—
Manila, USA
Enero, 1909Sa mga bisig ni Mamá ako nahimbing nang mabuti. Hindi nga niya ako iniwan sa gabi'ng yaon. Pakiramdam ko ay isa pa rin ako'ng bata na nangangailangan ng kalinga ng isa'ng ina kapag ako'y natatakot.
Pagsibol ng hari'ng araw ay nakahanda na kami ng akin'g mga magulang nang pagpunta sa carcel upang gumawa nang pauna'ng hakbang. Dapat managot nang banyaga'ng 'yun sa kanya'ng ginawa.
Ngunit alam ko'ng ako'y nakikipag-usap lamang sa hangin.
Dumating si Ginoo'ng Hermoso nang kami'y pababa na ng hagdan. Nakaramdam ulit ako ng silakbo sa akin'g damdamin, ang lalaki'ng yaon ay may kinalaman sa nais mangyari ng banyaga.
"Maaari pa naman natin 'to'ng idaan sa mabuti'ng usapan." pasimula ni Ginoo'ng Hermoso nang tanggapin siya ng akin'g mga magulang sa salas. Pasalamat nga siya't pinapanhik pa siya sa amin'g tahanan.
"Nagpunta ka rito upang pigilan kami sa amin'g gagawin'g hakbang, hindi ba, Ginoo'ng Hermoso? Ngayon, ikaw ay akin'g tatanungin. Ano'ng ikabubuti nun?" si Papá ang sumagot.
"Doktor Benitez, hindi naman tuluyan na nalapastangan si Eleonor."
"Hinawakan nang banyaga'ng 'yun ang amin'g Eleonor nang wala man lang pahintulot. Panlalapastangan pa rin yaon. Kung hindi lamang napagtanggol ni Eleonor ang kanya'ng sarili, maaari'ng malala pa ang nangyari."
"Naiintindihan ko a—"
"Hindi mo naiintindihan, Ginoo'ng Hermoso. Tayo'y huwag magbiro rito. Datapwat kung iyo'ng naiintindihan ang akin'g nararamdaman bilang ama, hindi mo gagawin ang iyo'ng ginawa na ilapit ang anak ko sa kapahamakan."
"Ako'y humihingi ng paumanhin, ngunit alam naman natin na wala rin'g mangyayari kung kayo ay magrereklamo. Isa'ng mayaman na negosyante si Ginoo'ng Sanderson, malapit siya sa Gobernador-Heneral. Magsasayang lamang kayo ng inyo'ng oras at lakas."
"Kaya ang iyo'ng nais ay manahimik na lamang kami?"
"May iba pa ba kayo'ng magagawa? Mae-eskandalo lamang ang reyna. Madadamay pa ang kanya'ng mga babae'ng kapatid. Hindi niyo ba naisip yaon?"
Tila'y may punyal na bumaon sa akin'g damdamin nang marinig iyon.
"Bakit tila ay kasalanan ko pa na ako'y nabastos? Bakit kinakailangan na ako ang matakot?"
"Sapagkat wala ka'ng laban, Eleonor. Matalino ka, alam mo ang akin'g ibig sabihin."
Namuo ang luha sa akin'g mga mata, nanlalamig na'ko sa galit. Dahil tama si Ginoo'ng Hermoso, hindi rin ako mabibigyan ng hustisya, bagkos ay mae-eskandalo pa ang akin'g mga kapatid. Wala'ng alam sina Julianna at Corazon sa nangyari, hindi dapat sila madamay.
"Hindi ka rin naman nagalaw, Eleonor. Maliban sa paghawak, wala naman na iba'ng nangyari. Si Ginoo'ng Sanderson pa nga ang maari'ng magreklamo dahil siya ay iyo'ng nasuntok at namamaga rin ang kanya'ng mga paa."
Mapakla ang akin'g ngiti. Sagkaan na ang akin'g paghinga sa galit na akin'g nararamdaman. Sinambit niya ang mga kataga'ng 'yun na para baga'ng nagmamalasakit siya, kahit na ang totoo ay nais lamang niya'ng iligtas ang sarili niya.
"Isipin mo na lamang, Eleonor. Ikaw ang reyna, tinatangala ka ng buo'ng mundo. Huwag mo'ng dungisan ang iyo'ng reputasyon."
Bumagsak na nang tuluyan ang akin'g mga luha.
"Ginoo, umalis ka na lamang." pantataboy ni Mamá.
Sa pag-alis ni Ginoo'ng Hermoso ay napayakap ako nang mahigpit sa akin'g Mamá.
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Historical FictionIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...