Maganda ang bahay kung sa labas ay medyo may kalumaan ito, pagpasok sa loob ay mapapansin ang pagiging moderno nito, maging ang mga disenyo at kasangkapan ng bahay ay moderno. Sa may sala nakadisplay ang family picture nila Calix, maging ang ilang paintings na gawa ng mga sikat na pintor ay naroon rin. Tatlo ang kwarto sa buong bahay, dito rin pala nakatira sila Aleng Lorna, sakanila ang isang kwarto samantang kay Patrisha naman ang isa.
Pinagmasdan kong muli ang aming magiging kwarto, ito raw ang pinakamalaking silid sa lahat dahil may sarili itong walk in closet at banyo. King size din ang bed at narito rin nakalagay ang mini office ni Calix na kumukonekta sa aming kwarto.May malaking bintana sa aming harap na kitang kita ang kulay asul na dagat maging ang iilang bahay na nakapaligid sa buong isla.
Para akong nakaramdam ng kuryente ng may pumulupot na braso sa aking bewang.“I miss this.” Bulong niya.
Agad naman akong kumawala at umupo sa may malaking kama, ano bang iniisip niya? Wait! Ni minsan noong nagsasama kami ay hindi niya ako niyakap, bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Humarap siya saakin at pinagmasdan ako.
“Bata palang kami ni Patrisha ay close na kami, para ko na siyang bunsong kapatid. Malambing iyon saakin kaya lagi niya akong niyayakap.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “You don’t have to tell me Calix.”
“I have to, ayokong mag isip ka ng kung anu-ano.”
“Hindi ako ganun ka babaw para mag isip ng kung anu-ano, in fact you can do whatever you want. You can actually marry her after this, I don’t care”
Ngumisi ito. “Fuck! Wag mo akong baliwin ng ganito Tamara Celestine!”
Wait, ano bang sinabi ko? Minsan kasi talaga hindi ko na nakokontrol ang mga sinasabi ko.
“I’m not jealous!” defensive kong sabi. “I mean, I told you can do w---“
“You’re being defensive, it’s okay.” Nakangiti nitong sabi.
Naglakad ito agad habang nakangiti at nilagpasan ako.
“Saan ka pupunta?” agap ko para pigilan siya.
“Baka tuluyan na akong mabalaw kapag hindi ako lumabas, tatawagin ko lang Aleng Lorna I’ll tell her to fix your things.”
Halos sumabog ako sa hiya ng marealize kong ano ba iyong tanong ko. Damn! I’m not jealous, hinding-hindi. Napatuloy sa pag-iisip sa biglaang pag pasok ni Patrisha.
“Pinapunta ako rito ni Calix, pinapatanong niya kung ano raw ang gusto mong hapunan.” Medyo masungit niyang tanong.
“Anything will do.” Sagot ko.
“You should learn how to knock.” Natigilan siya sa sinabi ko.
Mas matanda siya saakin pero hindi ibig sabihing wala na siyang delikadesa. Tiningnan niya ako agad ng masama.
“Hindi pa ata nasabi sayo ni Calix na malapit kami sa isa’t isa, para na kaming magkapatid hindi ka pa man dumarating. At pinapayagan niya akong pumasok rito, ganun niya ako kamahal.”
Hindi ko alam kung anong meron sakanya pero kumukulo ang dugo ko sa kung paano siya magsalita at paano niya ako tingnan.
“Actually nasabi niya. Kaya nga I assume that you're well mannered kagaya niya. Hindi dahil close kayo ay hindi kana kakatok sa pintuan, siguro sakanya ayos lang. Pero saakin hindi, lalo na’t we all have our own privacy. I hope you know that.”
Inirapan lamang niya ako at padabog na sinarado ang pintuan. Bitch! I knew it, unang tingin niya palang saakin kanina pag baba ko ng kotse ay hindi na niya ako gusto. Halatang halata sa kilos niya na she likes Calix.
