Maaga akong nagising kaya imbes na humiga pa ay pumasok na ako agad sa banyo para makaligo na at makapag- ayos. Maganda ang sikat ng araw ngayon, hindi parin naman ganun kainit gusto ko sanang yayain si Calix na ipasyal man lang ako. Pag-alis ko ng kama kanina ay tulog na tulog pa siya, after noong pag-uusap namin kagabi ay umakyat na rin kami upang magpahinga.
Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing naaalala ko kung paano niyang sinabi saakin mahal niya ako. Kaya siguro hanggang ngayon ay meron paring ngiti sa labi ko. Jusko! Hindi ba nakakahiya? Nang matapos akong maligo at tinapis ko ang twalya sa katawan ko at agad pumasok sa aming walk in closet upang magbihis. Napili kong isuot ang isang maxi dress na kulay itim, tamang tama na rin para sa vibe ng place.
“Akala ko kung saan kana pumunta.” Hinablot niya ang kamay ko at agad pinaupo sa kanyang binti. “Wag mo na akong iiwan.” Bulong niya habang sinisiksik ang kanyang ulo sa aking leeg.
“Calix pwede mo ba ako samahang mamasyal?”
“Anything for my love.”
Para akong batang nagtatatalon sa tuwa dahil sa aking narinig.
Pagkatapos niyang maligo at makapag ayos ay sabay kaming bumaba at bumungad saamin sila Mang Ernesto na kumakain ng almusal.
“Gising na pala kayo at mukhang may lakad pa. Tara na’t saluhan niyo kami rito.”
“Mamamasyal kasi kami.” I giggled.
“Papasyal kayo? Can I go with you?” hindi ko alam kung maiirita ba ako rito kay Patrisha habang piniplease si Calix.
Binalingan ako ni Calix, of course not! Hindi siya pwedeng sumama.
“Of course naman.” Napatingin akong muli kay Calix na para bang sure na sure siyang papayag akong sumama ang malditang babaeng iyan.
Nang maayos na ang lahat ay lumabas na kaming upang sumakay sa kotse, at imbes na kasabay ko si Calix palabas ay pinulupot na agad ni Patrisha ang kanyang kamay sa braso ng asawa ko.
“Tabi tayo Cal sa frontseat dating gawi?” nakangiti nitong sabi.
“That’s actually my position as his wife.” Pinanlakihan ko siya ng mata ata dumiresto sa kotse.
Nang nakasakay na ang lahat ay nagsimula na siyang magdrive, maganda na sana ang lahat kung hindi lang nakisingit ang mahirot na kababata nitong si Calix. At itong asawa ko naman mukhang natutuwa pa. Imbes na makinig sa kwentuhan nila ay binaling ko ang sarili ko sa view na aming nadadaanan.
“Remember nung nadulas ako sa may gazebo? Buti nalang naroon ka kung hindi baka namatay na ako.”
Binaling ko ang aking tingin kay Calix na nagdadrive habang nakikipag usap kay Patrisha.“Focus on your way Calix baka mabangga tayo.” Iritado kong sabi.
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan samantalang ang isa naman niyang kamay ay nasa manibela.
“Are you okay?”
Tsk! Kanina okay na okay ako, pero noong dumating ang haliparot na si Patrisha ay nawala na ang ganda ng araw ko.
“Of course she’s okay, wag ka ngang masyadong praning dyan Cal.” Sabat ni Patrisha.
“Mukhang nageenjoy kayo sa kwentuhan niyo tuloy niyo lang.” sarcastic kong sabi at binaling ang mata sa aking cellphone. “Wala bang may wifi dito? I need to check my emails.”
“Madalang lang ang merong wifi dito, sa Manila marami bat di ka nalang bumalik?”
“Good idea, tapos isasama ko asawa ko.” Nagbago ang mukha niya dahil sa sinabi ko. “Sabat ng sabat hindi naman kausap.” Pabulong kong sabi at agad siyang inirapan.
Isang oras na byahe ng marating namin ay isang beach malapit sa aming tinitirhan na isla ngayon, maganda rin siya kagaya noong napuntahan naming ngunit kaonti lamang ang mga taong narito. Siguro dahil sa kalayuan nito, nang makababa ako sa kotse ay iniwan ko na sila at naglakad papunta sa may maliit na kubo kung saan makikita ang dagat. Napakasariwa ng hangin, maganda na sana ang lahat, it was almost perfect. Pero hindi inexpect na masisira ni Patrisha dahil sa papupumilit niyang sumama.
“Where is Patrisha?” tanong ko sakanya pagdating niya sa kubo na hindi kasama si Patrisha.
“Okay ka lang ba?”
“Bakit di mo itry na tanungin o kumustahin si Patrisha, magkwentuhan pa kayo ng mga alaala niyo noon o kung di siya masatisfy doon iwanan niyo nalang ako rito para masolo niyo ang isa’t isa.”
Humalakhak ito at agad lumapit saakin pero lumayo ako sakanya. “My wife is jealous…”
“Asa ka!”
“Wait wait wait..” agap niya bago ako tuluyang lumabas ng kubo. “Tell me kung ayaw mong siyang kasama ako mismo ang magsasabi sakanya.”
“Tapos ako ang magmumukhang masama?”
“Of course not love, ikaw ang asawa ko ikaw ang priority ko at ikaw ang palaging masusunod.”
“Kung makapagkwentuhan nga kayo kanina para akong wala eh.”
“It thought you’re tired kaya hindi na kita kinulit.”
“Tapos hindi mo man lang ako tinanong kung payag ba akong sumama siya satin.”
He hold my hands at agad pinaharap sakanya ang aking mukha. “I‘m sorry love.”
“Stop calling me that!” suway ko sakanya.“But you’re my baby, my one and only, my future, my love, my wife and my life.”
Jusko lupa kainin mo na ako hindi ko na mapigilan ang kilig na nararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niya.
“Ang galing mo talagang mambola!”
“I don’t do that sa iba siguro, pero sa asawa ko? Lahat ng sasabihin ko ay pawing katotohanan lamang.”
“Mahal na mahal kita Calix, please wag mo na akong sasaktan ulit.” Seryoso ko siyang tiningnan at naging seryoso din ang kanyang mukha.
“dahil baka kapag nangyari iyon ay hindi ko na kayanin pa.”
“Ngayong bumalik kana saakin hinding hindi na kita pakakawalan, hinding hindi kana mahahawakan ng iba dahil akin kana. You’re my wife and I am your husband.”
Isang lang ang nasa isip ko, kung pang habang buhay man ito sana ay hindi na matapos pa. Itong ito yung pangarap at ngayong natupad wala na siguro akongahihiling pa.
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fanfic"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...