7

594 27 6
                                    

Padarag kong itinapon sa harapan niya ang annulment paper namin kailangan ng kanyang pirma. Pasalamat siya at pumunta pa ako sa opisina niya para rito, pinagtitinginan pa ako ng mga workers niya na hlos mabali na ang kanilang ulo.

“Kailangan na ni Attorney ng pirma mo Calix, don’t make this hard for us!”

Kinuha niya ang papel at inayos itong nilagay sa folder. “I told you I don’t want an annulment, hindi naman siguro mahirap sabihin iyon kay Attorney”

“Are you damn crazy!? I want an annulment, gusto ko ng humiwalay sayo! Ayaw ko ng dalhin ang apelyedo mo! Gets mo?!”

“Ayoko ng annulment, ayaw kong humiwalay ka saakin, at gusto kong apelyedo ko ang dala dala mo.”

“You’re insane!” iritado kong sigaw sakanya. “Maghiwalay na tayo, para din naman saating dalawa ito! Hindi na natin mahal ang isa’t isa!”

Tumayo siya at lumapit saakin. “You badly want an annulment?” mas nilapit niya ang mukha niya saakin.

Damn! Isang dangkal nalang ata ang layo ng mukha niya sa mukha ko. I can smell his breath, ang mapupungay niyang mata, his pink and kissable lips! Damn!

“I will give it to you. But I have a condition.”

Napataas ang kilay ko. “What is it?”

“1 month, be with me,”

Agad ko siyang tinulak. “You’re out of your mind asshole!”

“Then, walang annulment na magaganap kong ganun”

“I have a boyfriend at gusto mong sumama ako sayo? I am not like you Calix, hindi ko kayang manakit ng taong mahal ko”

“You love him?” seryoso niyang tanong habang titig na titig saakin.

“You don’t trust me.”

Agad akong nakaramdam ng kaba sa sinasabi niya para bang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya.

“I love him, hindi ko naman siya magiging boyfriend kong hindi.”
Tumawa siya at muli akong hinarap.

“You can fool everyone, but not me, and not yourself.”

“Ayaw mo siyang masaktan? Then, break up with him!”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. “I won’t! Para lang sayo?”

“Para sa annulment na gusto mo.”

Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi ko.

“This is not a joke Calix, kung gusto mo ng kalaro humanap ka ng iba.”

“What if I want you?” natahimik ako.

“Think about it Tamara, its just one month.”

One month? Hell! Paano ko sasabihin kay Xander? Paano?!

“Bakit ba kasi kailangan pa iyon? Why don’t you just the sign the papers?”

Ngumisi siya. “I think we need to have rules in our deal, first rule no personal questions”

“Kahit ba ang rason kong bakit, ay hindi ko rin pwedeng malaman? I deserve that.”

“You’ll find the answer once na pumayag ka.”

Damn you Sandoval! I hate you so much!!!

“Kung para sa pirma, I want my freedom. Then, it’s a deal.”

Lumawak ang ngiti sa kanyang mukha at muli ako pinagmasdan. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa naging desisyon ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Xander kung paano ko ipapaliwanag kay Daddy. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan pakisamahan siya, were in fact ay natatakot akong pumasok siya sa buhay kong muli.

At ngayon tuluyan na niyang pinasok ang mundo kong muli, natatakot akong sirain niyang muli ito kagaya ng ginawa niya noon. Ano bang naisip ko at pumayag ako sa deal na ito, maybe because I really want my freedom. Pero kung totoong gusto ko ng freedom bakit kinukulong kung muli ang mundo ko sa mundo niya.

To: Xander
We need to talk.

Ayaw kong saktan si Xander, pero baka kapag ginawa ko ang deal habang kami pa ay tuluyan ko siyang masaktan. He is a nice person, hindi ko siya kayang sakta. I also need to resign on my job. Its just one month, matatapos rin ito. And after that I will make sure na hindi na siya makakabalik sa buhay ko.

“May problema ba?” bungad ni Xander saakin mula sa kabilang linya.

“You’ve good to me, but I need to do this Xander I hope you’ll understand”
Tahimik ang kabilang linya, tanging paghinga lang niya ang naririnig ko.

“I’m breaking up with you.”

“Dahil?”

Walang salita ang gusting lumabas mula sa aking bibig. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya.
“I realize na mahal ko pa ang ex ko, nakipagbalikan ako sakanya.”

“Damn!” I’m sorry sana ay kaya kong sabihin sakanya ang totoo. “I know you have other reasons.”

“I don’t have, please understand.”
At agad ko na ring binaba ang telepono. Fuck! Ang sama sama kong tao! I hate you Calix!

From: Unknown
Your dad already know that we are back with each other. Pack your things sa condo kana titira.

Kilala ko na kaagad kong saan nanggaling ang messege na iyan. Devil!

"Dad...." parehas silang nakatingin saakin.

Umalis ako ng bahay, pero bumalik ako upang mag paalam.

"Is it true?" walang emosyon niya tanong.

Hindi ako umimik. "Hindi kaba natatakot sa pupwedeng mangyari Tamara? Hindi ka man lang ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Anak may boyfriend kana!"

"I'm sorry. Wala na po kami ni Xander bago ko pa balikan si Calix."

"I told you Daddy! Diba tama ako? I was right when I told you na kaya siya bumalik ay para kay Calix!"

"Wala iyon sa plano ko." tipid kong sagot.

"Then what? Bat kailangan mong bumalik sakanya? Bat kailangan mo siyang agawin saakin ulit?" ipinagtulakan niya ako. "Whore! Ganyan kaba talaga?"

"No i'm not. And alam mo yan."

Ayaw ko ng sumagot dahil ayaw kong may masabi nanaman akong mali. Ayokong makita ang dissapointment sa mukha ni Daddy. But while looking at him, I know. He is.

"Pumunta lang ako rito para pormal na ipaalam sainyo." tatalikod na sana ako pero nagsalita si Daddy.

"Once you leave this house at sumama ka sakanya, wag mo na kaming alalahanin pa. Wala ka ng pamilya na babalikan Tamara."

Biglang bumagsak ang luha ko.

"Pag po ba lumabas ako sa pintuang iyan ay hindi niyo na ako anak?"

Hindi sumagot si Daddy. "Gusto ko lang maging malaya kaya ko ito ginagawa. Maiintindihan niyo rin po ako. At kung satingin ay mas pinili ko siya, hindi. Kasi kaya ko ito ginagawa dahil kayo ang pinipili ko." tumalikod ako at naglakad palabas.

I'm sorry....



Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now