Imbes na isipin siya ay pinili ko nalang magpahinga at ipikit ang mga mata, masyadong naging mahaba ang byahe namin. Nakatulog man ako ay hindi iyon sapat para maibsan ang pagod na nararamdaman ko. I also checked my phone kung may dumating bang mensahe ngunit maliban sa “take care” ni Amer ay wala ng iba pang mensahe.
Tawanan ang dahilan upang maalimpungatan ako sa himbing kong pagkakatulog. Minulat ko agad ang aking mga mata at inilibot ito paligid. Natigilan sila sa pagtatawanan ng mapansin akong nakatingin sakanila. Agad napatayo si Calix at lumapit saakin, bumaling naman saakin ang iritadong mukha ni Patrisha.
“Nagising ka ba namin?”
Kung pwede lang sabihin na OO dahil sa kalandian niyong dalawa nadamay pa ang masarap na sanang tulog ko. Pero hindi mamaya ay isipin pa nilang nagseselos ako sakanya. Hell no!
“Matagal ba akong nakatulog? What time is it?”
“7pm, hinihintay ka lang namin na magising para makapag hapunan na tayo lahat.”
“What?! Dapat ay nauna na kayo.”
Hinawakan niya ang mukha ko.“You’re my wife, kaya obligado akong hintayin ang misis ko.”
Umiwas ako agad ng tingin sakanya, hindi dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kundi dahil para na akong mangangamatas dahil sa sinabi niya.
“Let’s go.” Aya ko at nilagpasan sila para makababa na.
Damn! Tamara Celestine you fucking need to control your emotions or else magiging miserable kang muli.
“Saan ba kayo nagkakilala nito si Calix, niligawan ka ba niya?” tanong ni Mang Ernesto.
“It was an arranged marriage, both parents namin nagksundong ipakasal kami. But then, we know each other since lagi rin silang bumibisita saamin sa bahay.”
“Pinagkasundo kayong dalawa, mabuti naman ay mukhang naging masaya naman kayong pareho dahil doon.” Ani Aleng Lorna.
“You’re too young para kay Calix, wala ka bang ate?” singit ni Patrisha na ikinabigla ko.
“I do have as sister her name is Thaliaeh Crane, magkaedad sila ni Calix.”
“Kung ganun bakit hindi doon sa ate mo pinakasal si Calix, bakit sayo?”
Oh girl learn to know your limitations! Tiningnan ko si Calix at sinenyas sakanya gamit ang aking mga mata kung gaano ako naiirita.
“Simple lang Pat, dahil alam ng mga magulang namin na mas compatible kami sa isa’t isa.”
Tumaas ang kilay niya sa paliwanag ni Calix. “Compatible? So, ibig mong sabihin Calix na you’re both happy to your marriage?"
Tahimik lang ang mga magulang niyang nakikinig sa aming tatlo.
“It was actually the best decision that our parents made.” Natahimik siya sa sagot ni Calix. “Our marriage the best decision.”
Para akong tuluyang nabusog sa sinagot ni Calix, hindi ko alam kong maniniwala ba ako dahil baka sinabi lamang niya iyon para tumigil na sa kakatanong si Patrisha. Though effective dahil tumigil na ang kanyang bunganga sa kakatanong, pero hindi ko maiwasang isipin kung may alam ba siya sa mga nangyayari saamin ni Calix lalo na’t sobrang close sila sa isa’t isa.
Kung sana ay totoo lahat ng sinasabi ni Calix ngayon. Sana. Pero ang mga sanang iyon ay mananatili na lamang na sana nalang.
Authors Note: Hi again! Siguro ito na yung last na note ko. Bakit? Wala lang para hindi kayo mabwesit saakin hahahahaha. So iyon nga, please guys sa mga nagbabasa ng story ko wag po sana natin kalimutang mag VOTE every chapters, and magcomment na din nakakaboost din kasi ng confidence and at the same time nakakamotivate. It's just a simple favor. Bigay niyo na saakin, para din sa story. Thank you and love you all!
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fanfiction"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...