Dalawamput-dalawa

366 16 2
                                        

A/N: I chose not to dig more on the Japanese period because I'll be writing a different story that focuses on Japanese occupation. So, this is just a glimpse for the next woman of Herstory series.

-1946-

Anim na buwan ang dumaan matapos mapalayas ang mga Hapon sa Pilipinas. Naibalik na sa Malacañan ang Pangulo'ng Osmeña. Unti-unti na rin'g bumalik sa dati ang bansa, nagbukas na ang mga paaralan, bumalik na sa kalakalan ang mga negosyante. Naging abala ang gobyerno sa pag-ayuda ng mga nawasak ng digmaan. May mga gusali nga na hindi na maaari'ng maibalik sa dati nito'ng ganda. Tumulong naman ang Estados Unidos sa pagbangon ng Pilipinas na lubha'ng naapektuhan nang pandaigdiga'ng digmaan.

Nanatili kami sa Pampanga at nagtuon ng atensyon sa amin'g sakahan. May mga panibago'ng magsasaka na rin kami. Sa buwan ng Abril ay nagkaroon muli ng halalan para sa susunod na pangulo ng bansa. Mga kalalakihan at mga kababaehan ay nagsidagsaan upang ibigay ang kanila'ng boto. Idiniklara nga ng halalan na iyon si Manuel Roxas bilang una'ng pangulo nang republika ng Pilipinas.

Umuwi rin ako ng Cebu matapos ang halos apat na taon nang ito'y akin'g lisanin. Nakatanggap ako ng telegrama mula kay Julianna. Sila diumano ay magkasama ni Corazon. Kaya ako nagmadali'ng umuwi sa amin'g probinsiya. Nabalot nang iyakan ang paligid sa amin'g muli'ng pagkikita. Pinaglayo kami'ng magkakapatid ng digmaan at isa ang bagay na iyon na akin'g pinagsisihan. Palagi ko'ng sinasama sa akin'g mga dasal ang kaligtasan nang dalawa ko'ng mga kapatid kaya ganoon na lamang ang labis na tuwa sa akin'g puso na sila nga ay nanatili'ng buhay.

Ipinatayo namin'g muli ang tahanan ng amin'g mga magulang. Hindi pa naman nawawasak ang mga haligi nito, kinakailangan lamang palitan ang iba'ng bahagi na sinira ng giyera. Si Corazon at kanya'ng pamilya ang titira roon. Nakakatuwa dahil sa loob ng baul na nailibing na sa sira'ng bahagi ng amin'g bahay ay makikita ang iba'ng gamit ng amin'g mga magulang, pati na ang mga larawan namin'g pamilya. Amin'g hinati ang mga larawan at kagamitan. Dinala ko sa Pampanga ang akin'g parte, si Julianna naman ay magsisimula nang bago'ng buhay sa kabisera.

Napag-alaman ko rin na nasa Negros muli si Candida kasama ang kanya'ng pamilya. Nakitil nang digmaan ang kanya'ng kabiyak, siya ay niligtas diumano mula sa mga sundalo. Siguro nga sa tinagal-tagal nang kanila'ng pagsasama bilang mag-asawa, marahil ay may namuo'ng pagtitinginan sa kanila. O hindi kaya ay pag-aalala kahit papaano.

Muli'ng tumayo ang Feminista Cebuana, si Belinda na anak ni Victoriana ang naging pinuno nito. Ang Kalinga ng Kababaehan naman ay akin'g ipinagkaloob sa akin'g kapatid na si Corazon. Ngunit, ako ay nangako na kung kailangan niya ng akin'g tulong ay huwag lamang siya'ng mag-atubili na sumulat sa akin.

Si Sinag naman ay sa gobyerno nagtatrabaho. Si Lucio ay naging kanang kamay ni Juan Antonio sa sakahan. Hindi rin tumatanggi ang akin'g kabiyak kapag may lumalapit sa kanya upang magsangguni sa kanila'ng kalusugan.

At ako, akin nang nailimbag ang una'ng libro na akin'g ginawa sa gitna ng digmaan. Nagsusulat na rin ako'ng muli nang isa pa, patungkol naman sa kung paano nakamit ng mga Pilipina ang karapatan na bumoto.

Hunyo ng taon din na iyon, akin'g ginunita ang akin'g ika-animnapu'ng kaarawan. Isa'ng simple'ng salo-salo kasama ang akin'g mga anak at mga apo lamang ang amin'g ginawa.

"Ikaw ay inuubo na naman." inabot ko ang isa'ng baso ng tubig sa akin'g asawa.

"Nakalanghap lamang ako ng alikabok."

Nangiti kami sa isa't isa. Unti-unti na nga'ng nagkakalaman muli ang akin'g asawa. Kay laki rin ng kanya'ng ipinayat sa digmaan, alam ko na hindi rin naging madali sa kanya ang pasanin lahat ng problema, may asawa pa siya na lubha'ng emosyonal sa mga panahon na iyon.

Ang Unang ReynaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon