19

530 24 4
                                    


Pinunasan ko ng kamay ko ang luha mula sa aking mga mata. Isang panaginip muli ang nagpaalala saakin sa isang masakit na pangyayari na naganap noon. It was 3 years ago.

"Napadala mo ba yung bulaklak kay Daddy?" bumungad saakin ang boses ni Ate na minamanduhan nanaman ang aming mga maids. "Wag niyong kakalimutan white rose., then you para kay Mommy naman ay ay red."

Nang makita niya akong pababa ng hagdan ay agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Good morning" I greeted her and kiss ed her on her cheeks.

"Sasama kaba sa office today Tamara?"

Umiling ako habang nilalantakan ng hotdog sa harapan ko.

"May photoshot kami ni Juliana ngayon."

"Iyon ba yung sa Tagaytay? Dont tell me tinanggap mo yun? As far as I know may allergy ka sa ganung events." nang iinis niya sabi.

"Whatever! Bakit ba kasi nandito ka nanaman? Hindi kaba hinahanap ni Jaydee?"

"He's out of town, ayokong maiwang mag-isa sa bahay."

"Namimiss mo lang kasi ako." pang-aasar ko.

"Right! Kaya ng pumayag ka ng lumipat sa amin Tamara para naman may kasama ka. Hindi iyong ikaw at ang mga maids lang ang narito."

"I can't leave this house." mas seryoso ko ng sabi. "Ito nalang ang naiwan na alaala ni Mommy at Daddy saatin."

A year after mapirmahan ang annulment paper ay pumanaw si Daddy. Hindi alam ang dahilan ngunit ang sabi ng mga doktor ay tinago raw ni Daddy ang sakit niya. Maging si Thalia ay hindi ito alam, pero before pa siya mawala ay nag iwan siya ng sulat sa aming mag kapatid. It was simple letter.

  "be a family"

Hindi ko alam kung paano pa bumangon that time. Nawala si Calix at sumunod naman si Daddy. Habang patuloy na nagiging miserable ang buhay ko, ay tinulangan akong bumangon ni Thalia. Akala ko hindi na darating ang araw na iyon. She was there for me, pinapakain sa mga panahong ayaw ko, inaalalayan sa mga panahong natutumba ako at minamahal sa mga panahong iniisip kong hindi ako kamahal mahal.

"See you" kumaway muna ito bago tuluyang magpaalam.

Simula noong mawala si Daddy at makapag asawa si Ate ay naiwan na akong mag-isa sa bahay. Pinipilit akong sumama ni Thalia sakanya, o di kaya ay bumalik nalang muna sa States pero hindi ko sinunod. Hindi ko kayang iwan ang bahay na ito.

Habang pinagmamasdan ko ang picture ni Daddy na nakadisplay sa may living room ay hindi ko maiwasang maalala ang mga salitang sinabi niya.

"I'm sorry Tamara..." hinaplos niya ang kamay ko. "Masyado kitang nasaktan, hindi ko sinasadya anak. Gusto ko lang maging maayos kayo ni Thalia, pero hindi ko naisip na habang binubuo ko ang kapatid mo ay unti-unti naman kita nasisira."

Patuloy lamang sa pagbuhos ang luha ko. Akala ko after nung gabi na pinakawalan ako ni Calix ay wala ng luha pa ang lalabas sa mga mata ko. I was definitely wrong.

"Hindi ko sinasadyang masaktan ka."

Hindi ako makapagsalita, gulong gulong ang isip ko. Isa lang ang gusto kong gawin at iyon ay ang pumikit at alisin o kalimutan man lang ang lahat ng sakit.

"I thought I was a good father.., pero sayo ni minsan hindi."

After that ay hindi ko na magawa pang lumabas sa kwarto, ni sinag ng araw ay hindi ko na makita. I want peace, and binigay iyon ni Daddy saakin.

It was my 21st birthday noong dumating si Amer, walang pakundangan niya akong niyakap habang umiiyak. I was just there looking at him while talking.

"Mahirap ba akong mahalin Amer?" natigilan siya. "Gusto ko lang namang maging masaya, gusto ko lang namang maramdaman din na mahalin ng mga taong mahal ko. Pero bakit napakahirap para sa universe na ibigay ito? Masama ba akong tao? Wala ba akong kwenta?"

Nanatili siyang tahimik. "Coz I am so fucking tired with this life!" agad kong hinambalos ang nasa tabi ko vase. "I want to die! Gusto ko nalang mawala sa mundo! I want peace! Ayoko ng maramdaman ang sakit na ito! Pagod na pagod na akong masaktan ng paulit ulit."

Isang yakap lamang ang sinagot niya saakin. Isang yakap na nagpakalma saakin, isang yakap na nagparealize saakin na meron pang siya na iniintindi at minamahal ako. It was Amer, nandoon siya noong masasayang araw, pati na rin sa mga malulungkot na araw ko. Nandoon siya, ni minsan ay hindi nawala.

Hindi naging madali buhay ko sa loob ng tatlong taon. Mahirap magpanggap na masaya, kasi ang totoo hindi ko na alam kong paano pa. Ang hirap sabihin na okay lang ako, dahil ang totoo ay malabong mangyari iyon. Ang hirap ipangako na babangon na ako dahil ang totoo hindi ko na alam kong paano at saan mag uumpisa.

Tama siguro pinakawalan na ako ni Calix, dahil kung hindi baka ngayon ay parehas kaming miserable. Baka if ever ay nadamay ko pa siya sa pagiging magulo ng buhay ko.

Sa huli ay pinakit ko ang mga mata ko at pilit na inalala ang mga masasayang araw sa piling niya. Ang mga alaalang kahit papaano ay nagpapakalma saakin, ang mga alaalang kasama siya na minsan ay nagbibigay ngiti saakin. Ngunit ang mga alaalang iyon ay mananatili na lamang sa nakaraan dahil kagaya noon ito ay isang magagandang alaala na malabo na ring mangyari.

Bago tuluyang bumagsak ang luha ko ay inalalala kong muli ang mukha niya. Ang bawat detalyeng kinabisado ko, ang kanyang kulay pink na labi, ang matangos niyang ilong, ang makapal niya kilay at labi, at ang ngiti naging dahilan para ako'y mahulog.

"Mahal....naghihintay pa rin ako." at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now