Panglima

404 14 0
                                    


Manila, USA
Pebrero, 1908

Hindi pa natatapos ang gabi ngunit ako'y pagod na pagod na.

   Ang huli ko nga'ng dadaluhan ay isa'ng bayle, imbitado ang buo'ng komite, mga alta sociedad, malalaki'ng tao sa gobyerno, mga banyaga'ng negosyante. Iyon ang pinakahuli'ng parte ng Pista, isa'ng eksina na magtatapos sa makulay na kabanata kung saan ang mga karakter ay pawang banyaga at may kaya sa buhay lamang. Nakakalungkot din talaga ang realidad.

   Sa paglabas ko ng mansion kasama si Luisito ay nagtaka ako kung bakit wala'ng karwahe na laan para sa amin. Nauna na si Senyorita Melissa at kanya'ng konsorte na gobernador sa pagdadausan ng bayle.

     "Kanina ay hindi ka inalayan ng bulaklak, ngayon naman ay wala'ng karwahe para sa iyo. Hindi ata tama na ang mga banyaga pa ang may espesyal na pagtrato. Isa'ng kalapastanganan naman ito sa reina del oriente sa sarili niya'ng bansa." dismayado si Donya Helena.

     "Hayaan mo na, Donya Helena. Malapit lang din naman ang ipodromo. Lalakarin ko na lamang."

     "Aba'y hindi iyan nararapat. Dito ka lamang, ihahanap kita ng karwahe."

     "Maaabala ka pa. Huwag na. Ako ay maglalakad na lamang."

     "Eleonor." natigil ito saglit bago humawak sa akin'g kamay, "Hindi ko nais ang pagiging matigas ng iyo'ng ulo. Ngunit, ako ay napahanga mo munti'ng Binibini. Kung ako ikaw, nagwala na ako."

   Ako'y ngumiti.

     "Sige na, ikaw ay humayo na. Hindi kita maaari'ng samahan, hindi naman ako imbitado."

     "Salamat sa pag-aalaga sa akin."

     "Iyon ay akin'g tungkulin, mahal na reyna."

     "Sasamahan kita sa paglalakad, Eleonor." nagsalita si Luisito.

     "Marami'ng salamat."

     "Mag-iingat kayo."

   Tinanguan ko si Donya Helena.

   Hindi naman talaga siya masama'ng tao, hindi lamang siya sanay na may iba'ng tao na tataliwas sa kanya'ng pinaniniwalaan.

   Nakapag-usap kami ni Luisito sa amin'g paglakakad. Ilan'g oras kami'ng magkasama ngunit hindi man lamang kami nakapag-usap. Liban sa kanya'ng pangalan ay wala na ako'ng alam sa kanya. Sa pag-uusap nga'ng iyon ay nalaman ko'ng anak siya ng pulitiko. Tubo'ng Tayabas ang kanya'ng pamilya. Siya'y isa'ng ehekutibo ng isa'ng malaki'ng kompanya ng abano—ang kompanya'ng din yaon ang isa sa pinakamalaki ang naitulong sa komite ng pista.

     "Siya nga'ng tunay? Saan mo naman nakilala ang iyo'ng katipan?" si Luisito ay balak nang magpakasal matapos ang pista.

     "Siya'y guro sa amin'g probinsiya."

     "Nakakatuwa ang balita'ng iyan. Maligaya ako sa iyo'ng nalalapit na pag-iisa'ng dibdib."

     "Salamat. At ikaw, mahal na reyna? May katipan ka rin ba?"

   Hindi ako agad nakasagot.

     "Huwag mo'ng sabihin na wala?"

    Simple'ng ngiti ang akin'g nauna'ng sagot.

     "Ako ay masyado'ng abala upang isipin ang pakikipag-nobyo. Marami pa ako'ng nais makita, storya na nais malaman, mga tao na gusto'ng makausap. Wala ako'ng sapat na oras upang magkaro'n ng katipan."

     "Ngunit sino ang lalaki na kasama ng iyo'ng ama kanina?"

     "Isa'ng...isa'ng kaibigan." iyon lamang ang akin'g nakwento.

Ang Unang ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon