We're about to enter the core of Eleonor's story. Kaya fast ang pacing for this chapter :)
—
Cebu, USA
Disyembre, 1910Maaga'ng dumating ang aguinaldo sa amin'g munti'ng pagsasama ni Juan Antonio. Napag-alaman nga namin na ako'y nagdadala'ng tao na. Hindi mapagsidlan ang tuwa na namayani sa akin'g damdamin nang matanggap ko ang maganda'ng balita na iyon.
Kinailangan ko'ng huminto sa akin'g mga gawain mula nang ako'y magdala'ng tao. Si Mamá at Nana Pilar ang nag-aalaga sa akin sa tuwing wala ang akin'g asawa dala na rin ng kanya'ng trabaho. Araw-araw, mas lalo ko'ng nararamdaman ang pagbabago sa akin'g katawan. Ako ay mas lalo'ng humanga sa katawan ng isa'ng babae. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit tingin ng iba sa kababaehan ay mahihina gayon'g sa kanila nanggaling ang isa'ng buhay, buhay na kapag kanila'ng nailuwal ay kanila'ng huhubugin hanggan'g sa ito ay lumaki at yumabong. Ang sabi nga sa akin ni Mamá, kapag ikaw ay naging ina, habang-buhay mo na iyo'ng tungkulin. Kahit na ano pa ang edad ng iyo'ng anak, habang ang isa'ng ina ay nabubuhay, siya ay mananatili'ng ina. At sa pagkakataon nga na ako'y nagdadala'ng tao, mas naiintindihan ko ang sakripisyo na kaya'ng gawin ng isa'ng babae bilang ina.
—
Cebu, USA
Hulyo, 1911Siya'ng kabuwanan ko na. Binilang ni Juan Antonio ang mga buwan at araw, at siya'y nakauwi nga dalawa'ng araw bago ko isinilang ang una namin'g anak. Sinigurado ng akin'g kabiyak na ang kanya'ng kamay ang akin'g tangan sa punto na akin'g iluluwal ang amin'g sanggol. Kami ay nabiyayaan ng isa'ng lalaki'ng anak. Sinag. Iyon ang kanya'ng ngalan. Inihalintulad namin siya sa isa'ng liwanag, isa'ng bago'ng pag-asa.
—
Cebu, USA
Pebrero, 1912Nang matuto'ng maglakad si Sinag ay bumalik na ako sa akin'g mga gawain. Akin'g kinausap ang akin'g Tiyohin na gobernador na mabigyan nang isa'ng lugar kung saan malinis at ligtas na maaalagaan ang mga nagdadala'ng tao, ganoon na rin ang mga bago'ng silang na mga sanggol. Siguro ay dahil nagdadala'ng tao na rin ang akin'g pinsan ay napapayag ko ang akin'g tiyo sa nais ko. Kanya ako'ng ginawa'ng puno'ng abala. Nagbasa ako ng mga libro patungkol sa mga kababaehan at ang agham sa likod nang pagdadalang tao. Akin din'g nilapitan ang mga doktor sa amin'g bayan, nagtatanong ako sa mga bagay na hindi ko alam at hindi ko maintindihan. May isa'ng doktor na handa'ng tumulong kapagka napatayo na ang pasilidad para sa mga ina at mga sanggol na tatawagin namin'g Kalinga ng Kababaehan.
—
Abril, 1912
Ako ay nakatanggap ng liham galing sa akademya na akin'g pinagtapusan. Nais nila na gawin ako'ng guro sa literatura. Aaminin ko na ako'y naakit sa kanila'ng nais. Subalit, akin'g naisip ang akin'g anak, kay rami ko na rin'g ginagawa sa Kalinga ng Kababaehan. Mas nanaisin ko na magkaroon ng sapat na atensyon roon at sa akin'g anak kaya akin'g tinanggihan ang opurtunidad na makapagturo sa akademya.
Sa edad na dalawampu't lima, ako ay muli'ng nagdalang-tao. Ngayon, kinakailangan ko nang mag-alaga ng mag-da-dalawa'ng taon na bata at supling na nasa akin'g sinapupunan. Hindi ko rin maatim na talikuran ang kalinga. Mas natutuwa nga ako dahil magiging isa ako sa mga nagdadalang tao'ng kababaehan doon. Patuloy pa rin ako sa pagturo kung paano nila maaalagaan ang kanila'ng sarili, kung paano magkaroon ng malinis na gatas, kung paano linisin ang atin'g dibdib bago at matapos magpasuso.
—
Mayo, 1912
Sa pag-uwi ni Juan Antonio sa buwan na iyon ay isa'ng balita ang kanya'ng agad na sinabi sa akin nang makatulog na si Sinag kinahapunan matapos ang ilan'g oras nila'ng paglalaro.
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Historical FictionIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...