20

491 22 1
                                    

  Calix Point of View

"No." mas lalong lumakas ang hikbi niya

"But I want you to know na totoo lahat ng naramdaman ko sayo. Baka hindi sa ganitong panahon, baka sa ibang panahon pwede na. Malaya na natin mamahalin ang isa't isa."

Gustong-gusto ko siyang habulin habang palayo siya ng palayo. I fucking want to hold her hand, gusto kong sabihin sakanya na hindi ko kayang pakawalan siya. Gusto kong sabihin sakanyang kaya ko siyang ipaglaban, pero habang unti unti siya lumalayo ay mas nangingibabaw ang sinabi ng Daddy niya. Mas nangingibabaw ang pinangako ko.

"Nangako ka saakin noon Calix na hindi mo siya sasaktan. Sinaktan mo siya noon pero pinalagpas ko, at alam ko rin na by this time ay torture pa rin sakanya na kasama ka. Pinagpili ko siya, at alam naman nating ikaw ng pipiliin niya. Kung hindi ka niya kayang i let go, why dont you do it. Let her go, pakawalan mo na ang anak ko Calix hayaan mo na siyang maging masaya sa piling ng iba."

Tahimik kong pinasok sa isip ko ng paulit ulit ang mga sinabi ni Tito. Isa lang ang dahilan kaya ko sinama rito sa Batanes si Tamara at iyon ay para makasama na siya habang buhay, wala na akong balak pang ibalik siya sa Manila. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya., mainly the reason of our deal ay para iparamdam sakanya ang pagmamahal na hindi ko naiparamdam noon. Dinala ko siya rito dahil baka sakaling kapag pinaramdaman ko sakanya ang nararamdaman ko ay bumalik na siya ulit saakin, baka hindi na niya ipilit ang annulment. I can't lose her.

Pero kahit gaano ko kagustong ipaglaban siya ay hindi ko magawa. I cant lose her. Mahal na mahal ko siya. Pero ayokong isuko niya ang pamilya niya para saakin, I clearly understand everything kung bakit sumasama ang loob niya Tito at Thalia. Pero alam ko rin kahit ganun kalaki ng tampo niya ay sa huli ay pamilya niya pa rin sila.

I let her go because I know na mas sasaya siya sa pamilya niya, dahil alam ko in the end wala pa ring tatalo sa pamilya.

I want to hold her hand. I want to hug her, to kiss her. But I can't dahil baka unti unti ko nanaman siyang madurog, baka pag pinilit ko lamang ang kagustuhan ko ay mawasak ko lamang siya. Tito is right, ako lamang ang makakapagpalaya kay Tamara ako lamang ang makakapagbigay sakanya ng saya. Pero anong naging kapalit? Ang mawala siya sa buhay ko.

"What are you doing Hannah?" mas lumakas pa ang boses ko habang tinitingnan siya. "I told you I can't!"

"You can't? Bakit? Dahil until now mahal mo pa rin siya? Hanggang kailan ba mangugulo ang babaeng iyan sa relasyon natin Calix? Hanggang kailangan ka magpapakatanga sakanya? Ilang months nalang ay magpapakasal na tayo."

"I can't marry you." seryoso ko siyang tiningnan.

"You will. Saakin nakasalalay ang pagbagsak niyo!"

Tinalikuran niya ako at padabog na sinarado ang pintuan ng aking office. Its been 1 week since dumating ako ng Maynila, dumiresto agad ako sa work dahil kailangan. Mahina si Daddy hindi na niya kayang ihandle ang business.

"Wag mong hahayaan na bumagsak ang Company na itinaguyod namin ng Mommy mo Calix." tinitigan ko si Daddy ngayon lamang siya nakiusap saakin ng ganito.

"Pakasalan mo siya, kapag nagawa mo iyon maiaahon mong muli ang kompanya."

Sa sinabi ni Daddy, hindi ko alam kung tanong ba iyon o pakiusap. Hindi ko alam kong papaano ko uumpisahan, kung paano ko gagawin.

Pinagmasdan kong muli ang litrato niya, akala ko kapag iniwan at pinalaya ko siya magiging masaya na siya. Pero hindi. Noong mawala si Tito ay gusto kong lumapit sakanya at patahanin siya sa pag iyak, gusto kong palakasin ang loob niya, gusto kong sabihin sakanya na nandito lang ako na hinding hindi ko siya iiwan. But I can't, i promised someone. And i can't break that easily.

"Ana," napalingon ang pinsan ko saakin.

"Kuya Cal!" tumakbo siya para yakapin ako. "Buti nakapunta ka." masaya niyang sabi.

Today is her 19th birthday, nakakatuwa lang isipin na sobrang nagmature na siya. Her looks, her body at the she talks.

"Sinabi ko kasi kay Mommy na kailangan nandito ka. I badly want to apologize."

"Saan?" i asked her.

"Yung mga nasabi ko noon, gusto kong magsorry dahil nadala ako ng damdamin ko. Kasi akala ko sinadya mo lahat, hindi ko inisip na baka nasaktan ka rin sa nangyari."

I tapped her shoulder. "That was years ago Ana, and tapos na iyon. All you have said was true, kaya nga ako nagising diba?" natatawa ko pang sabi.

"Okay naman na kayo diba? Ang sabi Kuya Xander ay okay na kayo." hindi niya siguradong tanong.

I was about to say something pero nagsalita siyang muli.

"She's here with Xander, kakarating lang nila bago ikaw. I hope your okay right?"

Natameme ako, its been 3 years at hindi ko alam kong papaano ko siya haharapin. Sila. I can't. Ayoko dahil alam kong masasaktan lang ako. But I cant do anything, nandito na ako. Maybe, this was planned already... ang magkita kami after ng mga masasakit at masasayang alaala.

"There she is..." tinuro ni Ana si Tamara.

Hawak hawak ni Xander ang kamay habang busy silang nagtatawanan at nagkukwentahan sa mga magulang ni Xander.

Hindi pa rin nagbabago si Tamara just like before ay ang sarap parin niyang tingnan habang nakangiti. Kung paano siya tingnan ni Xander ay kung paano rin ako tumingin sakanya. Full of adoration.

"Calix is here......" sigaw ni Ana kaya napatingin silang lahat saakin.

Even her.

She was smiling but the she saw me nawala lahat iyon. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Damn! Love.

Ilang minuto lang ay nag umpisa na ang party ni Ana, wala sana akong balak magtagal. Pero parang may pumipigil saakin na umalis, I was straightly looking at them, her. Pinagmamasdan kong maigi ang galaw niya, ang napakatamis niya ngiti, ang mapupungay niyang mga mata, at matatalino niyang salita. I can't deny it, until now hindi nawala, at hinding hindi mawawala. I am still in love with her.

"Can we talk." as soon as she went out inside the comfort room.

Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now