—
Cebu, USA
Disyembre, 1941A-otso ng buwan na ito nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng bansa'ng Hapones at Estados Unidos. Sunod-sunod ang kanila'ng pagkubkob sa bahagi ng Pilipinas matapos nila'ng pabagsakin ang Pearl Harbor. Hindi nga nakaligtas ang amin'g probinsiya sa gulo. Tila ay bumalik sa akin'g gunita ang mga panahon sa akin'g kamusmusan kung saan nagpapatayan ang mga Espanyol at Amerikano, Amerikano at Pilipino. Hindi ko alam kung ako ba ay mangingiti na lamang na ang dati'y nagpapatayan ay nagtutulungan na upang kalabanin ang isa pa'ng mananakop.
Hindi ko makakalimutan ang gabi na yaon, kakakagat pa lamang ng dilim, ilan'g minuto lamang matapos ang amin'g hapunan na magpapamilya nang makarinig kami nang pagsabog at sunod-sunod na putok ng baril.
"Kay lapit ng tunog na iyon." naging puna ni Sinag na agad nakahawak sa kanya'ng munti'ng pamilya.
Umiiyak na rin ang kakasilang lamang na sanggol ni Lucio. Sumunod muli ang pagpasok ng bala sa amin'g tahanan.
"Dapa!" sigaw ni Juan Antonio na agad humawak sa akin'g ulo upang ito'y protektahan.
"Lumapit kayo rito! Sinag! Lucio!" akin'g tinipon ang akin'g mga anak kasama ang kanila'ng kanya-kanya'ng pamilya.
Patuloy sa pagpapaulan ng mga bala ang nasa labas. Hindi ko mawari kung kanino'ng mga baril nanggaling ang pagputok na iyon. Patuloy rin sa pag-iyak ang amin'g munti'ng sanggol na wala'ng kamalay-malay sa kinasadlakan ng mundo na kanya'ng sinilangan.
Sa paghupa ng mga bala ay nabahiran ng katahimikan ang akin'g tahanan. Agad ko'ng tiningnan isa-isa ang akin'g pamilya.
"May nasaktan ba sa inyo? Ang mga bata? Si Pearl? Ayos lang ba?" sunod-sunod ang akin'g pag-aalala.
"Ligtas sila sa ngayon, Mamá." pagsagot ni Lucio.
Sa ngayon.
Kailan ito matatapos? Ilan'g buhay na naman ba ang kukunin ng digmaan na ito?
—
"Nakapagpahinga na ba ang mga bata?" akin'g pauna'ng tanong matapos lumabas ni Sinag sa silid kung saan tinipon namin ang mga bata na dala ng takot ay nakatulog na.
Tinanguan ako ng akin'g anak.
"Kayo Mamá? Hindi pa ba kayo magpapahinga?"
"Ayaw ako'ng dapuan ng antok."
"Hindi ako makapaniwala na muli'ng sisiklab ang digmaan. Parang kailan lang nang magkaroon ng pag-asa ang Pilipinas sa kanya'ng paglaya. Subalit ngayon, tila'y kay layo muli ng maganda'ng hinaharap."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang akin'g sasabihin.
Malalim na ang gabi nang matapos ang mga pailan-ilan na pagputok na akin'g naririnig sa labas ng amin'g tahanan.
Hindi ko alam kung ano'ng kalagayan sa labas ang akin'g makikita. At muli, ako ay natakot sa parating na bago'ng umaga.
Lumabas ako ng bahay nang magliwanag na, nais ko'ng kamustahin ang akin'g mga kapatid. Sinamahan ako ni Juan Antonio sa akin'g balak, kahit na mahaba'ng diskusyon ang nangyari bago kami humantong sa disesyon na iyon.
Isa'ng kalunos-lunos na pangyayari ang sumalubong sa amin. May mga bangkay sa gilid ng daan, mga sundalo sa iba't iba'ng lahi, may mga ordinaryo'ng tao na nadamay. Marami'ng gusali ang nawasak sa pagsabog, mga bahay na napuno ng butas dala ng bala.
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Historical FictionIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...