Dalawamput-isa

207 8 0
                                    

-1944-

Buwan ng Agosto ng taon, nakatanggap kami ng balita na yumao na ang Pangulo'ng Quezon sa Estados Unidos. At ayon sa batas, humalili sa kanya ang pangalawa'ng pangulo na si Ginoo'ng Sergio na akin din'g nakilala noon'g kami ay nasa Cebu pa.

Nagluksa kami sa amin'g nalaman, batid namin na ang dahilan kung bakit nagpunta ng Estados Unidos ang yumao'ng pangulo hindi dahil sa gusto niya lamang tumakas. Alam ko na hindi niya tatalikuran ang kanya'ng bansa. At naniniwala ako na kahit na siya'y malayo ay kanya'ng ginagawa ang kanya'ng tungkulin bilang pinuno. Subalit, kay pait nang kapalaran. Nawalan ang Pilipinas ng isa pa'ng tagapagtanggol.

Nakakalunos.

Ito ba ay panghabangbuhay na na dilim?




-1945-

Araw-araw na lamang ay palala nang palala ang mga kwento na akin'g naririnig. Mga inosente'ng kababaehan na ginawa'ng parausan ng mga sundalo. May mga babae rin na ginawa na lamang na puhunan ang kanila'ng katawan kapalit ng pera upang may mabilin'g pagkain para sa kanila'ng pamilya. Ang iba ay pinipilit na sila ay makipagtalik kapalit ng kanila'ng kaligtasan. Kung minsan pa ay matapos gahasain sa sarili'ng tahanan ay iiwan pa'ng wala'ng buhay. Hindi rin nakaligtas ang mga musmos na kapag napagkatuwaan ng mga sundalo ay tinutuhog nila ang kaawa-awa'ng katawan matapos ihagis sa hangin, na para ba'ng ito ay mga hayop na kanila'ng hinahabol sa masukal na bundok.

Minsan akin nang naiisip na hindi na tao ang amin'g kalaban kundi mga halimaw na. Subalit, akin din'g naisip, mas mabuti na nga lang sana kung halimaw na lamang sila. Hindi iyo'ng tao na ginawa ng Diyos na may sapat na pag-iisip, may emosyon, tinagurian na pinakamatalino'ng hayop sa lahat. Sana ay halimaw na lang, dahil mas masakit, mas nakakapanlumo na tao mismo ang kumikitil sa buhay ng mga inosente. Tao.

Magtatatlo'ng taon na mula nang sumiklab ang pangalawa'ng pandaigdigan na giyera. Ayon sa mga bali-balita na amin'g narinig sa mga Huk ay nagsimula na ang Labanan sa Maynila. May mga probinsiya na rin na nabawi nang mga Amerikano sa tulong ni Heneral McArthur magmula nang siya ay magbalik sa bansa sa nagdaan na taon.

Marso, tuluyan na lumaya ang Manila sa kamay ng mga Hapon. Kami ng akin'g pamilya ay nagdisesyon na lumikas nga papunta roon. May mga naipon na rin naman kami'ng salapi mula sa amin'g mga binibenta'ng prutas at gulay sa amin'g sakahan. Amin na rin'g nabenta ang iba sa amin'g kagamitan sa bahay. Mabubuhay kami kahit papaano.

Subalit isa'ng araw bago ang amin'g pag-alis ay ako'y tinamaan ng lagnat, tila ay mabibiyak ang akin'g ulo sa sobra'ng sakit.

"Mauna na lamang kayo roon. Sige na, ilikas niyo na ang mga bata." akin'g utos kay Sinag at Lucio nang akin'g mapansin na nasa bahay pa rin sila matapos ang dalawa'ng araw na ako'y nakahiga lamang dala ng lagnat.

"Mamá, hindi ka namin iiwan na lamang." pagtanggi ni Sinag.

"Hindi rin nais ni Maria at ng mga bata na iwanan kayo ni Papá rito." paliwanag din ni Lucio.

"Matatanda na kami ng inyo'ng Papá, hindi na rin naman kami magtatagal pa. Hindi ko nais na maging hadlang sa inyo'ng pag-usad. Kailangan ng mga bata ng ligtas na lugar. Kaya lumikas na kayo."

"Patawad, Mamá, subalit hindi ka namin maaari'ng sundin. Hindi ka namin iiwan. Hindi namin kayo pababayaan." nanindigan ang akin'g bunso.

Humawak naman sa akin'g isa'ng kamay si Sinag.

"Pamilya tayo, Mamá, kahit ano'ng mangyari hindi ka namin tatalikuran."

Gumaan ang akin'g pakiramdam sa akin'g narinig. Mas lalo ako'ng nagpursige na talunin ang lagnat. Hindi maaari na maging dahilan ako upang hindi makaligtas ang akin'g pamilya.

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon