Happy International Women's Day!
—
Cebu, USA
Hulyo 1908Dumating ako sa selebrasyon suot ang kulay bughaw na kayumpata na baro't saya. Bakya na regalo ng akin'g ama at ang perlas na alahas na mula pa sa akin'g ina. Sa huli, hindi ko sinunod ang nais ni Senyora Milagros. Pumunta ako ng selebrasyon suot ang alahas na nais ko.
Hindi ko na lamang pinansin ang kanya'ng matatalim na titig sa akin.
Nais lamang nila ako'ng umupo sa entablado, ngunit ako'y hindi na naman nagpapigil. Pinunta ako ng akin'g mga kababayan, nais nila ako'ng makita sa malapitan, bakit ako mananatili lang sa entablado? Ayoko na iparamdam sa kanila na ako'y bagay na dapat lang tingalain sa malayo, nais ko'ng makipaghalubilo sa kanila, nais ko'ng iparamdam sa kanila na ako'y kakampi—isa'ng kaibigan.
"Saan ka patutungo, Binibini?" pakiwari ko'y nakapako lamang sa akin ang atensyon ni Senyora Milagros sa gabi'ng yaon.
"Sa atin'g mga kababayan na nasa labas ng kahoy na pultahan, Tiya." pahakbang ako'ng muli nang ako'y hawakan niya sa braso.
"Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo, Eleonor. Hindi ka maaari'ng umalis sa iyo'ng upuan. Hindi umaalis sa kanya'ng trono ang isa'ng reyna." madiin na bulong niya sa akin, kasi'ng diin ng pagkakahawak niya sa akin'g braso.
"Maliban na lamang kung ang kanya'ng mga nasasakupan ay naghihintay sa kanya sa labas ng tarangkahan."
Nagulat si Senyora Milagros.
"Aba'y tila sa lahat ng bagay ay may maisasagot ka, Binibini."
"Milagros, hayaan mo na si Eleonor." boses iyon ni Mamá.
"Lucia, nais ko lamang putulin ang sungay ng iyo'ng anak. Hindi mo ata binabantayan ito."
Ako'y sasagot na sana'ng muli nang hawakan ni Mamá ang akin'g braso, maingat niya ako'ng hinila palayo kay Senyora Milagros.
"Puntahan mo na ang iyo'ng pakay, Eleonor. Ako na ang kakausap sa iyo'ng Tiya."
"Salamat, Mamá." may ngiti sa akin'g labi, tiningnan ko pagkatapos ang naghihimutok na sa galit na si Senyora Milagros, "Maiwan ko na muna kayo. May kailangan pa'ng asikasuhin ang reyna'ng ito." lalo ko siya'ng pinagngingit.
Lumabas ako sa ginawa nila'ng kahoy na barikada, ang rami'ng mamamayan ang naghihintay sa akin. Hinawakan pa ang akin'g kamay. Labis-labis ang tuwa nang makita nila ako.
"Kayo ba ay nakapaghapunan na?" akin'g natanong.
"Senyorita, saka na lamang kami maaari'ng kumain kapag natapos na ang kasiyahan."
"Ngunit, ginawa ang kasiyahan na ito para sa inyo." iyon ang sinabi sa akin ng akin'g Tiyo na gobernador, 'di umano ay para sa mamamayan ng amin'g probinsiya ang selebrasyon na ito. Hindi naman ako naabisuhan na ang itinuturing na mamamayan ay ang mga pulitiko at mga alta lamang pala.
"Senyorita, pinababalik na kayo sa inyo'ng upuan. Magtatanghal na ang isa'ng komikero para sa inyo." si Nana Pilar ang nagsalita, galing ito sa loob, marahil ay sinabihan ito nang akin'g Tiya.
"Sandali lamang, Nana." tinitigan ko ang mga tao.
Sadyang kay lupit ng tadhana.
Napalunok ako at nilingon si Nana Pilar.
"Nana, pakikuha ng alahas na binigay ni Senyora Milagros sa akin kanina. Nasa loob ng aparador sa akin'g silid. Nais ko'ng dalhin mo 'yun sa pinakamalapit na comprador de joyas ngayon, ang pera'ng maipapalit dun ay pakibigay sa mga tao'ng ito."
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Fiksi SejarahIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...