—
Cebu, USA
Huli'ng araw ng Mayo, 1909Napaawang ang bibig ni Juan Antonio dala nang pagkagulat sa akin'g nasabi. Kay tagal ko'ng pinigil ang akin'g sarili na bitiwan ang mga kataga'ng iyon, at nang akin na iyo'ng nasabi ay tila gumaan ang akin'g nararamdaman.
"Ang ibig mo ba'ng sabihin, ako ay iyo'ng tinatanggap na sa iyo'ng buhay? Ako ay iyo nang katipan, Binibini?"
Lumabas ang akin'g nahihiya'ng ngiti.
"Oo," sunod-sunod na ang akin'g pagpapalaya sa akin'g nararamdaman.
Si Juan Antonio ay tunay na nagalak. Maski ako ay napapangiti rin sa akin'g kinauupuan.
Ako ay nangangapa pa kung paano at ano ang nangyayari sa isa'ng relasyon sa pagitan ng babae at lalaki. Hindi ko alam ano ang akin'g ikikilos, kung ano ang akin'g dapat sabihin. Ako ay sinabihan ni Juan Antonio na akin lamang gawin ang akin'g mga nakasanayan. Nais namin mapanatili ang amin'g pagkakaibigan. Espesyal na nga lang ang amin'g magiging tingin sa isa't isa. At maaari na namin'g ipagmalaki na kami ay nagmamahalan.
May pangamba rin naman sa akin'g puso na baka may magbago ngayon'g nasungkit na niya ang akin'g matamis na oo. Subalit, akin agad iyon na iwinaksi sa akin'g alimpatakan. Malaki ang akin'g kumpyansa kay Juan Antonio, batid ko na hindi niya ako paluluhain. Siya ang lalaki'ng akin'g una'ng inibig, at akin'g ipapanalangin nang taimtim na sana ay siya na ang akin'g makakasama sa pagharap sa dambana at magpahabang-panahon.
—
Hunyo, 1909
Wala pa nga'ng isa'ng linggo mula nang kami ay naging ganap na magkasintahan ay kinailangan muli namin'g maglayo ni Juan Antonio. Tapos na ang kanya'ng tungkulin sa komunidad nina Oryang, kinakailangan na rin niya'ng balikan ang kanya'ng trabaho sa Tanay. Tatapusin na rin nito ang kanya'ng pagiging dalubhasa sa pag-oopera.
"Hindi ko nais na ikaw ay malungkot." kanya ako'ng inalo nang mapansin na tahimik lamang ako nang kami ay maupo sa bangko sa ilalim ng puno ng kalachuchi.
"Akin nang inihanda ang akin'g sarili sa araw na ito. Ngunit, hindi ko maintindihan kung bakit ako ay nalulungkot pa rin."
"Naiintindihan kita, 'pagkat ganyan din ang akin'g nararamdaman. Isa'ng buwan kita'ng nakasama, halos araw-araw. Ako ay maninibago na hindi ka na nakikita parati."
"Bakit tila iyo'ng nababasa ang akin'g isipan, Ginoo?" sapagkat kanya lamang iwinika ang mga kataga'ng nakapaloob lamang sa akin'g isipan.
Siya ay nangiti.
"Araw-araw kita'ng maiisip, Binibini. Kung minsan akin'g naiisip, sana ay naging imbentor na lamang ako. Nais ko'ng gumawa nang isa'ng kasangkapan upang mapabilis ang atin'g pag-uusap, o hindi kaya ay mas mabilis na paraan upang akin'g masilayan ang iyo'ng mukha."
"Ipagdadasal ko na lamang na makagawa nga nang ganoo'ng imbensyon ang mga imbentor. Nang sa ganoon ay ikaw ay akin'g masilayan agad kapag ikaw ay akin'g naiisip."
"Palagi mo'ng pakakatandaan, na ikaw ay akin'g iniibig. Kahit na ilan'g isla pa ang atin'g pagitan, hindi'ng hindi magbabago ang akin'g nararamdaman."
"Ganoon din ako. Iniibig kita, Juan Antonio. Hihintayin ko na tayo'y muli'ng magkita."
Nang sumakay na si Juan Antonio sa karwahe ay akin'g pinigil na tumulo ang akin'g luha. Mas madamdamin ang amin'g paglalayo sa pagkakataon na iyon. Siguro marahil sa kami ay magkasintahan na at nasanay na rin kami na nagkikita sa komunidad nina Oryang. Akin'g hahanap-hanapin ang kanya'ng presensya na abala'ng tumutugon sa mga pasyente habang ako ay nagtuturo sa mga paslit.
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Fiksi SejarahIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...