—Cebu, USA
Abril, 1909Magmula nang ako'y namulat sa nangyayari sa komunidad nina Oryang ay hindi ako nag-atubili na bumalik doon. Kahit na pati si Ginoon'g Mercado ay hindi sang-ayon na ako'y bumalik sa liblib na lugar.
"Wala ka naman'g makukuha'ng maganda'ng kwento sa pobre'ng komunidad na iyon." ang kanya'ng dahilan nang ako'y magpaalam.
"Batid ko'ng may mga kwento pa ako'ng malalaman mula sa kanila."
"Ang tanong, nais ba iyo'ng basahin ng atin'g mga parokyano? Hindi ka na reyna, Eleonor. Baka nakakalimutan mo na hindi porke't nakalimbag ang iyo'ng pangalan sa papel ay bibilhin na ito gaya nang dati."
Hindi ako sumagot.
"Sa bago'ng reyna ka na lamang magbigay nang sapat na atensyon. Iyon ang inaatas ko'ng trabaho sa iyo."
"Si Lorenzo na ang may hawak sa gawain na iyon, Ginoo."
"Punyeta, Eleonor!" kanya'ng pagmumura. "Ililipat ko sa iba'ng gawain si Lorenzo. Mas makakalapit ka sa bago'ng reyna at makakahanap ng kwento. Ang tungkol sa kanya ang nais malaman ng mga tao. Naiintindihan mo ba ako?"
"Hanggan'g kailan natin gagawin ito, Ginoo? Atin na lamang ba'ng gagatasan ang mga magiging reyna ng Pista? Gagamitin upang tayo'y makahanap ng kwento upang magkapera?"
"Para ipaalala ko sa iyo, Eleonor, ito ay negosyo. Hindi lamang tayo gagawa ng talaarawan. Aanhin natin ang mga kwento na nais mo'ng ibahagi kung wala naman'g nais magbasa?!"
Akin'g pinigil na maluha.
Subalit, sumisikip na ang akin'g dibdib sa bawat salita na naririnig.
"Hindi ka na babalik sa lugar na iyon." madiin nito'ng pag-ulit.
"Kung ganoon na lang din lamang ay mas nanaisin ko na umalis sa akin'g trabaho."
Gulat na gulat si Ginoo'ng Mercado nang iyon ang akin'g sinagot.
"Naririnig mo ba ang iyo'ng sarili, Eleonor?"
"Hindi ko nais na sundan at kaibiganin ang bago'ng reyna o ang mga susunod pa'ng reyna para lamang makahanap ng kwento at pagkaperahan. Mas lalo'ng hindi ko nais na maupo lamang sa silid na 'to sa buo'ng maghapon."
"Ikaw ay lubha'ng nagmamalabis na."
"Paumanhin kung sa tingin niyo ay kalapastanganan ito. Ngunit, akin'g hinihingi ang inyo'ng pag-intindi. Aalis ako sa akin'g trabaho, nang sa ganon ay hindi na rin madamay ang pahayagan.
"At hindi ko rin nais na inyo'ng apakan ang akin'g mga pakpak at pigilan na lumipad. Hindi ang akin'g mga pakpak ang akin'g isasakripisyo kung maaari ko naman'g pakawalan ang akin'g sarili sa hawla'ng inyo'ng gawa."
"Tingnan na lamang natin kung hindi ka magsisisi sa iyo'ng naging pasya."
"Mas nanaisin ko'ng umuwi nang umiiyak, kesa panghabangbuhay na isipin kung ano'ng meron sa lugar na akin'g iniwasan na puntahan."
Nagngitngit si Ginoo'ng Mercado.
"Lubos ako'ng nagpapasalamat sa pagkakataon na inyo'ng ibinigay upang ako ay makapagtrabaho rito. Marami ako'ng natutunan. Ngunit akin'g ikinalulungkot na hanggan'g dito na lamang ang akin'g maibibigay para sa inyo'ng pahayagan." muli ay akin'g sabi bago tuluyan na umalis.
Naintindihan ni Mamá ang akin'g naging pasya. Ako'y kanya'ng niyakap matapos ko'ng ipaliwanag ang akin'g sarili. May tuwa naman sa akin'g puso nang akin'g maisip na ako'y wala nang obligasyon sa pahayagan. Nakakalungkot man nang kaunti, mas nangingibabaw pa rin ang tuwa na ako'y malaya na.
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Historical FictionIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...