21

458 20 0
                                    


"can we talk?"

Napaurong ako ng kaonti dahil sa sinabi niya. Umiwas agad ako ng tingin sa mapanuri niyang mga mata. Ayokong makita niya. Ayoko!

"About what?, Calix."

I just realizethat I missed saying his name.

"How are you?"

"I'm fine." at lumiko.

"Hindi ako nakapunta, I'm sorry."

Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot sa sinabi niya. That's not even a question!

"It's okay. Wala ka din namang magagawa." I said it full of bitterness. "I mean hindi naman maibabalik ang buhay ni Dad with or without on his funeral."

"I'm sorry."

Natawa akong muli.

"Hanggang kailan ka mag sosorry Calix?" seryoso kong tanong sakanya.

"Hanggang mapatawad mo ako."

Lumipad muli ang ngiti ko. "Copy and pasted."

I want to walk out, pero hindi ko magawa. Maybe because I missed looking at him like this. It was 3 years ago.

"I'm fine Calix, yun lang naman ang kailangan mong malaman hindi ba? Nasagot ko na ang tanong mo, pwede na ba akong umalis?"

Alam kong mali itong ginagawa ko, mali sa paningin ng lahat. Maling mali na isipin ko na sana ay mag pag-asa, na sana ay kaya ko pa, at kaya pa niya. Pero mukhang malabo. He's getting married. Gusto ko siyang titigan ng matagal, pero alam kong hindi ko na siya pag mamay ari, hinding hindi na siya magiging akin.

"Inaawasan mo ba ako?" mas lalong naging mapanuri ang mga tingin niya.

"Maybe. Look, you're getting married. Hindi siguro magandang nakikipag-usap ka pa sa ex wife mo hindi ba?"

May halong kaba saakin ang sinasabi iyon. Sinungaling! I am a great liar and a pretender I should get a award for this. Mukhang kinareer ko na ata ang pagiging sinungaling at pritensyosa.

"Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" mas lalong bumilis ang tibok ng puso dahil sa sinabi niya.  "I just made a choice. Gusto kong lumaya ka. Gusto kong piliin mo naman ang sarili mo."

Pilit kong kinontrol ang sarili ko. Not here! This is not the right place.

"Sana hindi na ako bumalik, iiwan mo lang pala ako."

Tingnan ko muna siya bago tuluyan siyang talikuran.

Umasa ako. At hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Tanga! Noong mga panahong kailangan ko siya akala ko ay hindi niya ako matitiis, akala ko ay hindi niya ako magagawang iwanan. Akala ko babalik siya, pero kagaya noon? Hindi pala. Umalis siya, naiwan nanaman ako. Hindi man kasing sakit noong una pero alam kong manhid na manhid na ako.

Akala ko noon mahirap akong mahalin kaya siguro ako iniiwan, pero hindi. Iniiwan ako dahil choice nila iyon, wala akong naging kakulangan. I gave my all. Hindi ako ang naging problema, siguro ang panahon at iyong mismong tao.

"Ang tagal mo naman."

Looking at Xander made me feel guilty, maling itago ko sakanya. He deserves to know.

"Nag-usap kami ni Calix." pag-aamin ko.

Natigilan siya, hindi man niya ipahalata alam ko, at kitang kita ko iyon.

"I hope both you are okay. Ikakasal na ulit si Calix." did he just inform me? "We're okay right?" hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos.

Hindi mahirap mahalin si Xander, nagawa ko na iyon noon. Kahit pa alam kong mali na makipagrelasyon sakanya, hindi ko magawang tanggihan ang kabaitan niya. Noong mga panahong kailangan ko ng karamay ay kasama siya sa mga taong umalalay saakin. Napuyat, napagod at nagalit rin siya saakin ng ilang beses. I dont want to lose him

"We're okay." I assured him.

Assurance, kahit sino naman siguro iyon ang gusto. Sino ba namang hindi? Gusto ko ng assurance na ako lang, na hinding hinding magbabago. Ang sarap sigurong may assurance ka sa taong mahal mo na hinding-hindi ka niya iiwan at bibitawan nalang.

"Skyler?" mas nanlaki ang mata ko.

"Tace..." I can't ever remember her voice.

"Anong ginagawa mo rito?"

Sasagot na sana siya ngunit may biglang humablot sakanya.

"Ate Tace, you know ate Hannah? She's the future wife of Kuya Calix."

Hindi ko alam pero mas lalo akong nanlamig sa sinabi ni Ana, bumaling ang tingin ko kay Xander. Ngunit mas hinahanap ng aking mga mata si Calix.

Is this true? Or it's just a dream?

Hindi pa man ako nakakarecover sa sinabi ni Ana ay isang yakap muli sa aking dating kaibigan na si Skyler ay binigay saakin.

"I missed you!"

Hindi ko maiwasang mapatanong. Alam niya ba? Did she knows that I am the ex wife of her future husband?

"Good to see you with Xander, I knew it kayo talaga." napipi ako habang tinitingnan siyang masama na nakatingin saakin.

Hindi ko alam ko anong magiging reaksyon ko. "I need to go. Nice to see you." hindi ko na siya hinintay pang sumagot.

Kahit si Xander ay hindi ko na rin nagawang isama. I just want to run, I want to stay away from them. Gusto kong pumunta sa lugar na pwede akong sumigaw at umiyak ng napakalakas.

It was three years ago, but until now nasa puso ko pa rin ang sakit. Nasa puso ko pa rin lahat ng masasayang alaala kasama siya na unti unting dumudurog saakin. Hanggang ngayon nasa puso ko pa rin siya, hanggang ngayon nagtatanong parin ang puso ko.

Bakit?

Bakit kailangang hindi ako sa huli? Bakit kailangang masaktan ako ng paulit ulit? Bakit kailangan niya pang iparamdam saakin na mahal niya ako kung sa huli ay bibitawan niya rin lang ako?

Gusto ko lang sumaya. Pero bakit ang hirap?


Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now