6

577 22 3
                                    

Habang inaayos ko ang gamit ko ay pumasok si Daddy.  "Gusto kong magka ayos kayo ni Thalia.”

“Stop pushing us dad mapapagod ka lang.” sagot ng hindi tumitingin sakanya.

“After what happened? gusto mong tumigil ako? Magkapatid kayo, you need each other.”

“I don’t need her.” Prangka kong sabi.

“Ayaw kong magpanggap na okay kami at ayos lang ang lahat well in fact I really despise her!” nagngingitngit kong sabi.

“Nagsakripisyo rin siya para sayo Tamara, she even gave up her happiness para sayo.”

Natigilan ako sa sinabi ni Daddy.

“Nagsakripisyo? She gave up her happiness? If she really did that satingin mo ba Dad mangyayari ang lahat ng ito?”

“She sacrifice a bit Dad, she give up a bit… Pero binawi niya, kinuha din niya saakin. Kung sabagay sakanya pala iyon originally. Siya nga pala ang mahal not me.”

“Hindi mo ba naiintindihan Tamara? Until now you’re ate is begging, hinahabol niya si Calix.”

Humarap ko sakanya. I can see his dissapointment.

“Then what do you want me to do? Ang patawarin siya at maging okay kami? Then after that Dad ano? Mamahalin na ba siya ulit ni Calix?!”

“What I want you to do is to forgive and let go, para mabawasan ang dinadalang sakit ng kapatid mo.”
Seriously!?

“I won’t do it dad.” Nanlaki maya niya sinabi ko.

“I already did that many times, I won’t forgive and let go not unless siya mismo ang humingi niyan sa harapan ko. I was totally destroyed by her, pero kahit minsan hindi siya lumapit saakin para magpaliwanag. And now you want me to forgive her to lessen the pain she’s has right now, well, I won’t. I want her to realize at maramdaman ang sakit na piniramdam niya—nila saakin.”

"Ganyan kana ba katigas sa kapatid mo?" walang emosyon na tanong niya.

"Dad, hindi po. Hindi akong mahirap magpatawad. Pero paano? Paano ko papatawarin ang isang taong hindi naman nang hihingi ng tawad? Hindi ko na siguro kasalanan kung naghahabol siya kay Calix, after that night nagdesisyon na akong tanggalin sila buhay ko. Ayoko ng koneksyon sakanila, sapat yung isang kagabi nila akong winasak!"

Simula bata palang kami, hindi ako lumaki sa mga magulang ko. At noong bumalik ako sa puder nila lagi nalang akong nagpaparaya kasi ang akala ko kapag ginawa ko yun ay magiging okay kami ni Thalia, akala ko kapag ginawa ko iyon ay magugustuhan niya ako.

Pero hindi, nasanay siya na lagi akong nag paparaya, nasanay siya na ibinibigay ko sakanya ang lahat. Minsan lang akong nanghingi ng hindi ko alam, pero anong ginawa niya? Imbes na bigyan ako, ay winasak lang nila ako.

"Kung ganito rin lang ang mangyayari sainyong magkapatid, mabuting bumalik ka nalang ng States." natigilan ako sa sinabi ni Daddy.

Fuck!

"What?" halos pumiyok ako. "Pinapaalis mo na ako? Dahil hindi ko magawang patawarin si Thalia?"

"Iyon ang makakabuti sainyong dalawa, kung nandito ka mas mahihirapan siyang balikan ni Calix, at patuloy ka lang na guguluhin ni Thalia. Bumalik ka nalang ng States, ako na ang bahalang umayos ng Annulment niyo."

Hindi ko makapaniwala sa sinabi ni Daddy. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa! Fuck! Ganun nalang ba niya ako kadaling ipatapon dahil lang hindi ko mapatawad ang paborito niyang anak.

"I wont." lakas loob kong sagot. "Ako ang aayos ng saamin ni Calix, hindi ako aalis ng Pilipinas hangga't hindi ko nakukuha ang annulment papers."

Gusto ko nalang tumakbo! Ayokong makitang pinagtatabuyan ako. This is not what I want.

"Paano si Thalia? Hahayaan mo siyang siraan ang buhay niya? Hahayaan mo siyang maging miserable?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa narinig ko. Bawat salitang sinabi niya ay tagos, para akong sinaksak ng wala man lang kalaban laban.

"Si Thalia? Pero paano naman ako Dad? Paano naman po yung nararamdaman ko?" nagbago ang ekspresyon ng mukha dahil sa sinabi ko. "Naging miserable din ako, nalugmok, at nasira ang buhay ko. Pero bakit hindi ka man lang nagalit sakanya? Bakit hindi mo man lang ako pinagtanggol?" tuloy tuloy ang luha ko sa pagbuhos.

"Alam mo ba yung mga pinagdaanan ko pagkatapos ng gabing yun? Alam mo kung paano akong umiyak? Kung gaano ko naiisip na mawala nalang sa mundo? I was miserable that time Dad. Pero wala ka. Hindi mo ako pinuntahan, hindi mo ako sinamahang bumangon."

"What are you trying to prove then? Na wala akong kwentang ama? Ibinigay ko sainyo ang lah-----"

"Hindi ko kailangan ng lahat!" pinutol ko siya. "Kailanman hindi ko naisip na wala kang kwentang ama, iniintindi kita kahit alam kong ang tingin mo saakin failure, kahihiyan ng pamilya. Marunong akong umintindi, kaya nga diba lagi kong iniintindi na baka nga mas favorite mo si Thalia."

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Hindi ako galit sayo Daddy. Never akong magagalit sayo. Utang ko sayo ang buong buhay ko., at nagpapasalamat ako doon. I'm just sad kasi akala ko this time maiintindihan mo rin ako." ngumiti ako at pinahid ang luha. "Pero just like before, mali nanaman ako."

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya bunuhat ko ang aking maleta at lumabas ng kwarto.

Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now