan na ang bago'ng reyna sa gabi'ng iyon. Kasama ko si Julianna at Mamá, nais namin'g mapanuod ang koronasyon ng bago'ng reyna. Ako'y nilapitan ni Donya Helena—ang akin'g naging dama en espera sa akin'g koronasyon.

     "Muli tayo'ng nagkita, mahal na reyna."

     "Donya Helena. Como estas?"

     "Ako ay mabuti."

     "Ikaw pa rin ba ang dama en espera ng bago'ng reyna?"

     "Oo, Eleonor. Nais mo ba siya'ng makita?"

     "Maaari ba?"

     "Kinakailangan nga ng bago'ng reyna ang salita mula sa kanya'ng hahalihinan."

   Ako'y nangiti at nagpaalam muna sa akin'g Mamá.

   Nakita ko ang bente anyos na bago'ng reyna na si Flora, isa'ng dilag na taga-Ilocos. Siya'y maliit na babae, na may prominente'ng mga pisngi at itim na mga mata. Napangiti ako nang siya'y hindi magsuot ng traditional na baro't saya. Talaga'ng hindi baro't saya ang kanya'ng ninais na isuot sa gabi'ng iyon.

   Akin'g nakita ang akin'g sarili sa kanya. Batid ko ang kaba at tuwa sa kanya'ng puso habang hinihintay na mapatong ang kanya'ng korona.

     "Reyna Eleonor." siya'y nangiti nang akin siya'ng lapitan.

     "Batid ko'ng ikaw ay kinakabahan, Reyna Flora. Iyan ay normal lamang."

     "Paano mo nakaya na ikaw ay humarap sa ganyan karami'ng tao?" Siya ay mag-isa lamang na kokoronahan sapagkat wala'ng itinanghal na Reina del Occidental.

     "Iyon ay hindi ko rin alam."

     "Eleonor, papaano kung hindi ko mapunan ang puwang na iyo'ng iiwan?"

   Nangiti ako.

     "Hindi mo kinakailangan na punan ang akin'g iiwan na pwesto. Maaari ka'ng gumawa nang iyo'ng sarili'ng landas."

   Siya'y hindi nakakibo.

     "Huwag mo'ng pakikinggan ang pangmamata ng iba'ng tao sa iyo. Sundin mo lamang ang iyo'ng nais."

     "Siya nga'ng tunay, Eleonor?"

   Ngiti ang siya'ng akin'g sagot.

     "Marami'ng salamat, Eleonor."

  At tuluyan nga'ng kinoronahan si Flora bilang bago'ng reyna ng Pista ng Pilipinas. Sa pagtatapos nga nang akin'g katungkulan ay may isa'ng panibago'ng reyna ang naupo.

   Sa sumunod na araw ay ako'y binisita ni Juan Antonio. Ni-kwento niya ang kanya'ng una'ng beses na nag-opera ng tiyan nang isa'ng bata'ng lalaki. Nais niya'ng maging espesyalista rin sa pag-oopera upang siyay mas marami'ng matulungan. Kanya rin'g tinanong ang akin'g araw at nasabi ko lamang na ako'y natulog nang mahaba'ng oras matapos magbasa ng mga tula.

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon