Malakas ang hampas ng alon, sinasabayan ito nang napapreskong hangin. Ang araw na nagbabadyang lumabas senyales na malapit nang sumikat ang araw. Napakatahimik ng buong paligid, napakasarap pakinggang ang ingay na dala ng alon. Ang mumunting boses na nangagaling sa iba't ibang klase ng hayop.Tinanong niya ako. Pero pinikit ko lamang ang aking mga mata. Isa lang ang nasa isip ko noong gabi iyon. Wakas. Noon akala ko madali lang makamit ang happy ending, na kapag masaya na ibig sabihin ending na iyon. But I was wrong, while I was busy thinking about tomorrow I forget to realize na hanggang nabubuhay it will never end.
Yes.
Masaya kayo, mahal niyo ang isa't isa but that doesn't change the fact that darating sa point na magkakatampuhan, magkakagalit at madaming padadaanang pagsubok. But at the end of the day, you'll ask yourself., "what are you fighting for?" and then you'll eventually realize another question "do I need to fight?"
Ilang beses kong tinanong sa sarili ko, I even questioned myself for once. Bakit ba kailangan kong lumaban? Sino na ang kalaban ko? And then, I came to realize that, myself. Walang kahit sino sa mundo ang matinding kalaban mo., kundi ang sarili mo.
I smiled, mas lalong lumalakas ang hangin. Muli bumalik sa isip ko ang nangyari noong nakaraang linggo na siyang dahil kung bakit narito sa lugar na kung saan alam kong sasaya ako.
1 week before
Binuksan ko ang gate namin ng tumunog ang doorbell. And then I saw him, standing in front of me.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sakanya nang walang paligoy ligoy.
"I need to talk to you."
"For what? Wala naman na tay---" hindi ko na natapos dahil agad niya akong hinila palabas papunta sa mini playground ng aming subdivision.
And then when we finally reached the place ay binitawan na niya ako.
"Anong bang gusto mong sabihin? Pwede naman na doon mo nalang sabihin?!"
"Just listen. Okay?"
Tinikom ko ang bibig ko. Sa mga panahong ganito isa lang ang gusto ko at iyon ay ang maglaho.
"Remember that night? Noong dumating ang Daddy mo? I wasn't afraid na kunin ka sakanya, na ilayo ka sakanya. I am willing na itakas ka at maging masaya nalang tayo. But then I am not like that, I will never do that. Hindi ko gugustuhing itakas ka at kamuhian ng magulang mo, gusto kong sumaya tayo na alam natin masaya sila para saatin."
"Your dad asked a favor that night, he wants me to let you go. Hindi para kay Thalia o sakanya, it is for you Tace. Pagod na siyang makita kang lumalaban, pagod na siyang makita kang nagiging miserable dahil sakanila. He did that not because he wanted Thalia to have me, but because he wants you to let go everything. Gusto niyang tanggalin ang sakit diyan, pero hindi niya magagawa iyon kung hindi kita ilelet go. Ayaw niyang mamili sainyo ni Thalia, he protected you."
"Kaya ba hindi ka lumaban?" wala sa sarili kong tanong.
"I fought hard. Hindi man physically but emotionally. Noong gabing iyon, nilabanan ko ang sarili kong wag kang habulin, nilabanan ko ang sarili kong wag kang hanapin, isipin or tingnan. Gusto kong mabuo mo ulit yung mundo mong nasira ko noon, gusto kong makita ka na ulit tulad ng dati na masaya, at walang bakas ng lungkot. I told you, leaving you is not possible."
"Pero umalis ka. It was possible until you decided to leave." mapait kong sabi.
"How can you fix your world when I am there? Kahit anong gawin natin that time masisira at masisira iyon dahil in the first place bago pa lamang ito magsimula ay sirang sira na."
"So that's why you left?"
Narrow minded Tamara.
"No. Hindi ako kailanman nawala. You can't see me but I am always around you. Binabantayan ka, at sinusundan ka. Leaving is not possible, I left in Philippines but Thalia was there to help and give informations about you."
"I get it! I was totally wrong, inisip kong hinayaan mo lang akong mawala. Pero ano nanaman ito Calix?"
Lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"I just want you to know that I am here in front of you, saying how much I love and I missed you!"
Hinalikan niya ako saking noon bago tumitig sa mga mata ko.
"I want to marry you again Tamara, would you let me?"
Hindi pa man ako nakakasagot ay lumuhod na siya sa aking harapan. At umulan ng pulang rosas sa paligid ko.
"Stand up Calix!" I asked him.
"Just answer me, would you mind being a Sandoval once again?"
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko habang tinitingan siya sa harapan ko. I want to run, hindi dahil nasasaktan ako dahil sobra sobra ang sayang nararamdaman ko.
The man of my dream is actually proposing right now infront of me.
I held his hand para piliting tumayo. Pinunasan ko ang bakas ng luha sa mga mata niya.
"Calix, all my life sa isa bagay lang akong sigurado. All my life isa lang pinangarap ko, ikaw iyon. Kahit paulit ulit akong nadapa, nasaktan, umiyak dahil sa pagmamahal ko sayo alam kong tatayo parin ako para sabihin at ipaalam sayong sa huli, ikaw at ikaw parin."
Bumuhos ang luha ko at agad siyang niyakap ng napakahigpit. God knows how much I love this man, I adore him so much.
"Yes, I am more than willing to be your wife again..."
Isang matamis na halik ang kanyang iginawad saakin. Sa ilan taon kong nabubuhay sa mundo isa na rin siguro ito sa pinakamasakit ngunit pinakamasayang pangyayari ang naramdaman ko. I wont let anyone get this happiness. He is my happiness.
Dinilat ko ang mga mata ko at muli nanamang bumuhos ang aking luha. Habang nakatanaw sa papataas na araw at habang iniinda ng aking balat ang malamig na simoy ng hangin.
Someone grab my hands. I smiled. My husband. Calix Sandoval.
YOU ARE READING
Unwanted Marriage: Back in His Arms (Donny and Kisses)
Fanfiction"I, Tamara Celestine Velaz Monteverde, promise to be your lover, companion, and friend, your partner in parenthood, your ally in the conflict, your greatest fan, and your toughest adversary. Your comrade in adventure, Your student and your teacher...