*Calix Point of View.
Pinagmasdan ko siya habang patuloy sa pagkuha ng litrato sa napakagandang view ng isla, kagaya noon ay napakababaw pa rin ng kanyang kaligayahan yong tipong sobrang dali niyang pasayahin gamit ang maliliit na bagay. That day when she said na maghiwalay kami doon ko lang narealize how much I gave her pain, akala ko hindi siya susuko pero nagkamali ako, kahit pa that time gusto ko siyang sumuko para finally maging maayos na kami ni Thalia.
Pero noong sumuko siya doon ko lang napagtantong napagod na siyang mahalin ako, napagod na siyang ilaban pa ang pagmamahal niya saakin kasi unang-una palang ay hindi ko na siyang tinulungan.
Christmas when I decided na pumunta ng San Francisco upang tingnan ang kalagayan niya, hindi na niya nagawa pang umuwi, hindi man niya narinig ang mga gusto kong sabihin. But when I saw her in the bar kasayaw si Xander. Para bang gusto kong pumatay! Gustong gusto ko siyang agawin sa kamay ng lalaking iyon pero hindi ko magawa, hindi ko magawa dahil alam kong hindi siya sasama saakin. Paano nga ba siya sasama sa lalaking minahal niya ng buong buo pero wala ginawa kundi ang saktan siya ng paulit ulit.
“You deserve it Kuya Calix! I’m sorry but it’s true!” malaking sampal ang sinabi ni Ana saakin because she’s right. I deserve this. “You know what Tamara doesn’t deserve someone like you..”
“Stop that Ana!” suway sakanya ni Tita Leonor ang Mommy nito.
“No mom! I’m sorry Tita and Tito pero kailangang marinig ni Kuya ang mga gusto kong sabihin baka doon marealize niya kung anong pinakawalan niya.”
Natahimik silang lahat, Ana is a shy type kaya siguro nakakabiglang magkaganito siya after niyang malaman ang lahat ng nangyari saamin ni Tamara. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit habang nakatingin saakin.
“She gave up her studies for you, she gave up her dreams for you, lahat Kuya as in lahat, wala siyang tinira sa sarili niya. I can clearly remember kung paano siya nasaktan at umiyak noong magpaalam siya sa Dean namin na kailangan muna niyang mastop for personal reasons. Pero alam mo ba kung anong rason iyon? Because she wants to take care of you, dahil gusto niyang maging mabuting asawa sayo Kuya. Naalala mo noong birthday niya? Tinawagan siya ni Amer dahil may iooffer itong raket sakanya, alam mo ba kung bakit ginawa ni Amer iyon? Because he knows that his bestfriend is emotionally depressed, gusto niyang tulungan si Tamara. Pero alam mo ba ang sinagot niya, she can’t dahil kailangan daw siya ng asawa niya. Kuya, naalala mo yong time na umuwi ka dito sa bahay? I was there noong marinig kong kausap mo ang ate niya, you even tell her na konting konti nalang ay susukuan ka na ni Tamara”
“How can you do that to her? Paano mo siya nagawang saktan? Paano mo nagawang saktan ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin ka? And then when she finally realize her worth at kaya ka na niyang iwan ay saka mo lang marerealize na kailangan mo siyang sundan at piliting umuwi sa Pilipinas. You think sasama siya sayo? You think after all what you did to her ganun ganun nalang siya papayag na bumalik ka sa buhay niya?”
Lumapit sakanya si Tita at pilit siyang pinakalma, pero kahit ang kanyang ina ay wala na ring magawa. Maigi lamang akong nakikinig sakanya, dahil lahat ng sinasabi niya ay totoo.
“You can’t take her back Kuya, you know why?”
I finally had the guts to answer her. But hindi niya hinayaang magsalita
“Because she’s with someone already”
“You can’t have her again because of Kuya Xander, you can’t hold her hands again because finally someone is holding her hands again, and you can’t take her back because finally someone is willing to love her without giving her so much pain. Wag ka nang pumasok sa buhay niya ulit dahil buo na siya at hindi niya kailangan ng kagaya mo!”
“I’m sorry Calix hindi niya pa alam ang mga sinasabi niya she’s only 18” ani ni Tita kaya tumango lang ako.
From the start alam kong malabong mahulog ako sa kagaya niya, maybe because she’s not my time, hindi ko kayang gustuhin ang kagaya niyang napaka out going or mahilig makipagsocialize. I want a girl na alam kong tahimik yung tipong hindi kapansin pansin, iyong tipong ako lang ang makakapansin. At kay Thalia ko nakita ang lahat ng iyon, she’s my ideal girl, prim and proper. Pero, dahil kay Tamara nagbago ang lahat ng paniniwala ko, nabago niya ang mga gusto ko. Magkaibang magkaiba nga sila ni Thalia.“I won’t sign it”
“Give her the freedom she wants Calix.” Napabuntong hininga si Mommy.
“Hindi mo naman siya mahal hindi ba? So why don’t you just sign this papers para matapos na.”
“I can’t mom.”
“Then why? Masaya na siya kay Xander, give her a chance to be happy.”
“Hindi pwede. Hindi ako papayag na maghiwalay kami, iyan nalang ang pinanghahawakan ko para bumalik siya saakin.”
Nabigla si Mommy sa sinabi ko. “I want her back. I won’t let her go.”
“Are you insane?! Ang akala ko ba si Thalia ang gusto mo?”
“I’ve realize something Ma, that all my life isa lang ang minahal kong babae ng ganito. That all my life siya lang pala iyong gusto kong makasama, at hindi si Thalia iyon kundi si Tamara. Noong mga panahong gusto siya ng mga pinsan ko ay galit na galit ako because I am jealous, na kaya pala all this time ay naiinis ako tuwing may manliligaw sakanya dahil mahal ko pala siya. And now that we are married sa mata ng diyos iyon lamang ang panghahawakan ko para bumalik siya saakin at bumuo kami ng sarili naming pamilya.”
“Paano pag hindi na niya gusto? Paano kung ikaw lang ang may gusto niyan?”
“It doesn’t matter mom! Ang importante ay akin siya!”
Tumikhim si Mommy at pagod ako tiningnan.
“How about Alexander?”“Bata palang kayo you already know how much he likes Tamara at ilang beses niyang sinabi iyon sa Daddy niya at ilang beses ring nagpatulong ang Daddy niya sa amin tungkol diyan. Ngayon nasakanya na si Tamara you think papayag siyang pakawalan nilang ito ng basta basta. You know Xander hindi siya iyong tipo ng tao na bigla bigla nalang sumusuko.”
“I don’t fucking care! Wala siyang magagawa, Tamara is my wife.”
Babawiin ko siya kahit pa ang kapalit nitoy pagkawala ng lahat saakin at ang makalaban ang bestfriend kong si Xander. I am willing to fight for her kahit sino at kahit kanino pa.
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fanfic"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...