1

919 25 6
                                    


“Tinanggap mo?” tanong niya.
Hindi ako umiimik dahil ayaw kong pagsimulan pa ito ng away namin.

“Fuck! Talagang tinanggap mo?!” hinampas nito ang aming dining table. “Gusto mo talaga akong ipahiya?!” mas lalong lumakas ang boses niya.

Seven months, simula ata noong kinasal kami ay walang araw na hindi niya ako sinisigawan, walang araw na hindi kami nag-aaway. Everytime na may gagawin ako, lagi nalang mali sa paningin niya, everytime na magdesisisyon ako para saamin lagi nalang siyang nagagalit. At sa seven months naming magkasama sa iisang bubong ay puro sakit nalang ang ipinaparamdam niya saakin.

Hindi man lang niya ako magawang kumustahan o tanungin man lang kung okay ako. Never!

Noong minsan ay umuwi siyang lasing sa aming condo ay pinilit kong punasan siya at nang mahimasmasan ngunit tinaboy lamang ako nito na para bang hindi niya ako kailanman kakailanganin sa buhay niya. And there is this one night na nag-uwi siya ng babae sa condo namin, sa kwarto sila natulog in our own bed. Para akong sinasaksak tuwing makikita ko siyang ganito, ang akala ko’y natupad na ang pangarap ko. Kung sabagay pangarap ko siya, pero ako? Isa lamang niyang masamang paniginip. Masakit mang isipin na akala ko matutunan niya rin akong mahalin eventually, pero hindi. Hindi niya nga ako magawang tingnan man lamang sa mata. 

Pero kahit paulit ulit niya akong saktan ay hindi ko magawang iwan siya, nangako ako sakanya, kailangan kong tuparin ang pangakong iyon. Mahal na mahal ko siya.

“Wala na tayong makain Calix, anong gusto mo mamatay tayo sa gutom?” paliwanag ko.

Halos maubusan na ako ng boses para lamang ipaintindi na sakanya na walang mangyayari saamin kung pride ang paiiralin namin.

Binalingan niya ako at tiningnan ng masama

“I told you gagawin ko ng paraan hindi ba?!! Can’t you fucking wait Tace?” mas lumakas na ang kanyang boses

“I cant lalo na’t alam kong magugutom tayong dalawa! At parehas din yun Calix, hindi naman na iba si Daddy ha!? Ano bang maling humingi ako ng tulong sakanya? He's my father after all!”

“Damn!” utas niya. "Ipinapahiya mo lamang ako dahil sa mga padalos dalos mong desisyon!"

Hindi ako muli pang nagsalita. 7 months na kasama ko siya, after ng kasal ay agad rin kaming lumipat ng tirahan, bumukod kami dahil iyon daw ang dapat at iyon ang gusto ni Calix, hindi pa ako tapos sa pag-aaral pero pinagpaliban ko iyon para maalagaan ang asawa ko. Para maging mabuting asawa sakanya, kahit pa ayaw ni Daddy na tumigil ako. Hindi ko siya pinakinggan, pati ang paglapit rito tuwing walang wala na kami ay hindi ko magawang magsabi sakanya dahil ayaw rin ni Calix. Sabi niya ay kaya naman daw niya akong paninindigan without the help of our parents.

Kinaya niya, pero after ilang month’s ay unti unti ring kaming naghirap.
Hindi ako sanay sa ganitong buhay, all my life nakasandal ako kay Daddy sunod sa luho, pero tuwing nakikita ko si Calix naiisip kong dapat kong kayanin para saamin. Para sa bubuoin naming pamilya. Masyado pa kaming bata sa ganitong responsibilidad, pero alam kong mapapanindigan namin.

“Alam kong kailangan mo ito.” Inabot saakin ni Amer ang putting envelope na alam kong naglalaman ng pera.

“Hindi, kaya pa naman namin” binalik ko itong muli sa kanyang kamay.

“Kaibigan mo ako Tace, kunin mo ito.” Binalik niyang muli.

Tuwing mag-aaway kami ni Calix ay laging nandyan si Amer para sumuporta, lagi siyang nandyan para damayan ako sa lahat ng sakit. Ilang beses na ring gustong kausapin ni Amer si Calix pero pinipigilan ko dahil ayaw kong magkaroon lang ng away. 

Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now