10

592 28 5
                                    

Hello! This chapter is the POV of Calix. Enjoy!

“Tamara Celestine Velaz Monteverde, sana mag work.”

Nilingon ko si Daddy. “I don’t like her Dad, alam mo naman kung sino ang gusto ko.”

“But the point is siya ang dapat mong pakasalan.” Matigas na sabi ni Mommy.

“Hindi dahil mahal mo ibig sabihin siya parin ang mamahalin mo habang buhay. People change Calix.”

“Hindi ako magpapakasal, hindi siya ang mahal ko.”

“Eventually you will learn to love her, in fact ang daming nagsasabi how good she is.”

Kilala ko na si Tamara bata palang kami, actually I am older than him. She’s 14 and I am 18 kaedad ko ang ate niyang si Thalia, kung pag uusapan ang physical looks ay mas nakakaangat si Tamara, bata palang siya ay madami nang humahanga sakanya. She’s a beauty queen kahit nga ang mga pinsan kong matatanda pa sakanya ay may gusto sakanya.

“Damn! That kid is freaking hot!” nilingon ko agad ang pinsan kong si Oliver.

“She’s just 14, and you’re 17.”

“I doesn’t matter bro.”

“Gusto mo bang makulong?” Ngumisi itong nang nakakaloko.

“Kung para sakanya, why not?”

“You’re crazy asshole! Dami pang iba dyan!”

“Sinong gusto mong gustuhin ko iyong ate niya?”

Natigilan ako sa sinabi niya, so he knows Thalia.  “Wag na bro.” natatawa niyang sabi.

“Why not? She’s much hotter than her sister”

Kung papipiliin mas gusto ko parin si Thalia mas simple.

“Really dude? Sabi saakin noong last na dinate kong kaklase niya ay mayroon daw iyong tinatagong pag-uugali. Muntik na ngang mapaalis ang isa nilang kaklaseng scholar dahil naungusan daw siya, hindi ata matanggap na may mas magaling sakanya.”

Fuck! Hindi siya ganyan, hindi nila kilala si Thalia para sabihin yan. She’s nice. And I can prove that to them.

“Kaya nga gumraduate ng Salutatorian lang.” humalakhak ito.

Hindi ko alam pero gustong gusto kong sapakin si Oliver sa mga sinasabi niya tungkol kay Thalia.

“Pero dude alam mo ba kung ano mas pinakatatago ng babaeng iyon?”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Inggit sa kapatid niya.” Humalakhak itong muli at tinap ang balikat ko.

Kung meron mang mas nakakakilala kay Thalia ako iyon, hindi siya ganun. Kilala ko siya, she’s more than that. Tamara maybe famous dahil sa kabaitan niya, pero hindi ibig sabihing mas lamang ito kay Thalia. She’s the best. Muli noong bata kami alam kong si Thalia lang ang gusto, at kung siya man ang papakasalan ko at hinding hindi ako tatanggi. She's my dream girl.

Ngunit hindi rin maitatanggi na may ipagmamalaki si Tamara. Ang akala ko noon ay sa sports lang siya magaling, iyon kasi lagi ang nakukwento nito tungkol sakanya. Noon ngang nabalitaan namin na gumaraduate siya as valedictorian ay nabigla si Mommy at Daddy. Nababalitaan ko rin na magaling siya sa school at mabait kaya marami ang humahanga sakanya, she’s the top 1 in her class. Kaya nga tuwing Christmas ay nagpapadala si Mommy nang gifts para sakanya at kung minsan ay pinapalabas na galing saakin. She’s tall like her ate, kaya kung minsan ay napagkakamalan silang magka edad lang, kumpara kay Thalia ay mas singkit ang mata ni Tamara, mas matangos rin ang kanyang ilong kumpara sa kanyang ate. Pati ang hubog ng katawan niya ay parang dalagang dalaga na, she also have an out going personality. Hindi gaya ni Thalia, simple lang, may friends siya pero hindi ganun karami pinipili lamang niya kung sino ang kakaibiganin niya. She’s also smart.

“She’s 18 now Calix, hindi katulad noon. You’re 21 already.”

Kahit siguro paulit ulit na sabihin ni Mommy ang gusto niyang mangyari ay hindi ko parin maiintindihan ang point niya. Hindi ko gusto si Tamara., and the fact na may girlfriend ako hindi ko gugustuhin na matali.

“Ang sabi saakin ng Daddy niya ay consistent dean’s lister siya, at running for Suma Cumlaude.”

“I don’t care mom.”

Last Christmas ay usap usapan ang nalalapit kong kasal kay Tamara sa aming family gathering, hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong ipakita sa mga relatives ko, I’m not happy. Hindi ko siya gusto, hindi siya ang gusto kong pakasalan.

“She’s the best kuya Cal” ani Ana pinsan ko. “Actually, hindi lang the best more like super best na best.”

“Of course she is, naalala noong may binubully sila Cindy siya ang nagtanggol doon sa babaeng nabubully.” Kwento naman ni Tamika. “At ang the best ata about her ay hindi siya marunong magalit, naalala mo noong naungusan siya ni Dale as top 1? Ang buong akala namin  ay hindi niya matatanggap, buong akala namin kagaya noong ginawa nung ate niya ay mapapaalis na rin si Dale. Pero hindi! Masaya siya sa achievement ni Dale, ang buong puso niyang tinanggap.”

All I heard about her are good things, wala ba siyang masamang pag uugali o baka naman magaling lang siyang magtago at hindi itong makita ng iba.

Muli kong binaling ang tingin ko sa natutulog na si Tamara sa aking balikat, sana ay hindi na matapos ito. Napatingin ako sa mapula niyang labi, noong mga panahong kinasal kami ay hindi ko siya nagawang tingnan ng ganito kalapit. Ayoko. Hindi ko siya pwedeng magustuhan dahil may mahal akong iba. Ang plano ko ay ang saktan siyang ng paulit ulit emotionally para siya na mismo ang makipag hiwalay saakin. I want her to hate me, para madali saakin pakawalan siya., na bitawan siya.

Hindi siya mahirap pakisamahan, tama si Mommy she’s nice, matalino at alam kung ano ang sinasabi. Firm siya sa mga desisyon niya, pero marunong siyang makinig. Hindi siya nagkulang bilang asawa saakin, she gave her all. Ako lang ang may mali, ako ang nagkulang sakanya. Sinaktan ko siya ng paulit ulit, hinintay kong mapagod siya saakin. Pero noong mga panahong nadatnan niya kaming naghahalikan ni Thalia, I saw the pain in her eyes. Hindi ko siya magawang tingnan, hindi ko magawang magpaliwanag sakanya. Pinilit ko pero kahit ako alam kong mali ako. I deserve it. Her anger and hatred.

She’s a saint. Sinaktan ko siya, pero hindi ako nakarinig ng kahit anong galit mula sakanya. Noong nagdesisyon siya, pinili kung wag siyang habulin pa. Kapag ginawa ko iyon ay patuloy ko lang siyang masasaktan at hindi ko makakayang gawin iyon. She deserve someone na hindi siya sasaktan, and that time hindi ako taong makakapagbigay sakanya nun. Hindi ko mabibigay sakanya ang saya dahil miserable ang buhay ko.

“Hinding-hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit saakin.”

Kung sana ay kaya kong sabihin sa harapan niya habang gising siya, pero hindi pa dapat. Dahil kapag ginawa ko iyon ay tuluyan na siyang mawala ulit saakin, at baka hindi ko na iyon makayanan. I love her so much.

From: Amer
She texted me already, take care of her Calix. Alam kong mahal niyo parin ang isa’t isa.

To: Amer
I will. Thank you.

Binaba ko ang cellphone ko at muli siyang pinagmasdan. Sino bang mag-aakalang darating ang araw na ito, ang akala koy hindi na siya muli pang babalik sa Pilipinas, buong akala ko koy hindi siya magpapakita saakin habang inaasikaso ang aming annulment. Noong mga panahong wala siya sa Pilipinas tanging si Amer ang nagiging mata ko sakanya, gustong gusto ko siyang lapitan ngunit tuwing magbabalak ako ay agad rin ako umumurong, kasama ni si Xander, masaya sila. At nakita ko iyon sa mata niya, gustong-gusto ko siyang bawiin sa kamay ni Xander. Pero hindi ko na magagawa pa iyon dahil hinayaan ko na siyang mahawakan ng iba. Hindi ko siya pinaglaban kahit pa alam ko sa sarili ko na unti unti ay mahal ko na siya. Pilit kong niloloko ang sarili kong hindi siya ang mahal ko at hindi ko siya mamahalin. Pero sa loob ng pitong buwan na kasama ko siya, unti unti akong nahuhulog sakanya.

Matagal ko ring hinintay na dumating ang araw na ito, at ngayong nasa akin na siya hinding-hindi ko na hahayaan pang mawala siya saakin. Hinding hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Lahat ng haharang ay handa kong bagain, she’s my wife. she will be forever mine.






A/N: Hi! Any suggestions for the story? What do you think? Feel free to comment your suggestions. :)

Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now