—
Manila, USA
Enero, 1908Pinili ko'ng makipag-usap pa nang mas matagal kay Juan Antonio. Siya pa laman'g ang una'ng binata na naglakas-loob na ako ay lapitan at kausapin. Ayon sa akin'g naririnig mula sa akin'g kaibigan na si Candida ay takot 'di umano ang mga kalalakihan sa amin'g probinsiya sa akin. Hindi ko alam kung ako'y hindi lang talaga ganoon kaakit-akit sa kanila'ng mga mata upang kanila'ng lapitan. O maari'ng hindi naman talaga maari'ng mag-usap ang babae at lalaki sa pampubliko'ng lugar.
Napag-alaman ko na Espanyol ang ina ni Juan Antonio, halata naman sa kanya'ng mukha na may iba'ng lahi siya. Sa pag-uusap din'g yaon ay nalaman ko'ng isa siya'ng mag-aaral sa Ateneo de Manila sa kurso'ng medisina kagaya nang amin'g mga ama. Pangalawa'ng kurso na niya ito sa kolehiyo, siya'y nagtapos ng edukasyon at nagpatuloy sa medisina dahil ito'y kanya'ng una'ng pag-ibig. Anim na taon ang amin'g agwat, kaya siguro siya'y may malawak na na kaalaman kumpara sa akin. Hilig din nito ang pagsusulat kaya naging malapit agad kami sa una namin'g pag-uusap. Tinanong niya ako sa libro'ng hawak ko, at kung ano'ng akin'g opinyon patungkol sa sining ng bansa. Pareho kami'ng mahilig sa mga akda ni Francisco Balagtas at Huseng Sisiw. Sa pag-uusap na 'yun ay tila matagal na kami'ng magkaibigan. Tunay nga'ng napaka-intelehente niya'ng binata, maliban sa pagiging maginoo at makisig.
"Madalas ka'ng ikinukwento ng iyo'ng ama." tiyak ko'ng malapit nga siya sa akin'g Papa, matagal nang nais ni Papa na magkaro'n ng lalaki'ng anak at lalo na't pareho pa sila'ng nasa medisina.
"Inaasahan ko na ito'y magaganda'ng kwento patungkol sa akin." marahil ay ako'y labis na madaldal, nasanay ako'ng sabihin kung ano'ng laman ng akin'g isipan.
Dapat ba'ng tumahimik muna ako? Ang natanong ng isipan ko.
Narinig ko ang tawa ni Juan Antonio.
"Totoo nga ang tinuran ng iyo'ng ama. Sinasambit mo kung ano'ng nasa loob ng isipan mo. Tunay ka nga'ng kakaiba."
"Dapat ba ako'ng matuwa sa iyo'ng iwinika, Ginoo?"
Tinanguan niya ako.
"Nababasa ko na ang iyo'ng mga akda sa peryodiko. Ako'y namamangha na ikaw na mismo ang kausap ko ngayon, Binibini."
"Sa paano'ng paraan mo nabasa ang akin'g mga gawa?"
"Sa pamamagitan ng iyo'ng ama. Kagaya nang akin'g tinuran kanina, palagi ka niya'ng nakukwento, pinagbubunyi. Hinintay ko ang araw na pupunta ka ng Maynila. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na magtatagpo tayo, Binibini."
Kung alam na niya ang akin'g mga gawa, alam na niya kung ano'ng galaw ng akin'g utak at opinyon sa mga bagay. Kung totoo nga'ng ako'y kinukwento ng aki'ng ama sa kanya at ninais niya ako'ng makilala, ibig sabihin hindi siya natakot sa akin?
"Alam ko'ng masyado pa'ng maaga para ito'y sambitin, ngunit matagal na kita'ng natitipohan, Binibini."
Halos malunok ko ang akin'g dila sa gulat.
Nagtapat ba talaga siya? May binata'ng nagtapat ng kanya'ng nararamdaman sa akin?
"Hindi ko nais na ikaw ay gulatin. Ipagpaumanhin mo." may kaba na ako'ng nakitaan sa kanya'ng mukha.
"Paano mo matitipohan ang isa'ng dilag na ngayon mo lamang nakita, Ginoo?"
"Maari iyon kung ang dilag na ito'y nakilala ko na mula sa kanya'ng mga gawa. Pakiramdam ko'y matagal na tayo'ng nag-uusap gamit lamang ng iyo'ng salita sa papel, Binibini."
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Historical FictionIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...