Napabalikwas ako sa himbing na pagkakatulog nang maramdaman ko ang pagpatong ng isang mabigat na braso sa aking baywang, agad kong tiningnan ang orasan it is 3 in the morning.
And beside me is my husband Calix, himbing na himbing na natutulog habang ang braso nito ay napatong saakin. Pinagmasdan ko siyang maigi, pangarap ko lang ito noon.
Nakakatuwang isipin na ngayon hindi ko na ito inaasam, na ngayon hindi ko na ito pinipilit pa ay nangyayari na.
Maigi ko siyang pinagmasdan ang bawat detalye ng mukha niya, ang kanyang pilik mata, ang makapal niyang kilay, ang napakatangos niyang ilong at ang kulay pink niyang labi. Noon akala ko ang mga bagay na iyon ang dahilan kung bakit ko siyang nagustuhan pero unti unti kong narealize na hindi dahil sa mga iyon. Minahal ko siya dahil iyon ang gusto ng puso ko, minahal ko siya ng walang dahilan.At kung sana ay ganun lang kadaling kalimutan ang lahat at tuluyan na lamang siyang mahalin na walang iniintindi ay ginawa ko na. Pero hindi ganun kadaling mawala ang sakit, hindi ganun kadaling kalimutan ang sakit ng nakaraan. Minahal ko siya kaya siguro hindi ganun kadaling mawala ang pagmamahal ko sakanya, dahil hanggang ngayon magiging sinungaling ako kung sasabihin kong wala na akong nararamdaman.
Hindi naging sapat saakin na titigan at tingnan lamang siya, dahan dahan kong hinaplos ang mukha niya. “I wish I turn back time.” I whispered.
Sana kaya kong ibalik yung time na hindi nalang siya sinukuan, na sana ay pinaglaban ko ang aming kasal. Na sana ay hindi na umabot sa puntong maging miserable ako, sana ay hindi umabot sa puntong pinili kong magalit sakanya. Because it’s not worth it at all, dahil kahit anong galit ko sakanya, kahit lumipas na ang madaming panahon. Kung papipiliin ako, siya at siya parin ang paulit ulit kong gugustuhin.
Bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha mula sa aking mata ay agad na akong pumikit at piniling pigilan ito. Hindi ako magsisinungaling, pero hanggang ngayon umaasa akong sana’y matupad na ang pangarap na ito.
“You should atleast wear something na matatakpan ang legs mo.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko samantalang sa gilid namin ay si Patrisha.
“We’re on the beach anong gusto mo mag pajama ako?” sarkastiko kong sagot.
“Much acceptable than that!” at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
I can’t believe him, ano bang mali sa suot ko? I just wore my color dark blue na two piece ngunit naka puting shorts ako sa baba, bali yung bra lang ang nakikita na medyo natatakpan pa ng bandana. Samantalang siya ay naka sando na kulay itim at naka khaki pants.
Papunta kami ngayon sa katabing isla na dinadayo ng mga turista. Agad akong binuhat ni Calix para tuluyang makaakyat sa bangkang aming sasakyan, kasunod ko ay si Patrisha na nakakulay puting two piece at pinartneran niya ng hanging na croptop.
Sa sobrang ganda ng lugar ay halos hindi ako makapagsalita pag karating namin, as expected medyo maraming turista ang narito karamihan ay mga foreigner. May mga iilang napapatingin sa gawi namin, ngunit karamihan ay ineenjoy ang buong lugar.
Inilabas ko ang cellphone ko at agad kinuhanan ito ng litrato, ang kulay asul na dagat, ang puting buhangin at ang mga rock formations, this place is really fantastic.
“You’re familiar.” Lumapit saakin ang isa foreigner at maigi akong tiningnan. “I think I met you, somewhere in Sanfo.”
Ngumiti ako, hindi ko siya makilala pero mukha siyang friendly. “I’m Marcus.” Inabot niya ang kamay niya saakin.
“Tamara.” At agad ko itong inabot.
“I knew it, you know Xander?”Natigilan ako sa sinabi niya. “You are his girlfriend right? Remember in the bar? I am with his sister when we met.”
Damn! Oo, naaalala ko na. It was our first monthsary noong nakilala ko siya. “Are you with Xander?”
Umiling ako. “He’s in San Francisco right now.”
“But you too are still in good terms right?”
Hindi pa man ako nakakasagot ay may pumulupot ng braso sa baywang ko. “Actually, I am her husband.” Ani Calix.
“Oh really? I didn’t know! Kaya pala hindi na kita masyadong nakikita pa. Nakapag-asawa kana pala. congratulations!”
“Thank you.” Nahihiya kong sabi.
“I think I need to go.” Paalam nito at agad tumakbo palayo saamin.
“Hindi ko alam na hanggang dito ay masusundan tayo ng mga kakilala mo, sana pala sa may sa ibang lugar nalang kita dinala.”
Umirap ako. “Baliw ka!” inis kong sabi at agad kumawala sakanya pero agad niyang hinablot ang braso ko.
“Where are you going? Dito ka lang sa tabi, masyadong masakit sa mata na madaming nakatingin sayo,”
“Why don’t you just go with your kababata, makipag kwentuhan ka masyado niyo atang namiss ang isa’t isa.”
Ngumisi ito ng nakakaloko. “Hindi ko na kailangan ng iba, hawak ko na yung pinakagusto ko.”
My heart beats fast at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Fuck! Feeling ko sobrang pula ng mukha ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Jusko po!
“Stop being possessive Calix.”
Hinawakan niya ang kamay ko at tumigil sandali upang harapin ako.“Pag sayo mukhang hindi ko kakayanin.”
“You did it already many times, kailangan mo lang ulitin.”
“I won’t do it again, dahil this time I won’t let anyone take you away from me.”
Kalma! Kumalma ka heart! Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya.
“Trust me magsasawa ka rin.”
Imbes na sumagot ay niyakap niya ako ng mahigpit. “Hinding-hindi, kundi mababaliw ako.”Kung ano man ang plano saamin ng Diyos siya na ang bahala, but right now isa lang ang gusto kong gawin. At iyon ay ang isuko ang lahat ng meron ako, at damhin ang saya na ibibigay saakin ng pagmamahalang ito.
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fanfic"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...