Pang-apat

463 18 0
                                    


Manila, USA
Pebrero 1908

May nakaabang nang trono para sa akin sa barko. Marami'ng kalalakihan din ang nakasuot nang maganda'ng damit, marahil ay sila ang naatasan na magbantay sa akin. Ako'y inalalayan ng mga 'to hanggan'g sa ako'y makaupo na sa trono'ng gawa para sa'kin. Kulay ginto ang upuan na may nakaukit na magaganda'ng disenyo, isa'ng sining na nauso sa kapanahunan ng Barok. May mga bulaklak pati sa akin'g nilalakaran. Pakiramdam ko'y ako nga ay isa'ng tunay na reyna.

   Naupo ako roon at sa paglalakbay nga ng barko ay ako'y napahawak sa kandungan ng akin'g saya. Labis-labis ang akin'g kaba na naging pagod matapos ang mahaba'ng oras na nakaupo lamang sa trono. Malayo-layo pa ang Manila kaya naisipan ko'ng magpahinga sa isa'ng silid na para sa akin. Malambot ang katre na nakaabang, kabinet na may salamin na kulay ginto ang gilid, may maganda'ng bulalak sa seramiko'ng lalagyan, pabango, kolorete sa mukha at suklay. May pula'ng traje na nakapaloob sa aparador, yari ito sa tela na makikita sa bansa, naturale ang mga bulaklak na nandoroon, meron rin'g belo na terno ng traje. Lahat ng gamit sa silid na yaon ay mamahalin. Ako'y nahiga muna, sumasakit na ang akin'g paa at likod sa kakaupo.

   Hapon ng kinabukasan na narating ng barko ang baybayin ng Manila. Mas marami'ng tao na ang nakaabang rito. May iba'ng naglalakihan din na barko ang nakadaong na rito. Hindi ako pinababa nang sasakyan'g pandagat, sumakay rito ang mga hindi ko kakilala'ng tao. Basta ang alam ko, pagdating ko ng kabisera ay magkakaro'n ng prosesyon sa dagat kasama ang hari at ang tinanghal na reina del occidente.

     "Ikaw ay magbihis na muna." nasabi ng isa'ng babae na tingin ko'y abala sa pista. Donya ang kanya'ng postura.

     "Ako'y komportable na sa akin'g suot."

     "Kahapon mo pa isinuot iyan, Binibini. At utos ng pinunuo ng komite na ang pula'ng baro't saya na  nasa loob ng aparador ang iyo'ng gayak sa koronasyon. Sadya'ng ipinagawa pa ito para sa reina del oriente."

     "Hindi maaari. Gawa ito ng akin'g Mama, ito ang isusuot ko sa prosesyon, maging sa akin'g koronasyon."

   Tinitigan ako ng Donya.

     "Hindi mo ba ako narinig, Binibini? Ang pinuno ng komite ang siya'ng may gawa ng utos."

     "Paumanhin, ngunit mas komportable ako sa traje na gawa ng akin'g Mama."

     "Kung iyan ang iyo'ng nais. Kapag ikaw ay napagalitan, huwag ka'ng hihingi ng tulong." pagsusungit nito bago lumabas ng silid.

   Napabuntong-hinga ako at naupo sa katre.

     "Mama." ang akin'g nawika. Sa pagkakataon na iyon ay nais ko'ng makasama ang akin'g Mama.

Umupo ako'ng muli sa akin'g trono, suot ang damit na gawa ng akin'g Mama, hawak ko ang isa'ng puti'ng panyo, isa'ng pamaypay ng mga Hapon naman sa kabila. Kasama ko na rin sa barko ang akin'g konsorte, isa'ng anak ng pulitiko. Pati na ang akin'g mga corte de honor na labindalawa'ng dilag mula sa preminente'ng pamilya. Kahit mahirap ay ninais ko'ng sila ay akin'g kilalanin, o kahit na maisaulo ko man lamang ang kanila'ng pangalan.

   Alas cinco ng hapon sinimulan ang prosesyon, una'ng parte pa lang 'iyon nang mahaba pa'ng araw bilang reyna ng bansa.

   Kumaway ako sa mga tao na sumisigaw ng "Mabuhay! Reina del Oriente!" nakakataba ng puso ang mga pagbati nila sa akin. May mga nakita ako'ng umiiyak habang tinitingnan ako. Naalala ko'ng muli si Mama at Papa sa araw na dineklara ang kalayaan ng bansa. Mas lalo ako'ng nasasabik na makasama muli ang akin'g pamilya.

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon