—Manila, USA
December 1909Nagdaan ang mga panahon, nagpalit ang mga buwan sa kalendaryo, ang akin'g mga araw ay naging tila'y kalmado'ng dagat. Kung meron man ako'ng kinsasabikan, iyon ay ang araw na hindi na lamang sa papel ko makakausap si Juan Antonio. Ako ay sabik na sabik na siya ay akin'g makasama ulit. Ang darating na pasko na lamang ang akin'g natitira'ng pag-asa sa amin'g muli'ng pagkikita.
Palapit na nang palapit ang araw na kami'y pupunta ng kabisera. Marami ako'ng baon na kwento kay Juan Antonio, nasasabik din ako'ng marinig ang mga kwento niya kagaya nang dati.
Ika-labing-lima ng Disyembre, dumaong na ang sinasakyan namin'g bapor sa kabisera. Mag-iisa'ng taon na rin mula nang huli ako'ng tumuntong sa progresibo'ng syudad.
"Juan Antonio?" ako'y nagtaka nang siya ay lumapit sa amin habang amin'g hinihintay ang kutsero na inutos ni Papá na magsusundo sa amin.
"Como estas, Senyora Lucia, Senyorita Julianna, Senyorita Corazon, at maging sa iyo," nahinto siya upang titigan ako, "Binibini."
Ako ay napag-iwas ng tingin, may pino'ng ngiti sa akin'g labi.
"Juan Antonio, ikaw ba ay wala'ng pasok ngayon sa klinika?" si Mamá ang nagtanong.
"Ako po ay lumiban sa trabaho nang akin'g malaman na ngayon ang inyo'ng dating. Tutulungan ko na po kayo sa inyo'ng dinadala." kanya'ng hinawakan ang dala'ng maleta ni Mamá.
"Marami'ng salamat sa iyo, hijo." at tiningnan ako ni Mamá, "Kay swerte nang amin'g Eleonor na siya'y may katipan na kagaya mo."
Napahagikhik ang akin'g mga nakababata'ng kapatid.
"Tayo na sa karwahe." ako'y namumula. Nais ko'ng maghanap ng hangin.
Sa karwahe kami ay pinagtabi ni Mamá. Batid niya na matagal ako'ng nanabik sa araw na iyon. Nais ko'ng yakapin nang pagkahigpit-higpit si Juan Antonio, datapwat ako ay nahihiya. Iilan'g buwan na rin magmula nang kami ay naging mag-irog ni Juan Antonio, ngunit kami ay nagkakahiyaan pa rin. Napahawak na lamang ako sa akin'g saya at hindi kumibo sa buo'ng biyahe.
"Juan Antonio, dito ka na maghapunan. Ako ay maghahanda nang masarap na pagkain." si Mamá ang nag-aya bago niya kami maiwan sa hardin.
"Iyan ay akin'g hindi tatanggihan, Senyora. Marami'ng salamat."
Ako ay nanatili'ng tahimik. Hinihintay na makaalis si Mamá.
Ako ay nakahinga nang maluwag nang tuluyan nang pumanhik sa loob-bahay ang akin'g ina.
"Kanina ka pa ata tahimik, Binibini. Masama ba ang iyo'ng pakiramdam?"
"Ako ay maayos lamang, Ginoo."
"Hindi ako sanay na ikaw ay tahimik."
"Pagkat ako ay nahihiya."
"Nahihiya? Saan?"
"Sa iyo. Hindi ko alam kung papaano kita haharapin. Lubha ako'ng nagulat nang ikaw ay akin'g makita kanina sa pier. Hindi ko man lang naayos ang akin'g sarili."
Nangiti si Juan Antonio.
"Ako ay mas lalo'ng nahihiya sa iyo'ng ngiti, Ginoo."
"Binibini."
"Ano?"
"Maaari ba kita'ng mayakap?"
Napaawang ang akin'g bibig. Mabilis muli ang pagtibok sa akin'g damdamin.
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Historical FictionIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...