Panglabing-walo

289 8 0
                                    


-1924-

Sa panibago'ng dekada na sinalubong ng Pilipinas, makikita na ang impluwensiya ng mga Amerikano sa iba't iba'ng aspeto. Marami'ng Katoliko ang niyakap ang pagiging Protestante- relihiyon'g dala ng mga Amerikano. Nagsitayuan ang mga bago'ng paaralan, iilan sa kanila ay Paaralan'g Amerikano ng Cebu na nasa Lahug. Englis ang pauna'ng lengwahe na ginagamit. Natatag din ang Paaralan'g Normal ng Cebu sa dekada na iyon. Ang ekonomiya ng bansa ay maganda, dala na nga nang pagtatag ng mga Amerikano sa estasyon ng tren ay mas napapadali ang kalakal ng mga kopras sa iba't iba'ng munisipalidad at bayan sa buo'ng probinsiya. Ang Cebu ay mayaman sa abaca, copra at tubo. Maliban sa mga laman'g dagat ay kay yabong din ng agrikultura na siya'ng nakakatulong sa ekonomiya.

Sa larangan nang pananamit, nag-iba na rin ang istilo ng tradisyonal na baro't saya ni Maria Clara. Sa pagdaan ng mga panahon, pinauso ng mga Amerikano ang Traje de Mestiza. Mas malaki ang manggas ng baro at mas makitid naman ang saya na amin'g sinusuot, meron din ito'ng saya de cola. Sa pagdaan ng mga panahon, unti-unti'ng nawawala ang tradisyonal na barong at tinanggap ng mga Pilipino ang Amerikana.

Ako ba ay natutuwa sa nangyayari sa Pilipinas? Hati ang akin'g nararamdaman. Nasa gobyerno na nga ang iba'ng Pilipino, sadya'ng hinuhubog na ng Estados Unidos ang Pilipinas sa kanya'ng pagsasarili. Kung kinakailangan ko'ng mamili sa Espanya o Estados Unidos, 'di hamak na may nagawa'ng mas maganda ang huli kesa sa nauna'ng mananakop.

Subalit akin pa rin'g hinihiling na nawa'y tuluyan nang lumaya ang bansa. Na balang araw ay makikilala ang Pilipinas bilang sarili'ng bansa, at hindi tuta lamang nang kung ano'ng mas matayog at malaki'ng dragon.

Sa akin'g munti'ng pamilya, hindi na nga namin muli'ng nasundan si Lucio. Sa mga taon na lumipas, ako'y patuloy na naging abala sa akin'g pahayagan, sa kalinga ng mga kababaehan, pati na ang pagiging tutok sa akin'g mga anak. Noon'g 1921 ay nagtatag ako ng isa pa'ng kilusan na naglalayon'g mabigyan'g boses ang mga kababaehan kung patungkol na sa pulitika. Sa kabisera ay mayroon nang ganito'ng lipon na lumalaban para magkaroon nang kalayaan ang mga babae na lumahok sa pambansa'ng eleksyon. Tatlo'ng taon mula nang akin'g maitatag ang Feminista Cebuana ay ramdam ko na kung gaano kahirap nito'ng pinasok ko.

Sa kabila'ng banda, ang akin'g esposo ay nakapag-ani na sa prutasan namin sa Pampanga. Marami'ng mga magsasaka na natutulungan si Juan Antonio sa kanya'ng sakahan dito sa Cebu at Pampanga. Si Julianna ay nagkaroon na rin nang sarili'ng pamilya. Si Corazon ay patapos na sa kolehiyo. Ang akin'g Papá ay nagretiro na sa kabisera at binabantayan na ang akin'g Mamá na sa kasamaan'g palad ay dinapuan nang malubha'ng sakit sa nagdaan'g taon.

Isa'ng Sabado nang umaga, kakatapos lamang ng agahan namin'g pamilya. Nasa salas si Juan Antonio, kasama ang amin'g mga binatilyo'ng anak na abala sa kanila'ng takda'ng aralin.

"Senyorita, nasa labas ang Senyorita Corazon." naging balita sa akin ni Nana Pilar.

Iniwan ko saglit ang akin'g ginagawa sa kusina at nilabas ang akin'g kapatid na tumanggi'ng pumanhik sa amin'g tahanan.

Akin'g sinulyapan ang akin'g asawa nang ako'y dumaan sa kanya'ng tabi.

"Nasa labas si Corazon." akin'g tangi'ng sinabi habang naglalakad palabas.

Ako nga ay sinalubong nang akin'g tumatangis na kapatid.

"Ano'ng nangyari?"

"Si Mamá." tila'y naramdaman ko ang pagkabasag nang akin'g puso sa kanya'ng sinambit.

Huminga ako nang malalim. Hawak-hawak ko ang nanlalamig na kamay ng akin'g nakababata'ng kapatid.

"Alam na ba ni Julianna?"

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon