18

510 23 2
                                    

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa pagdating ni Daddy at Thalia, hindi ko alam kung magbibigla ba ako o matatakot na narito sila. Everything is fine not until makita ko si Daddy na seryoso kaming tiningnan ni Calix pagdating.

Ayoko na nang pagtatalo pa, gusto ko nalang maging masaya para sakanila at para sa sarili ko.

“I told you already nasabi mo na ba?” si Dad.

“About what?”

“Kailangan niyong maghiwalay sa lalong madaling panahon Tamara, inaayos na namin annulment niyo sa Maynila at baka bago kami umuwi ay kausapin ko na rin si Calix tungkol sa pagpirma niya.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng aking ama, all this time iyon parin ang gusto niyang mangyari.

“Pumunta ka dito para doon Dad?” natatawa kong tanong.

“Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko rito bukod doon? Did you even try to look at your sister, she’s wasted dahil sa mga pinag gagagawa mo!” bakas sa boses niya ang galit.

“Wala akong nakikitang mali sa ginagawa ko. And if she’s wasted anong kinalaman ko doon at ni Calix?”

“Really? Pipiliin mong saktan ang ate mo dahil lang gusto mong maghigante kay Calix!”

“You think ginagawa ko ito for revenge? You think all this time kaya ako sumama kay Calix rito para saktan siya at makabawi sa lahat ng ginawa niya? Ganun ba kababaw ang tingin mo saakin Daddy? Ganun mo ba kamahal si Thalia at nagagawa mo ito saakin?”

Unti unting bumuhos ang luha ko pagkaharap ko sakanya at pagkakita ko ng ekspresyon ng kanyang mukha.

“What if sabihin kong totoo mahal ko siya at kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal na iyon, would you believe me?”

“Wag na tayong maglokohan Tamara stop your game before ka pa makasakit and before you get hurt!”

“Hindi mo ako naiintindihan Daddy.” Walang lakas kong sabi. 

“Hindi ko kayang sinaktan si Ate! Never ko siyang gustong saktan! Pero wala akong magawa dahil mahal ko si Calix, mahal na mahal ko ang asawa ko!”

“You love your sister right?” hindi ako umimik. “If you love us more than anything else, let him go.”

“If you truly loves me you’ll understand. Asawa ko na ang pinaglalaban ko dito. At hindi ko siya basta basta isusuko dahil lang gusto mo!”

“Wala kang ipinaglalaban rito Tamara it’s time to make your decision at iyon ay ang hiwalayan si Calix para sa kapatid mo!”

“Meron at ipapakita ko sayo!”

“Are you telling me na hindi kami ang pipiliin mo?”

“Walang dapat piliin dahil parehas kayong importante, walang dapat masaktan dahil pareho kayong mahalaga saakin.”

“Choose Tamara!” mas malakas na sigaw ni Daddy saakin.

“Don’t make me choose dad.” 

Nanlaki ang mata niya sa isinagot ko pero hindi nawala ang galit ayon sa ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatingin saakin.

“Kahit kailan hindi ako pumili ng iba, kahit kailan hindi ko pinili ang iba laging kayo. Kaya kahit ako na ang nasasaktan laging kayo! Even myself hindi ko magawang piliin dahil sainyo dahil mahal na mahal ko kayo. Kaya please Dad wag mo nang dagdagan ang tampo kayo sayo baka kasi next time na pumunta ka rito ay hindi na kita magawang tingnan o harapin pa.”

Hindi ko na magawa pang tingnan siya kaya imbes na magsalita ang isa saamin ay tuluyan ko na siyang tinalikuran at umalis.

“Please, isuko mo na siya…ibalik mo na siya saakin”

Hindi ko magawang tingnan si Ate dahil alam kong tama si Daddy, she’s wasted at kitang kita ko iyon sa mga mata niya.

“Madami akong nagawang mali sayo, but please kahit iyo lang Tace, kahit ito lang.” lumapit siya saakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Bakit kailangan maging ganito? Bakit kailangang isang lalaki lang ang mahalin namin ng ate ko? Bakit kailangan maging ganito ang lahat?

“I’m sorry…” she looked at me. “paano ko isusuko ang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon?”

Ang kaninang nagmamakaawa niyang mukha ay bigla na lamang tumapang. “Ganyan ka ba talaga kadamot?”

“Kahit kailan hindi ako nagdamot, pero this time kung satingin mo nagdadamot ako dahil hindi ko siya magawang isuko wala na akong magagawa pa roon.”

Hindi nagtagal ay nagpasya si Daddy at Thalia na umalis na, samantalang ako naiwang tulala sa harapan ng dagat.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit ang hihirap para sakanilang ibigay saakin ang pangarap ko. Bakit ng hirap nitong maabot at maging masaya? Bakit kailangan ko pang mamili para lang may sumaya? Bakit kailangan kong iwanan ang isa para wala ng masaktan? Bakit ang hirap tingnan o isipin na any time may mawawala at mawawala sa dalawang pinakaiingat ingatan mo.

Kung noon ay ang alaala ng nakaraan ang naging dahilan para masaktan ako. Ngayon, ang mga tanong na hindi ko masagot ang siyang nagbibigay saakin ng pasakit.

Gusto ko lang naman ay sumaya, at maintindihan ni Daddy. Gusto.kong makasama si Calix at maging masaya. Pero bakit parang napakahirap abutin?

"Are you okay?" it was Calix, hindi na ako lumingon pa.

I dont want to cry in front of him. Hindi ko siya kayang isuko, ayoko! Not this time!

"Ilang araw nalang matatapos na ng deal, gusto mo na bang manatili nalang tayo rito." nakakabingi ang katahimikan tanging ang boses niya at ang hampas ng alon ang naririnig ko. "Are you going to give up?"

Hindi ako nagsalitang muli.

"Alam mo noong bumalik ka isa lang ang gusto kong gawin iyon ay iparamdam sayo na sobra sobra kitang mahal, gustong gusto kitang hawakan at agalaan. Kaya noong nagdecide kang sumama saakin I was so happy that time, kasi finally I can take care of my wife."

"But seeing like this...I regret everything." napatingin ako sakanya sa sinabi niya. "Sana pala hindi na kita dinala rito sana ay pinirmahan ko nalang ang annulment, sana ay hinayaan nalang kita."

Hindi ko makuha ang punto niya pero alam ko, alam kong hindi ko gugustuhing marinig ang sasabihin niya.

"You dont have to choose Tace, hindi mo kailangan mamili sa kahit sino."

"Calix......"

"Love, ayokong nakikita kang nahihirapan dahil lang saakin. At hindi ko gugustuhin kamuhian ka ng Daddy mo dahil saakin."

Ngumiti siya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. I can smell his breathe, I can see how those tears is falling.

"I can let you go, hindi dahil hindi kita mahal. Maybe because ayoko ng nakikitang umiiyak ka at malungkot."

No. Walang salita ng gustong lumabas mula sa bibig ko. All i want is to hug him, I want to kiss him. Hindi ko ata kakayanin, ayoko.

"No." mas lalong lumakas ang hikbi ko.

"But I want you to know na totoo lahat ng naramdaman ko sayo. Baka hindi ganitong panahon, baka sa ibang panahon pwede na. Malaya na natin mamahalin ang isa't isa."

Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)Where stories live. Discover now