—
Cebu, USA
Abril, 1909"Akala ko'y Aquino ang doktor dito?" bumulong ako kay Oryang.
"Nagulat nga rin kami na iba'ng doktor ang dumating. Akala namin ispiya ng mga Espanyol." paliwanag ni Oryang, sa lalaki'ng naglalakad palapit sa akin naman ang akin'g buo'ng atensyon.
"Subalit siya ay mabait. Kahapon nang siya ay dumating, inisa-isa niya ang mga kubo rito. Kanya'ng tinugunan ang mga nangangailangan ng agaran'g lunas. Hatinggabi na nang siya ay magpahinga." rinig ko pa'ng dagdag ni Oryang.
Totoo ba talaga ito? Si Juan Antonio ang nakikita ko?
"Eleonor." bakit tila isa'ng maganda'ng himig sa akin'g tenga ang pagsambit niya sa akin'g ngalan?
"Maganda'ng umaga, Ginoo." akin'g sagot. Ngunit tila ay may hinahabol ang akin'g puso sa bilis nang pagtibok nito.
Napatingin si Juan Antonio sa mga pasyente'ng naghihintay bago ibinaling muli sa akin ang kanya'ng atensyon.
"Ikaw ay magtungo na sa iyo'ng mga pasyente."
Isa'ng tango ang kanya'ng sagot.
Sa mga bata'ng nagsusulat na rin ang akin'g atensyon.
—
Sabay kami'ng nagtanghalian ng mga bata. Dinalhan ko sila ng karne na ginawa'ng adobo. May ibinida rin'g luto sina Oryang, luto diumano ng kanya'ng Manang.
"Galing sa dugo ng baboy."
"Dugo?"
Hindi pa man nakakasagot si Oryang ay boses na muli nang kanya'ng Manang ang akin'g narinig.
"Bakit? Tingin mo ba may pambili kami ng karne? Sa mga mahihirap na kagaya namin ay maliban sa dugo ay laman-loob lamang ng hayop ang kasya sa amin'g sahod."
"Mainit na naman ang iyo'ng ulo, Manang. Magtubig ka muna." pumagitna si Oryang.
"Kung ayaw mo'ng kumain niyan, hindi ka naman pinipilit."
"Ang dami mo nang sinasabi, Manang. Tayo ay magsikain na. Eleonor, ito na ang plato."
"Marami'ng salamat."
"Masarap isabay ang puto sa dinuguan. Subukan mo." inabutan niya ako ng kakanin.
Palihim ako'ng sumulyap sa kubo kung saan nandoroon si Juan Antonio.
"Hindi pa ba kakain ang doktor?" akin'g natanong si Oryang.
"Dadalhan na lamang siya mamaya ni Aleng Rosita."
Napansin ko na nagkakamay ang mga bata, maski si Oryang ay ganoon din ang ginagawa. Akin'g itinabi ang akin'g kubyertos at sinubukan na magkamay. Kinakamay ko naman ang mga prito'ng pagkain sa amin, lalo na ang luto'ng maruya nang akin'g Nana. Ngunit una'ng beses ko'ng magkamay na ang ulam ay adobo.
Balik na rin ako sa pagtuturo matapos ang tanghalian. Inabutan ko nang minatamis ang mga bata bago magtungo sa sumunod na paksa sa amin'g aralin.
"Bago natin simulan ang susunod na gawain. Atin muna'ng balikan ang alpabeto."
Natutuwa ako kapag natutukoy ng mga bata ang titik na akin'g tinuturo. Nginingitian ko sila, sinasabihan na sila'y magaling at matatalino.
"Ngayon naman, atin'g kilalanin ang pantig. Ang pantig ay ang pinagsama'ng katinig at patinig. Halimbawa ay ang katinig na B ay dinugtungan ng patinig na A. Ito ay magiging Ba. Ano ulit?"
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Ficción históricaIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...