Nang matapos kong ayusin ang dress na suot ko ay naglakas loob na akong tumungo sa kanya office. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong puntahan siya, pero siguro kailangan narin para nang sa ganun ay matapos na ito at maging maayos na ang lahat. Pagod na rin akong makipag away kay Thalia, I just want to live peacefully.
"This way Ma'am" ngumiti lamang ako at sinundan siya. "Nasa loob na po si Mr. Sandoval" tinuro niya ang glass door sa aming harapan.
Tinulak ko ulit ito agad at bumungad saakin si Calix na nakaupo sa kanyang swivel chair.
Nakangisi ito habang nakatingin saakin.
"Pwede ko na bang kunin? Siguro naman by this time napirmahan mo na." pag uumpisa ko habang nakatingin sakanya ng diresto.
"Ayoko ng annulment Tace." simple at seryoso niyang sagot.
"Paano naman yung gusto ko Calix?" halos pabulong ko ng sinabi. "Diba ito naman talaga ang gusto mo?"
Tumayo siya at lumapit saakin. "This is not what I want. Ayoko ng annulment. Ayokong tanggalin ang apelyido ko sa pangalan mo! Yun nalang ang pinanghahawakan ko para bumalik ka saakin!"
“Are you crazy? Masyado na tayong matanda para sa ganito Calix.”
Umigting ang kanyang panga at seryoso akong tiningnan.“You’re right! Masyado na tayong matanda, kasal tayo. At hindi na mababago pa iyon, bakit hindi natin bigyan ng chance.”
“Binigyan natin chance pero hindi nagwork, dahil iba ang gusto mo.” Halos pumiyok ako habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Iba ang gusto mo. Hindi ako ang gusto mo. Hindi ko alam!
“Ayaw mo bang pakasalan ang taong gusto mo?” seryoso kong tanong.
Hindi ko alam kung tama bang tinanong ko siya, well in fact ayaw kong marinig ang sagot niya.
“Kasal na ako sakanya.” Natahimik ako sa kanyang sinabi niya. “Give me another chance Tamara, aayusin ko.”
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. “Trust me, magiging maayos ang lahat just give me one last chance.”Naguguluhan ako habang tinitingnan siya, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sakit. After all this years isa lang ang hiniling ko iyon ay ang mahalin niya rin ako. Pero bakit ngayon handa na niya itong ibigay ay hindi ko kaya pang tanggapin? Ganun na ba ako katigas? Pero hindi, alam kong pag dating sakaniya masyado akong malambot. Ayoko ng masaktan. Not this time, buo na ako ulit.
“I already gave you, pero sinayang mo lang.”
“Kaya ako bumabawi ngayon.” Hindi ko magawang tingnan siya sa kanyang mga mata dahil punong puno ito ng senseridad.
“Pero hindi na kailangan pa Calix, dahil ayaw ko na. Kaya please just let me go.”
Nagbadya akong umalis ngunit hinawakan niyang muli ang akin kamay. “I won’t.” malaawtoridad niya sabi.
Fuck! Tama ba ang desisyon kong bumalik pa ng Pilipinas? Tama ba?
"You can't force mo!" seryoso kong sagot.
"Walang annulment na mangyayari."
"Ano bang gusto mo? Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?"
Ngumisi siya saakin. “Masyado ka naman atang nagmamadaling hiwalayan ako, may plano ka nabang magpakasal?”
Nag init ang dugo ko sa kanyang sinabi. God!
“Actually hindi mo na dapat inaaalam pa ang tungkol sa ganyang bagay, that’s too private Calix.”
“I’m still your husband”
“not until ginago mo ako.” Natahimik siya sa sinabi ko. “Look I am being civil here, ang gusto ko lang ang pirma mo and after that we are all free. Ayaw mo ba nun?”
“Ayaw ko nun. Ayaw ko ng annulment, mabibigay mo ba?”
Damn you!“I don’t think so, I hope you’ll understand Calix.”
“Then, I think you still need to convince me more.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Because as of now wala akong naiisip na dahilan para maghiwalay tayo.”
Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa kung paano niya sinabi ang mga salita. Hindi ko alam kong ano bang ibig niyang sabihin o kung kagaya noon ay nilalaro niya nanaman ang damdaman ko.
Hirap na hirap akong maniwala sa mga sinasabi niya, natatakot ako na once na naniwala ulit ako ay mawasak nanaman ang bagong mundo na binuo ko noong wala siya...sila.
"Are you okay?" bakas sa mukha ni Xander ang pag-aalala.
Kitang-kita ko ang bahay na tinirahan namin sa States, ilang araw pa lang akong wala roon na na mimiss ko na ito.
"I'm fine.."
"Did he sign the papers? Nag-usap na ba kayo?"
Umiling lamang ako. "Kailangan ko na bang umuwi diyan Tace?"
Inangat ko agad ang mukha dahil sa sinabi. Alam kong nag-aalala siya bakas iyon sa mukha, habang pinagmamasdan ko siya sa screen ng aking laptop.
"You dont have to, malapit na rin naman akong bumalik diyan hinihintay ko lang ang pirma niya."
"It seems like he's giving you a hard time"
Hindi ako umimik, hindi ko alam kung pagod lang ba ako o ayoko lang muna na makipag usap sa kahit sino. Gusto ko munang mag pahinga sandali, I want peace of mind.
Pero bago ko pa man tuluyang maisara ang laptop ay biglang bumakas ang pintuan ng aking kwarto.
"Talaga lang ha? You're not a slut?!!!" singhal saakin ni Thalia. "Akala ko ba wala kang balak na balikan siya? Eh anong ginagawa mo sa office niya? Ganyan ka na ba kabaliw at kaya mong mag makaawa para lang balikan ka niya!"
"Bakit ba ang paranoid mo?" mahinahon kong tanong sakanya. "Lahat nalang ng galaw ko ay alam mo, ganun ka ba kabaliw para isiping aagawan ko siya sayo?"
"Bakit hindi ba?"
"Hindi ako kagaya mo Thalia, hindi ako marunong mang agaw ng hindi akin. Well, wala kang karapatang pagbawalan akong kitain si Calix asawa pa rin niya ako. At kung natatakot ka mang maagaw ko siya sayo why dont you talk to him at sabihin mong bilis bilisan na niya pirmahan ang annulment para matahimik na tayong lahat!"
Parang tambol ng bilis ng tibok ng puso ko habang tinitingnan si Thalia, halos patayin na niya ako tingin.
"Makakalabas kana ng kwarto ko."
Tiningnan niya muna ako. "Patunayan mong hindi ka bumalik dito para sakanya. Dont be selfish Tace, he's mine now at wala ka ng magagaw doon."
"He's yours?" nakangisi kong tanong. "Then wala ka pala dapat na ikatakot kung ganun." i said it with sarcasm.
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fiksi Penggemar"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...