—
Cebu, USA
Nobyembre, 1905Naitatag din ang organisasyon para sa mga babae'ng manunulat at mamamahayag. Tinawag ko ito'ng TINGOG (Boses), na naglalayon na marinig ang boses at maipakita ang kakayahan ng mga kababaihan. Nakakatawa lang na pinayagan ng mga Amerikano na makapag-aral sa tertiaryo ang mga babae ngunit takot naman ang mga ito na magsalita. Para saan pa't ang mga babae ay kanila'ng hinayaan na makahawak ng diploma?
Hindi naging madali ang pagtatag ko sa organisasyon, ngunit nagpapasalamat ako ng marami sa mga tao'ng handa'ng sumuporta sa nais ko'ng mangyari.
Dumaan ang mga araw, naging kilala ako sa loob ng pamantasan. Maging ang iba pa'ng kasapi ng organisasyon namin. Natutuwa ako na kahit papano'y may nagbabasa ng mga akda namin'g artikulo.
—
Cebu, USA
Abril, 1906Nagtapos ako ng kolehiyo sa taon'g 'to, hindi madali sa'kin na iwan ang lugar na nagpakilala sa'kin sa una ko'ng pag-ibig. Halos maluha ako nang sakay na ako ng karwahe ni Papa, hawak ko ang akin'g diploma, tanaw-tanaw ang struktura ng pamantasan.
Puno'ng puno ng pag-ibig ang akin'g puso. Hindi ako makapaniwala na may hawak nang diploma sa kolehiya ang isa'ng babae'ng kagaya ko. Ang tagumpay ko'y tagumpay rin ng akin'g ina na hindi nabiyayaan nang ganito'ng karangalan sapagkat nabuhay siya sa panahon kung saan ang mga kababaihan ay hinuhubog bilang tagasilbi lamang sa kanila'ng esposo at magiging mga anak. Ang isa pa'ng dahilan ng akin'g galak ay ang daan na pinanday ko kasama ang iba pa'ng mga babae para sa isa'ng pagbabago na pakikinabangan sa hinaharap.
"Natutuwa lamang ako, Mama. Umalis ako ng pamantasan na may naiwan'g mahalaga'ng bagay para sa susunod na henerasyon ng mga babae'ng mamamahayag. Tumataba ang akin'g puso sa tuwing naiisip ko iyon."
"Inilaban mo ang iyo'ng nais at hindi nagpatinag sa mga pangdadaot ng iba. Kapag nakikita kita, pakiramdam ko'y nagawa ko ang tama sa pagpapalaki sa iyo."
May ngiti sa akin'g labi, kasing tamis ng handa'ng panghimagas ng amin'g kasama sa bahay.
Natapos ko na nga ang kolehiyo, ngunit alam ko na sa labas ng matatayog na padir ng pamantasan magsisimula ang totoo'ng laban.
Naglaan ako ng isa'ng buwan sa pakikipaghalubilo sa mga mamamayan. Tinuturuan ko rin ang mga paslit na akin'g nakakasalamuha sa pagbabasa at pagsusulat. Ako'y labis na nalulungkot pa rin sa mapait na katotohanan na may mga inosente'ng bata na hindi makakatuntong sa paaralan dahil lamang sa estado nila sa buhay.
"Hindi kita maintindihan, Eleonor. Nandito naman kami ni Corazon ngunit mas nanaisin mo pa'ng makipaghalubilo sa mga alipin." ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na maririnig ko ito sa nakababata ko'ng kapatid na si Julianna.
"Julianna, hindi ko gusto ang tono ng iyo'ng pananalita."
"Bakit, Eleonor? Masakit ba'ng marinig ang mga sinasambit ko? Inakala ko na ngayon'g nakapagtapos ka na ng pag-aaral ay magiging tutok ka na sa amin ni Corazon."
"Julianna, sa tingin ko'y nagkakamali ka lamang sa iniisip mo. Hindi porke't tapos na ako sa pag-aaral ay pipirme na lamang ako sa bahay at makikipaglaro sa inyo. Huwag mo sana'ng masamain, nais ko'ng makasama kayo, mahal ko kayo'ng dalawa. Ngunit kayo'y abala sa pag-aaral, at ako'y may iba'ng misyon na nais gawin habang nasa paaralan kayo."
"Hindi mo kargo ang mga anak ng alipin, Eleonor. Hindi mo sila kadugo."
"Sila'y mga kapwa natin Pilipino, Julianna. Iisa ang lahi natin. Maswerte tayo't nasa maayos na kalagayan ang atin'g pamilya. Kaya normal lang na tulungan natin ang atin'g mga kababayan na salat sa buhay."
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Historical FictionIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...