Epilogo

481 13 3
                                    


-1951-

Lima'ng taon mula nang ibaba ang watawat ng Estados Unidos at itaas ang watawat ng Pilipinas sa Malacañan. Naghihilom na rin ang mga probinsiya na naapektuhan ng digmaan. Ang kulay asul sa watawat na nagsisimbolo ng kapayapaan ay nasa itaas. Nangingiti ako kapag iyon ang akin'g nakikita sa tuwing akin'g hinahatid ang akin'g mga apo sa skwela. Sumasabay sa saliw ng hangin ang simbolo ng Pilipinas.

Naging abala ako sa kilusan ng National Federation of Women's Club. Sa sangay nito sa Pampanga ang akin'g pinamunuan. May tatlumpu na babae'ng skolar na kami'ng napag-aaral ng kolehiyo. Kasapi rin ako ng Girl Scout of the Philippines at aktibo'ng miyembro ng Philippine Red Cross. Tuwing anibersaryo ng araw na nakamit ng mga kababaehan ang karapatan na bumoto ay kami'y nagtitipon-tipon, nagpapakain sa mga bata'ng kalye. Akin na rin'g nailimbag ang pangalawa ko'ng libro, naglabas din ako ng isa'ng maliit na libro patungkol sa mga ulam upang makatulong sa mga butihin'g maybahay. Nakapaloob rito ang mga sangkap at paraan sa pagluto.

Ang naiwan na sakahan ng akin'g kabiyak ay napalago ni Lucio. Dalawa'ng hektarya na ang lupain, marami ng mga gulay at prutas ang makikita sa sakahan. Marami'ng mga mamamayan na rin ang natutulungan sapagkat nakapagpatayo na ng korporasyon ang akin'g anak. Ngayon ay ikinakalakal na sa iba't iba'ng probinsiya ang amin'g mga pananim.

May sarili na rin'g tahanan sina Sinag sa Mabalacat, bumibisita naman sila sa akin kapagka wala'ng pasok ang mga bata sa skwela at hindi rin abala sila'ng mag-asawa.

Linggo-linggo ay akin'g dinadalaw ang puntod ng akin'g asawa. Kagaya nang dati ay kinukwento ko pa rin sa kanya ang mga pangyayari sa akin'g buhay. Kagaya nang dati, siya pa rin ang akin'g talaarawan. Linggo-linggo, dala ang pananim ko'ng waling-waling, nauupo ako nang matagal na panahon upang kausapin lamang siya.

At parati ako'ng umuuwi na namamaga ang mga mata. Lima'ng taon na ang lumipas, subalit hindi mahilom-hilom ang sugat na dala nang kanya'ng paglisan.

"Kahapon, nagpunta kami nang atin'g mga anak kasama ang atin'g mga apo sa Malacañan. Pinasinayaanan ako ni Pangulo'ng Quirino nang isa'ng medalya. Bilang pagkilala sa akin'g nagawa sa mga kababaehan sa bansa."

Nahinto ako at tinitigan ang kanya'ng pangalan na nakaukit sa lapida.

"Subalit... hindi ko naman magagawa ang akin'g mga nakamit kung hindi dahil sa iyo. Malaki ang tiwala na iyo'ng ibinigay sa akin. Ako'y iyo'ng inalo sa mga panahon na ako ay sumusuko. Iyo'ng ginamot ang sugat sa akin'g damdamin, pinakalma ang takot sa akin'g puso. Ikaw ang akin'g naging tapang sa mga panahon na hindi ko na nais ituloy ang laban."

Nagpunas ako ng luha at uhog.

"Alam ko na kung nasaan ka man, ako ay iyo'ng pinagmamasdan. Marahil nga isa ka sa mga pumapalakpak nang akin'g tanggapin ang medalya. Ngunit sana, sana nakikita pa rin kita. Sana akin pa rin'g tangan ang iyo'ng kamay, sana naririnig ko pa ang iyo'ng boses. Sana kasama pa rin kita."

Napahawak ako sa kandungan nang akin'g saya, nayuko ako, humihikbi.

"Sa pagdaan ng mga panahon, ikaw pa rin ang laman nang akin'g puso. Araw-araw ako'ng nangungulila. Araw-araw ko pa rin'g hinahanap ang iyo'ng presensya. Araw-araw sa akin'g paggising, ako'y humihiling na sana makita ko'ng muli ang iyo'ng tsokolate'ng pares ng mga mata."

Hindi mapawi-pawi ang lungkot sa akin'g puso. Labis-labis pa rin ang akin'g pangungulila sa kanya. At sana, sana kami ay magkita nang muli.

Nais ko na siya'ng makasama.

-

Pampanga, Pilipinas
Oktubre, 1951

"Lola, maganda po ba?" naging tanong ng siyam na taon ko'ng apo na si Pearl. Kanya'ng ipinakita ang kanya'ng ginuhit at kinulayan na mga bulaklak.

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon