Halos lumuwa ang mga mata ng mga employees niya tuwing madadaanan namin sila, hindi ko maiwasang hindi mailang. Ano nalang kaya ang iniisip nila? Hindi naman nila alam na may asawa si Calix or worst baka ang isipin nila ay isa ako sa mga babae niya.“Stop making a scene Calix!” halos pabulong ko sabi sakanya, ngunit imbes na kumilos na normal ay mas hinila niya pa ako palapit sakanya.
“Stop it!” banta ko ngunit tingnan lamang niya ako.
“Good morning sir” bati ng mga madadaanan namin bago napapatingin saakin.
Calix is holding my hand, dammit! At hindi ko alam kung matatae ba ako o maiihi dahil sa nangyayari. Too much attention, kakaumpisa pa lang ng umaga.
“Ano nalang ang iisipin ng mga employee’s mo?” padarag kong ibinaba ang aking bag. “Hindi ako kagaya ng mga dinadala mong babae rito!”
Umupo siya sa swivel chair at pinagmasdan akong nakatayo sa kanyang harapan. “You’re my wife kaya iba ka sakanila.”
Wife? Ni minsan noong nagsasama kami ay hindi niya nasabi iyan sa harapan ko.
“at hindi ako nagdadala ng ibang babae rito sa opisina., maliban sa relatives ko at ikaw my wife” Dagdag niya.
“I doubt it!” inirapan ko siya at agad umupo. “Bakit ba kailangang nandito ako?”
Kinuha niya ang mga papel sa harapan niya at nagsimula ng magpirma. Shit! Wag niyang sabihing buong araw ko siyang titingnan na nagpipirma? Pinili kong umupo sa may sofa sa kanyang office at inilabas ang phone ko. Agad kong binuksan ang aking facebook upang icheck kung may mga bago ba rito.
Natigil ako sa pagiiscroll ng makita ko ang picture na inupload ni Savannah, it was uploaded 13 minutes ago.
My love…. The caption at ang picture nila ni Xander. Maigi kung binasa ang mga comment na naroon.
Luke Morales: alagaan mo siya, he deserves happiness.
Jannah Nicole: Proud of u bitch! You got him that fast? Catch up soon, I wanna hear your chikkas!
Akila Monte: Wala na sila? Good for him, he doesn’t deserve that woman though! Congrats love birds!
Saysa Lopez: Stop it! Stop fooling around..
Replies: Savannah Angeline: Accept it kid!
Saysa Lopez: Why would I? You don’t deserves it. Mang-gagamit.
Savannah Angeline: Watch your mouth kid, baka naman yung bet mo for kuya mo ang mang-gagamit?Hindi ko na ituloy pa ang pagbabasa at agad tiningnan ang mga messeges na hindi ko pa nabubuksan. Una kung tiningnan ang messege saakin ni Saysa.
Saysa Lopez:
Totoo bang wala na kayo ni Kuya? Please ate tell me the truth? I know magiging okay din ang lahat. Please give him a call, he badly needs you.Damn! Sinunod kong buksan ang messege saakin ni Amer.
Amer Asuncion:
Totoo bang wala na kayo ni Xander? Tinawagan niya ako, I can’t reach you. Where are you? Are you okay?
Para akong binubuhasan ng malamig na tubig dahil sa mga nababasa ko.Amer Asuncion:
Yes. Call me once you’re in Philippines already, I will tell you everything.“You done with social media business?” nabaling ang atensyon ko kay Calix na seryoso akong tinitingnan.
“Ha?”
“Let’s eat, kanina pa deliver ang pagkain natin pero hindi mo man lang napansin.”
Agad siyang tumayo at tumabi saakin, ayokong lumaki ang gulo between us. Ayokong madamay si Xander dito. Pag naaalala ko kung gaano kagusto ni Savannah si Xander hindi ko maiwasang mapaisip kong tama baa ng desisyon ko, I know Sav, alam kong may balak siyang masama hindi kay Xander pero saakin at sa company niya.
“Another rule, deactivate all your accounts.”
“What?!”
“You need too, dahil kapag hindi mo ginawa ay mapipilitan akong wag ng ituloy ang deal na ito.”
“You’re being unfair again, how about my social life?”
“You don’t need that., kailangan mo ng sanayin ang sarili mo dahil pag-alis natin ng Manila ay mawawalan ka narin ng koneksyon sakanila.”
Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya. At maiging pinroseso ang sinabi niya
“Aalis ng Manila?”
“We’ll talk about that pag-uwi, so eat.”
“Nababaliw ka na nga talaga? Ano bang plano mo?! Ano bang gusto mo saakin?”
Seryoso niya akong tiningnan. “I told you, you’ll find out once this deal is over.”
“Bakit hindi ngayon? Why don’t you tell me right now?”
Hindi siya umimik. “At bakit ba natin kailangan pang umalis rito sa Maynila? Paano ang company mo? How about my life here?”
Padarag niyang ibinaba ang kutsara, I know pinipigilan niyang hindi magalit. Pero kitang kita ko iyon sa mga mata niya.
“Trust me.”
Bakit ba hindi ko magawa? Hindi ko magawang magtiwala sakanya, dahil natatakot akong kapag ginawa ko iyon ay tuluyan na akong malunod muli sa isang panaginip, at kapag nagkataon ay baka hindi na ako makabangon pang muli. I need to control myself, nakayanan ko nang wala siya. And I know madali nalang ito saakin ngayon.
“Pack your things, in an hour aalis tayo patungong Batanes. Don’t forget to inform your father, he deserves to know.”
Hindi ko siya sinagot, pumasok ako sa loob ng kwarto at inayos ang mga gamit. Kung ano man ang plano niya ayoko ng malaman pa. Maybe his right, mas magandang hintayin ko nalang matapos ang deal para mas maging maayos kaming dalawa. Maybe his right, kahit kaonting trust mula saakin ay kailangan niya rin.
Isang katok mula sa pinto kaya agad akong natigilan sa ginagawa ko.
“You done?”
“Lalabas na.”
Nilabas ko muna ang aking cellphone at agad nagtipa ng mensahe para kay Daddy
To: Daddy
Dad, may pupuntahan po ako with Calix baka po matagalan ang pagdating ko. Let’s talk when I come back. Take care of yourself always!Kahit minsan ay hindi ko piniling maging masamang anak, kahit masakit as long as it is bearable handa kong tiisin for him. Ang gusto ko lang ay ang maintindihan niya ako, at sana kapag balik ko ay maintindihan na niya ang gusto kong ipunto.
To: Amer
Matagal akong mawawala, I’ll update you. I’m with Calix.Maybe this is the right thing to do, ang pagbigyan ang sariling maging masaya kahit panandalian lang. Maybe I also need this, para tuluyan nang mabura ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. I hope so…
"Let's go." bago niya tuluyang abutin ang aking kamay.
Author's Note: Bataaaaaness here we go!!!!
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fanfiction"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...