—
Manila, USA
Nobyembre, 1908Sa Manila ako maglalagi hanggan'g sa matapos ang akin'g panunungkulan bilang reina del oriente. Sapagkat malapit na ang Pasko, marami'ng okasyon na kinakailangan'g daluhan. May mga pista rin sa Enero at ako'y sinabihan nang dumalo. Nakakalungkot nga't wala ako sa amin'g sarili'ng selebrasyon sa pagdiriwang ng Pista ng amin'g mahal na Santo Niño.
Dumating ako ng kabisera at bumisita sa mga kapuspalad. Nagdala ako ng pagkain para sa kanila, hindi iyon alam ng iba'ng nasa komite. Hindi naman kasi kasama ang pagtulong sa mga kapos ang reyna na kanila'ng dinibuho sa kanila'ng isipan. Sa bagay na yaon kami palagi'ng nagkakabangaan. Nais nila na ako'y lumabas lamang kasama ang mga mayayaman sa mararangya'ng okasyon. Ngunit mas nais ko naman na makipag-usap sa mga kababayan ko na hindi nila pinakikinggan.
—
Manila, USA
Disyembre, 1908Sunod-sunod ang akin'g dinaluhan na pagtitipon. Palapit na ang pagtatapos ng akin'g pagiging reyna sa buo'ng oriental. Lumabas na rin sa mga pahayagan ang bago'ng lista ng pagbobotohan para sa susunod na reyna.
"Eleonor, may bisita ka." abala ako sa pabuburda nang marinig ko si Mamá.
"Sino gayon, Mamá?"
Isa'ng pino'ng ngiti lamang ang ganti niya.
Iniwan ko na rin muna ang akin'g ginagawa at pumunta sa balkunahe kung saan naghihintay ang bisita na tinutukoy ni Mamá.
May matikas na lalaki na kausap si Papá.
Ito'y pamilyar sa akin.
Nang palapit na ang akin'g distansya sa kanila ay eksakto'ng lumingon sa akin ang binata na kausap ni Papá.
May tuwa ako'ng naramdaman. Kay tagal ko siya'ng hindi nakita. Pero bakit tila ay nais ko'ng tumalon at ipulupot ang akin'g mga bisig sa kanya'ng katawan?
Eleonor, gising!
"Cómo éstas, Binibini?" may maganda'ng ngiti si Juan Antonio nang ako'y tumayo sa kanya'ng harap.
"Ako'y nasa maayos na kalagayan, Ginoo." akin'g pinipigil ang akin'g mga pisngi sa pagtaas ng mga ito.
"Maiiwan ko na muna kayo." nakalimutan ko'ng andun nga pala ang akin'g Papá.
Uminit muli ang akin'g pisngi, pakiwari ko'y abot ito sa akin'g batok. Nahihiya ako na kinakabahan nang kami'ng dalawa na lamang ni Juan Antonio ang naiwan sa asotea.
Nginitian niya ako'ng muli. Tila ako'y nalulunod sa maganda niya'ng ngiti.
"Ako ay may dala'ng regalo para sa'yo, Binibini."
"Ano gayon?"
May dinukot siya sa panloob na bulsa nang suot niya'ng tunika.
Ako'y lalo'ng kinabahan.
"Ginoo?!" gulat ang akin'g ekspresyon, nahihiya na natatawa sa kanya'ng inilahad. "Akin na iyan." at hahablutin ko sana ang kanya'ng hawak na nakatupi'ng papel. Subalit iyon ay nilayo niya sa akin. Itinaas niya ito sa hangin, pinapahirapan ako'ng sungkitin yaon.
"Juan Antonio, akin na iyan." ako'y nagbanta.
"Kahapon ko pa ito natanggap, Binibini."
Natigil ako sa pagsungkit.
"Kay tagal naman'g dumating ng liham ko?"
Kumibit-balikat ito.
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Fiksi SejarahIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...