Pangsiyam

321 12 0
                                    


Manila, USA
Pebrero, 1909

Akin'g tinupad ang akin'g pauna'ng nasabi kay Juan Antonio. Dumating nga ako sa kabisera sa bisperas ng pista. Ako ay nasasabik na maranasan ang pista nang hindi na ako ang nasa entablado at pinapalakpakan. Magmula sa pista'ng iyon, ako'y kagaya na ng mga mamamayan na nakikipagsiksikan makasulyap lamang sa mga kandidata ng magiging reyna ng pista.

     "Handa ka na ba talaga'ng magpaalam sa iyo'ng korona, Eleonor?" sinusuklay ni Julianna ang akin'g buhok.

     "Hindi ko naman maaari'ng sarilinin ang korona na hindi naman talaga sa akin, Julianna."

     "Ngunit, babalik ka na naman sa iyo'ng dati'ng buhay. Magiging 'dati'ng reyna' ka na. Mapupunta na sa iba ang atensyon ng buo'ng bansa."

   Tiningnan ko si Julianna sa kaharap ko'ng salamin. Siya'y talaga'ng dismayado.

     "Wala naman'g kaso sa akin iyon. Hindi panghabang-buhay na ako lamang ang reyna ng oriental. Kahit naman wala ako'ng titulo at korona, maaari pa naman ako'ng makatulong gaya nang isa'ng reyna."

     "Mas maganda pa rin kapag may titulo, mas rerespetuhin ka, mas titingalain."

    Napabuntong-hinga ako at hinarap ang akin'g kapatid.

     "Hindi tama ang ganyan'g kaisipan, Julianna. Huwag ka'ng maging ganid sa kapangyarihan. Aanhin mo naman ang titulo kung hindi mo alam ang dapat na katungkulan ng isa'ng reyna. Huwag mo'ng hayaan na ikaw ay masilaw sa dyamante at karangalan. Ikaw ay masasaktan lamang kapag ito ay nawala sa iyo."

     "Hindi naman ako kasing-bait mo, Eleonor."

     "At hindi ko rin hinihiling na ikaw ay gumaya sa akin. Dahil hindi rin naman ako perpekto. Ang akin lamang ay, maging mabuti ka sa iyo'ng kapwa."

     "Ngunit hindi maganda ang nangyayari sa mga busilak ang hangarin. Kung hindi sila inaabuso, sila ay namamatay."

     "Sapat na dahilan ba iyon upang ikaw ay gumawa nang masama sa iyo'ng kapwa?"

   Umiling si Julianna.

     "Alam ko'ng ikaw ay matalino, huwag mo'ng hahayaan na gawin'g bato nang iyo'ng utak ay iyo'ng puso."

     "Paumanhin, Eleonor. Akin'g sisikapin na baguhin ang akin'g nakaugalian."

   Nginitian ko ang akin'g kapatid, at ako'y nagkaro'n ng pag-asa sa akin'g puso na maitutuwid ko pa nga ang baluktot na ugali na meron ang akin'g mahal na nakababata'ng kapatid.

   Sa sumunod na araw, banda'ng alas cinco ng hapon ay dumating si Juan Antonio. Ako'y kanya'ng ipinagpaalam sa akin'g mga magulang kahit na alam na nang mga ito ang kanya'ng sadya sapagkat sila'y nasabihan ko na. Ako'y sadyang natutuwa sa ipinapakita'ng respeto ni Juan Antonio sa akin'g pamilya.

   Kung minsan, ako ay natatakot, paano kung isa lamang pala siya'ng kathang-isip? Alam ko na mali na pagdudahan ang isa'ng tao na wala naman'g masama'ng ipinapakita sa iyo. At doon ako natatakot, dahil masyado siya'ng mabuti, tila ay hindi na totoo.

   Naglibot-libot muli kami'ng dalawa sa pista. Mas makulay at marami'ng kubol na kung ikukumpara sa nauna'ng taon. Kami ay nagkukwentuhan din habang naglalakad. Kung ano-ano lamang ang amin'g napag-uusapan at iyon nga ang akin'g madalas na napapansin, maaari namin'g pagkwentuhan halos lahat ng bagay. Tila ay nakikita ko ang akin'g sarili sa kanya.

     "Kapag iyo'ng natikman ang mangga sa amin'g probinsiya, natitiyak ko'ng sasang-ayon ka sa akin'g nasabi." ipinagmamalaki ko sa kanya ang kultura ng probinsiya na akin'g sinilangan.

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon