8

565 24 2
                                    

Nilibot ko ang aking mga mata sa kwartong sinasabing niyang magiging kwarto ko, well actually ako ang nagpumilit na rito nalang. One month rin, at ayokong tumabi sakanya sa pag tulog. After ng pag uusap namin nila Daddy ay umalis na ako agad ng bahay. Wala din namang point na makipagtalo pa ako sakanila coz in the end ako pa rin ang tama.

“I already sent your resignation letter.”

Binagsak ko ang katawan ko sa malambot na kami habang siya ay nanatiling nakatayo sa may pintuan, wearinh his sweat short. Sakit sa mata.

“May kamay naman ako para gawin iyon, hindi mo na sana ginawa.”

“I heard wala na kayo ng boyfriend mo”

“Stalker ka rin ano?” ngumisi siya.

“I just heard. Mas maganda iyon para mas maenjoy mo ang mga mangyayari.”

“We need to talk about our rules. Hindi lang ikaw ang meron.”

Agad akong tumayo at nilagpasan siya para tumungo sa kanyang dining table. Agad rin siya sumunod at umupo sa aking harapan.

“No personal questions.” Ununahan ko na siya. “No kiss, no touch.”

“Paano pag dadalhin kita sa opisina, I need to hold your hand para maniwala silang okay tayo.”

“Well, that’s okay. But with limitations, kapag walang nakakita walang touch or kiss.”

“Walang pakialamanan sa desisyon ng bawat isa, as long as hindi makakaapekto sa deal.” Dagdag kong muli habang siya nanatiling nakikinig lang.

“And of course, no sex.”

“But we’re married”

“And soon to be unmarried,”

Humalakhak itong muli, kagaya pa rin siya ng dati kapag tumawa. I love that smile, lalong lalo na ang tawa niya, Tsss! Ano bang iniisip ko? I should not give him any compliments.

“Can I ask you question?” agad kong tanong na ikinabigla niya. “Kung ayaw mong sagutin okay lang, bakit kailangan nating gawin ito?”

Natahimik kami pareho sa naging tanong ko. I wonder why? Bakit nga ba? Mahal ba niya ako? That’s impossible, I know may plano siya at gusto kong malaman kong ano yon.

“You’ll find out once this deal is over.” Seryoso niyang sagot.

I can wait to end this deal. I want to know the reason. Yun nga lang ba talaga? Or I just want my freedom as soon as possible.
“Ako naman, kung sasagutin mo its up to you. Bakit ka bumitaw noon?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya, ang kanilang normal na ambiance ay naging komplikado dahil sa tanong niya.

Ngumiti akong sakanya at maigi siyang pinagmasdan. Bakit nga ba? Bakit ba hindi ako lumaban? Habang tinitingnan ko ang mga mata niya ay napapaisip ako sa mga bagay bagay, paano kong hindi ako umalis noon? Paano nga kaya kung lumaban rin ako o kung pinaglaban ko siya. Paano kong hindi ako sumuko sa marriage namin, kahit pa si Thalia ang mahal ako pa rin ang mas may karapatan. Paano nga kaya kung kagaya ni Thalia at pinaglaban ko rin si Calix sakanya? Masaya ba kami ngayon? May pamilya na ba kami? O ang tanong nanalo nga ba ako kung if ever ay hindi ako bumitaw.

Pero kasi ang totoo that time I really wanted to fight, pero hindi ko na magawa, hindi ko kaya. Napagod na akong ipaglaban siya. Kahit pa paulit ulit kong sinasabing pangarap ko siya, hindi ako naduwag… natakot siguro na baka sa huli ako ang talo, na baka sa huli ako iyong luhaan. Paano nga kaya kung lumaban ako? Masaya kaya ako ngayon?

Minahal ko ng sobra sobra si Calix to the point na wala ng natira saakin, napagod at naubos ako. Pero naghanap parin ako ng dahilan para tuluyan na mahalin siya kahit paulit ulit ang sakit. Ganun nga siguro kapag nagmamahal, kailangan mong maging matatag, kailangan mong maging matapang. Pero hindi ako naging matapang para panindigan ang kasal namin, dahil sa huli bumitaw ako. Hindi ko napanindigan ang pangako ko sakanya sa harapan ng altar, hindi ko napanindigan ang mga sinabi ko sa harap ng mga mata nilang pamilya namin. Maybe because before I quit the battle ay wala rin naman talaga akong pinaglalaban. Dahil iyong lalaking pinaglalaban ko kahit kailan ay hindi magiging akin. Dahil bago pa siya pumasok sa buhay ko ay inalis na niya ang puso niya sa katawan niya at ibinigay sa pinakamamahal niya.

I looked away, maybe kaya ginagawa ito ni Calix para iparealize saakin hindi ko napanindigan lahat ng pinangako ko sakanya. Maybe, Thalia is also right na sakanya talaga si Calix.

“Dahil masyado kitang minahal.” tumigil ako at pagod siyang tiningnan. "At nakatakot ako baka dahil doon tuluyan ng walang matira saakin." and I smiled.

One month lang ito at sana ay kayanin ko. Sana ay katulad ng ngayon ay magawa kung hindi na muling mahulog pa sakanya dahil alam kong sa huli ay kagaya ng nauna ay iiwan niya rin ako. And I should be ready for that, because this time ayaw ko ng mawasak pa kagaya ng dati. Because this time kapag tuluyan niya akong mawasak ay hindi ko alam pa kung paano babangon. One month na hirap para makuha ko ang kalayaan ko sakanya, ang kalayaan na kailangan ko para makawala na sa mundo niyang walang ginawa kundi bigyan ay ng sakit, ang mundo niyang walang ginawa kundi ang paulit ulit saaking iparamdam na kahit kailan ay hindi maging SIYA at AKO, ang mundo niyang laging nagpapamukha saakin hinding hindi darating yong araw na may matatawag na KAMI.

"So dramatic..." pang iiba ko sa topic.

This is getting deeper. At ayokong umabot sa sumbatan.

"I'm sorry." it was almost a whisper.

Tumingin ko sakanya. "For what?"

"For everything."

Umiwas ako agad ng tingnin. Baka tuluyan na akong malunod. Baka unti unti akong kainin ng mga what if's ko.

Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now