—Cebu, USA
Huli'ng araw ng Mayo, 1910Tuluyan na kami'ng nag-isa'ng dibdib ni Juan Antonio. Isa'ng taon mula nang kanya'ng masungkit ang akin'g puso ay kami'y nanumpa sa harap ng dambana na magsasama at mamahalin ang isa't isa hanggan'g sa kami ay uugod-ugod na.
Labis na labis ang pagtanggap at pagmamahal ang amin'g natanggap sa pinagpala'ng araw na iyon. Natutuwa ako na tila'y lahat nang nakapaligid sa amin ay sang-ayon sa amin'g pag-iisa'ng dibdib.
Matapos ang kasal ay kami ay roon na umuwi sa bahay na binili ni Juan Antonio, hindi lang din kalayuan sa tahanan na akin'g kinalakihan. Nakahanda na ang silid na una namin'g pagsasaluhan bilang mag-asawa. Una'ng beses ko nga'ng nakita si Juan Antonio sa kanya'ng payak na kasuotan, malayo'ng malayo sa doktor na Juan Antonio na palagi'ng nakaayos kapag akin'g nakikita. Maski ako ay nakalugay na ang hanggan'g siko ko'ng buhok, na sa pagdaan ng panahon ay kumulot na dala nang araw-araw na pagkakatali.
Napapangiti ako na magmula sa gabi'ng iyon, makikita na namin ang isa't isa kung paano kami kapag nasa loob ng tahanan.
"Tayo ay magpahinga na." nakaupo na sa higaan si Juan Antonio, ako ay kinakabahan at nahihiya. Masyado'ng manipis ang akin'g suot na kamison.
Napatango ako at umupo sa kanya'ng tabi. Ramdam ko ang malalagkit niya'ng titig. Napahawak ako sa saya ng akin'g kamison, mupo nang kaba ang akin'g puso.
Napansin ko rin na maski siya ay kinakabahan. Siya ay nag-iwas ng tingin sa akin, mahigit sa isa'ng pulgada ang pagitan namin.
Nang siya ay akin'g tingnan ay kapansin-pansin ang pamumula ng kanya'ng tenga pati na ng kanya'ng leeg.
Nagtama ang mga paningin namin.
Hindi ako makagalaw sa kaba.
Siya ay umusog palapit sa akin.
Hindi pa rin ako makagalaw. Hindi ko batid kung ano ang akin'g gagawin maliban sa maghintay.
Muli, kanya'ng iniklian ang distansya sa pagitan namin. Nagtama na ang amin'g mga binti. Siya'y nakatitig pa rin sa akin'g mga mata.
Ako ay napalunok nang maramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay na nasa kandungan ko.
"Ikaw ay akin'g iniibig, Binibini." kanya'ng niwika, halos ibulong na niya sa akin.
"Ako ay iyo ng kabiyak, Ginoo."
Nangiti kami sa isa't isa. Sabay na nahiya.
"Maaari ba kita'ng paligayahin ngayon'g gabi, mahal ko?" kanya'ng paghingi ng pirmiso.
Agad ako'ng pumayag.
Nakatitig pa rin ako sa kanya'ng mga mata. Ako'y muli'ng nalunod sa ganda at mapang-akit ng mga ito.
Papalapit na nang papalapit ang kanya'ng mukha sa akin. Kay ganda pala ng kanya'ng pilikmata, napatingin din ako sa kanya'ng ilong, hanggan'g sa ako'y matigil sa kanya'ng mapula'ng labi na papalapit na sa akin.
Wala pa'ng isa'ng segundo ay naramdaman ko na ang lambot ng kanya'ng labi. Ako ay napapikit. Iyon ang akin'g una'ng halik sa tanan'g buhay ko. Hinawakan ni Juan Antonio ang akin'g mukha, ginalaw ang kanya'ng bibig na nakalapat sa akin. Siya'y akin'g tinugunan. Kanya ako'ng iginiya pahiga, hinahayaan siya sa kanya'ng ginagawa.
Amin'g pinagsaluhan ang gabi na puno ng pagmamahalan. Isa'ng pagkakataon na lubha'ng nagbigay saya sa akin'g puso.
—
BINABASA MO ANG
Ang Unang Reyna
Fiksi SejarahIka-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galak na namutawi sa mukha ng akin'g mga magulang habang sakay kami ng bark...