Pagkatapos ng hapunan ay niyaya ako ni Calix sa may dalampasigan, malalim na ang gabi at sobrang hangin narin. Ngunit kahit ganoo’y kita parin ang kagandan ng buong lugar, may mga palamuting nakasabit sa iilang puno at ang mga mumunting ilaw na nagsisilbing liwanag sa gabi.Sa sobrang tahimik naming dalawa ay hindi maiwasang hindi mailang, tama ba ang desisyon kong sumama sakanya o samahan siya? Pero baka kapag hindi ko ginawa iyon ay si Patrisha ang kasama niya rito.
“Nakakamiss rin pala ang San Francisco, ang simoy ng hangin roon ay ibang iba rito.” Wala sa sarili kong sabi.
“Did you enjoy your stay there?”
Tumango ako.“Madami rin akong natutunan sa lugar na iyon, that place became my home.”
“Marami ka bang naging kaibigan?” nilingon ko siya, at agad natawa.
“I remember my first day of school lahat ng kaklase ko tiningnan ako, I am the only Filipino there akala ko nga magugustuhan nila ako. Pero hindi, everyday mayroon silang hinahandang prank saakin, minsan nakakatuwa pero kadalasan nakakasakit na.”
I laughed. “Pero nagbago ang lahat ng iyon noong dumating si Skyler, she’s half Filipino and half Canadian, she became my bestfriend taga pagtanggol. But after college ay bumalik siya ng Spain iniwan niya rin ako.”
“I’m sorry.” He whispered.
“You don’t have too, ginusto ko iyon. It was my decision, in fact nakatulong pa nga. Dahil nakilala ko si Xander.” Ngumiti akong muli sakanya. “Siya ang dahilan kung bakit ko pa ginustong bumalik ng Pilipinas, he helped me a lot sa buhay ko. Pero, iniwan ko rin siya. However, after this ieexplain ko ang lahat sakanya, kahit man lang yung friendship namin ang matira.”
“You still love him until now?” natigilan ako sa tanong niya.
“I like him.” Pagod niya akong tiningnan. “Ask a friend. Hindi ko siya pwedeng mahalin, hindi pwede.”
“Dahil?”
“Dahil alam kong hindi pa ako okay, dahil ayokong saktan siya. Ayokong madamay si Xander, I adore him for being so kind. Kaya hindi ko kayang saktan siya.”
“Will you go back to him after this?”
Napipi ako sa tanong niya. Hindi ko rin alam paano ito sasagutin dahil in fact hindi ko din alam kung anong mangyayari after this deal.“I’m tired matulog na tayo.” Putol ko sa usapan at biglang tumayo.
Pero imbes na tumayo ay nanatili siyang nakaupo. “Mauna na ako, sumunod ka na rin. We’re both tired I know.” And then I looked away at naglakad palayo sakanya.
Hindi pa man ako nakakarating ng bahay ay sinalubong na agad ako ni Patrisha, ang buong akala ko’y lalagpasan lamang niya ako. Pero tumigil siya sa aking harapan, dahilan para matigilan din ako.
“You’re lucky.” Matigas niyang ingles. Tinaasan niya ako ng kilay. “Binalikan ka pa niya.”
“Binalikan?”
Ngumisi siya. “I know everything Tamara.”
“Hindi mo alam. Trust me.”
“Kung paano ka niya pinakasalan dahil sa kagustuhan ng mga magulang niyo, kung paano niya iniwan si Thalia na ate mo para pakasalan ka, kung paano kayo nagsama ng pitong buwan, kung papaano ka niya tinrato, kung paano ka nasaktan at kung paano mo siya iniwan.”
Natigilan ako sa sinabi niya. I knew it. Hindi ako nagkamali sa inakala ko.
“Akala ko natuto kana, hindi pa pala. Kung ano man ang meron sainyo ngayon at ang dahilan ng pag dala niya sayo rito wag kang masyadong magpaloko.”
Tiningnan ko siya ng seryoso. “We’re married, at kung ano man ang nangyari noon ay mananatili lamang iyon roon. At kung ano man ang meron kami ngayon ay ang siyang mahalaga.”
She laughed. “Really? Do you really think na after all this years’ ay minahal ka na niya?”
“Does it matter to you? Kaano ano ka ba niya? Bukod sa malapit na kaibigan, kababata, at nakatira sa bahay nila, ano pa bang papel mo sa buhay niya?”
Napalunok siya sa sinabi ko. “Close friend is so much far from marriage, and believe me kapag pinagpili ko siya between us two he won’t think twice.”
“You think so?” palaban niyang tanong. “Nagawa ka na niyang iwan noon.”
“You’re wrong, ako ang nang iwan magkaiba iyon just so you know. Gusto mo bang malaman kong anong plano ni Calix sa aming dalawa? Gusto mo bang malaman kung paano siya nagmakaawa saaking samahan siya rito at bumalik sa buhay niya. Nagmakaawa siyang mahalin ko siya ulit, I even filed an annulment pero hanggang ngayon ay hindi niya parin pirmahan. Sa tingin mo sino sa atin ang mas matimbang?”
“The first time I saw you, I knew it already, you hate me that much. But it doesn’t matter dahil hindi ikaw ang kailangan kong pakisamahan, it is my husband Calix. So bago mo sana sabihing alam mo lahat ng pinagdaan niya kasama ko you should atleast ask yourself if you know everything about our marriage. You love my husband?”
Nagtaas siya ng kilay at parang hindi makapaniwala sa tanong ko. “You can’t because his mine, you can’t because I own him, you can’t because his married with me and you can’t because I am here.” Nanatili siyang tahimik hanggang sa lagpasan ko siya.
Sa buhay ko isa lang ang natutunan ko at iyon ay ang lumaban hindi para sa ibang tao kundi para sa iyong sarili. Hindi ko man nagawang ipaglaban ang marriage ko noon but this time I fight for the things I own. Hinding-hindi ako mamimigay, hindi ako magpapara madamot na kung madamot. But this marriage is mine, at ako ang asawa ni Calix at habang may pinanghahawakan ako hinding-hindi ko iyon bibitawan.
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fanfiction"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...