Panglabing-tatlo

227 10 0
                                    

Cebu, USA
Mayo, 1909

Araw na ng kasal ni Candida. Nang mabasa ko ang sulat imbitasyon ay kinailangan ko pa'ng maupo, bumabalik ang lungkot, ngunit ako'y nasasabik na makita'ng muli ang akin'g kaibigan. Pero dapat ba ako'ng magsaya? Gayon'g makikita ko nga siya, ngunit sa araw pa ng kasal na hindi naman niya ginusto?

   Pinasamahan ako ni Mamá kay Juan Antonio, hindi komportable ang akin'g ina na ako lamang mag-isa ang dadalo sa kasal.

     "Masama ba ang iyo'ng pakiramdam?" tanong ni Juan Antonio nang mapansin na ako'y tahimik lamang sa simbahan.

     "Hindi ko maipaliwanag ang akin'g nararamdaman." may lungkot sa akin'g boses.

     "Atin na lamang ipagdasal na magiging maayos ang buhay ni Candida sa kanya'ng mapapangasawa."

   Tumango ako.

   Naluha ako nang makita'ng naglalakad sa pasilyo si Candida. Kay gara ng kanya'ng suot na baro't saya. Mamahali'ng uri ng mga bulaklak ang kanya'ng hawak. Nahahati ang akin'g atensyon, kung siya ba ay akin'g ihahatid ng tingin o ipikit na lamang ang akin'g mga mata.

   Nang mapansin niya ako ay matamlay siya'ng ngumiti. Hindi ang ganoon'g mukha ni Candida ang akin'g nais makita sa araw ng kanya'ng kasal.
  
   Tila'y nababasag ang akin'g damdamin sa pag-iisa'ng dibdib na akin'g nasaksihan. 

     "Candida!" mahina ko'ng sigaw, nasa malawak na hardin ng mansion ng kanya'ng asawa ang dinaos ang kainan. Napalingon sa'kin ang akin'g kaibigan at naiiyak ako'ng niyakap.

     "Eleonor, akala ko hindi ka makakapunta."

     "Bakit naman iyan ang iyo'ng naisip?"

   Kumalas siya at ako'y tiningnan.

     "Akala ko ikaw ay natatakot na makita ang akin'g ama. Inakala ko talaga na hindi kita masisilayan sa araw na ito."

   Hinawakan ko ang kanya'ng mga kamay.

     "Patawad at wala ako'ng nagawa."

     "Huwag mo na iyo'ng intindihin, Eleonor. Pangako, pipilitin ko'ng maging masaya."

     "Mabait ba ang iyo'ng kabiyak?"

     "Tingin ko naman hindi siya masama'ng tao."

     "Salamat naman kung ganoon."

     "Ang iyo'ng katabi na binata kanina, siya ba ang iyo'ng Juan Antonio?"

   Ako ay nangiti. Ang ganito'ng Candida ang akin'g kilala.

     "Siya nga."

     "Sinagot mo na ba siya, Eleonor?"

     "Hindi pa."

     "Ngunit mahal mo?"

    Namuo ang luha sa akin'g mga mata. Kapwa kami emosyonal ni Candida.

     "Mahal ko." nangiti kami pareho, "Mahal ko siya." ang akin'g pag-amin.

     "Masaya ako na ikaw ay nagmamahal na. Masaya ako para sa iyo."

   Tuluyan na ako'ng naluha at niyakap siya'ng muli.

     "Patawad, Candida. Patawad."

     "Wala ka'ng kasalanan. Huwag mo na ako'ng alalahanin. Kaya ko na ang sarili ko. Basta ipangako mo na hindi ka matutulad sa akin. Masaya na ako na may isa sa atin ang ikakasal sa kanya'ng irog."

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon