Madilim na nang makarating kami sa bahay hindi rin kasi ganun kaganda ang panahon kaya mas pinili naming ipagpaliban nalang ang pamamasyal at gawin ito sa ibang araw kung saan maganda ang panahon.
Pagdating namin ng bahay ay nagpaalam saakin si Calix na pupunta raw sila ni Mang Ernesto sa bayan upang mamimili ng mga kakailanganin namin, samantalang si Patrisha naman ay may pinuntahan sa kabilang bayan.
Walang wifi rito kaya wala ring silba ang cellphone ko pagdating sa mga social medias, wala naman sigurong something na balita dahil wala rin akong natatanggap na text mula kay Amer or kahit kay Daddy man lang.
Imbes na tumunganga sa kwarto ay nagpasya akong lumabas sa kanilang parang mini garden, tanaw rin ang dagat.
Tumabi saakin si Aleng Lorna, dala ang baso niyang may lamang kape. Inalok niya ako kung gusto ko ba pero tumanggi ako dahil hindi rin ako mahilig rito.
“Ayokong isipin na masama kang tao hija, pero ano ba talaga ang mayroon sainyo ni Calix?” nabigla ako sa tanong niya, kahit pa hindi siya nakatingin saakin alam kong may galit. “Mabuting tao si Calix kaya hindi tamang masaktan siya lalo na’t nagmamahal lang naman siya.”
Pagdating ko dito may pakiramdam na akong may alam sila, na baka tinatago lang nila dahil sa kagustuhan ni Calix. Hindi ako nagkamali.
“I was fourteen noong marealize ko pong gusto si Calix, he was eighteen that time ginawa ko po ang lahat para mapansin niya. When I was fourteen alam ko na kung ano siya sa buhay ko, he is my ideal man siya ang gusto kong makasama habang buhay.” Panimula ko.
“And at the age of eighteen sinabi saakin ng Daddy ko na I need to marry someone na aalagaan ako at hindi sasaktan. Noong una hindi ko gusto, I was too young I still need to enjoy my life madami pa akong gustong gawin. But then noong malaman ko pong si Calix iyon hindi na ako nag-isip, kasi isa siya sa pangarap kong maabot. I love him that much that I am almost willing to give up my freedom para sakanya.”
“Totoo bang naghiwalay na kayo noon?”
“It was the worst nightmare of my life, believe me. Hindi ko inakalang ang taong nagbibigay saakin ng saya ay siya rin magbibigay saakin ng sobra sobrang pasakit. Aaminin ko po, I became miserable dahil doon, ginusto kong wag nalang ipagtuloy ang buhay ko. Pero hindi pwede, sinukuan ko siya dahil sa sobrang sakit, pero hindi ko nagawang sukuan ang buhay ko. Three years in San Francisco, hindi ko magawang umuwi ng Pilipinas because I am damn afraid na makita siya. Natakot ako, but then wala akong nagawa kinailangan kong umuwi ng Pilipinas para asikasuhin ang papels para sa paghihiwalay namin.” Natigilan siya at napatingin saakin.
Gusto kong umiyak habang inaalala ang lahat. Pero pagod na pagod na rin siguro ang mga mata ko kaya wala ng luha pa ang gustong lumabas.
“Kung ganun bakit ka niya kasama ngayon?”
Ngumiti ako at tinanaw ang tahimik na dagat. “Hindi ko din po alam, wala siyang sinasabi pero pinaparamdam niya na unti unti ay baka mahal niya ako. But it is not enough para magstay ako, thirty days with him baka sakaling after this makalaya na ako sa lahat ng sakit.”
“Gusto mo ba talaga lumaya o baka naman gusto mong o niyong bumalik sa buhay ng isa’t isa.”
Tumahimik ako at pinakinggan siya. “Alam mo sa tanda kong ito marami na akong napagdaan patungkol sa pagmamahal, pero kailan man ay hindi ako nanghusga tungkol sa pagmamahalan ng ibang tao. Maaring pare parehas lang naman tayong nagmamahal, ngunit hindi tayo pare parehas ng pinagdadaan sa pagmamahal. Alam mo noong dumating rito si Calix tatlong taon na rin ang nakalipas halos hindi namin siya makausap, lagi lang siyang tulala habang tinitingnan ang telepono niya. Noong tanungin ko siya kung anong nangyayari sakanya, alam mo ba ang isinagot saakin ng batang iyon?”
“Nana, nagkamali ako.”
“Noon ko lamang siya nakitang nagkaganun, wasak na wasak at kitang kita iyon sa pisikal niyang kaanyohan. Kung ikaw man ang dahilan kung bakit siya nagkaganun ulit, baka naman maaari mo siyang bigyan muli ng pagkakataong pumasok sa buhay mo. Baka naman pwede mo siyang bigyan ng pagkakataon para ipakita sayo ang pagmamahal niya.”
“Mahal na mahal ko parin po siya kahit anong mangyari siya at siya parin ang gusto at hinahanap ng puso ko. Pero natatakot po kasi ako, nakakatakot dahil baka kapag bumalik o nakapasok siyang muli sa buhay ko at baka kapag pinili niyang umalis ay hindi na ako muling makabangon pa.”
She tapped my shoulder. “Wag kang matakot sumubok, hindi dahil nagawa niya noon ay pipiliin niyang gawing muli. Dahil kung talagang wala ka para sakanya, umpisa palang ay wala ka na rito sa isla kung saan niya pinangakong dadalhin niya ang una at huling babaeng mamahalin niya ng sobra sobra.”
Naiwan akong mag isa ng magpaalam si Aleng Lorna. Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi niya “una at huling babaeng mamahalin niya” bata palang siya ay mahal na niya si ate, ibig sabihin ay ito ang first love niya kaya malabong maging ako rin ang huli. Pero hindi ibig sabihing sinabi niya iyon ay magkakatotoo na, sometimes promises are made to be broken.
“Wala ka raw ganang kumain?” boses mula sa likod ko hindi ko na kailangan pang lumingon para tingnan kung kanino galing ang boses na iyon dahil alam na alam ko na.
Umupo siya sa tabi ko, hindi pa man siya nakakapagsalita ay pinatong ko na ang ulo ko sa balikat niya.
“Sobrang ganda dito. I like this place so much.”
“This place is my home, kaya kita dito dinala. I want you to see my home, and soon to be your home.”
Hindi ako nagsalita. Hanggang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. “After the deal ay iiwan mo na rin ang magandang lugar ito.”
“I won’t, just give me a reason to stay. I'll stay.” I smiled.
“I’m sorry for everything Tamara.” Hinipo niya ang buhak ko at hinalikan ito. “I love you so much my love.”
Tanging ang hangin ang nabibigay ng ingay sa buong paligid, ang tamihik na dagat na tila ba nakikisabay sa aking nararamdaman. Kung totoo man ang panaginip na ito hindi na gugustuhin gumising pa. Sana ay hindi na matapos ang masasayang araw ko sakanya, sana ay hindi na mapalitan pa ang sayang nararamdaman ko ngayon. I am willing to give up myself to him kung iyon ang kinakailangan para mapatunayan kong siya lang ang mahal ko at mamahalin ko habang buhay.
“mas mahal kita…” I almost whispered.
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fanfic"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...