chapter twenty four

2.4K 58 13
                                    

Aalis ako pero babalik din. Sa pag balik ko mas malakas na ako, kaya ng harapin lahat ng tao. Sana pag balik ko di na ikaw ang mahal ko.

BEA POV

Kinabukasan nag ayos na ako para makapag pasa ng resignation letter sa fast food. Biglaan man pero sana okay lang sakanila. Napamahal na din ako sa mga co workers ko.

Inagahan ko na dahil may mga aayusin din ako I have a week para matapos lahat. Umalis na ako, nakita kong nag wawalis si ate abi.

Bea: good morning ate.

Ate Abi: good morning bea, may lakad?

Bea: meron po ate. Una na po ako.

Ate Abi: ingat bea.

Bea: salamat po

Mabilis akong nakadating sa labasan, sumakay ng jeep papunta sa fast food. 15 minutes, nakarating na ako.

Guard: good morning maam bea.

Bea: good morning kuya guard.

Dumiretso ako sa office, buti nandun ang isa pang manager namin.

Bea: ate myla?

Myla: oh bea, napunta ka? wala kang pasok diba?

Bea: opo. Uhmm I just want to give you this.

Myla: resignation letter? why so sudden?

Bea: biglaan lang din po eh, pupunta na ako states.

Myla: di na talaga mapipigilan?

Bea: hindi na po talaga eh. Next week na alis ko ate.

Myla: hay nako, mababawasan ng manager na makulit dito.

Bea: grabe ate di naman ako makulit ah, taga hatak nga ako ng costumer dito eh hahaha.

Myla: mahangin ka pa din mula noon hanggang ngayon. Basta bago ka umalis mag paalam ka sa mga staff ah.

Bea: opo ate. Mag set ako ng isang araw for them. Thank you po.

Pag labas ko ng office nag order muna ako ng breakfast ko gutom na din ako eh. Pinag iisipan ko na kung paano ko sasabihin sa goodboys, kay jana, kina ash na aalis ako. About naman sa bahay, balak ko pa din upahan at pagandahin. Kakausapin ko si aling jacky about dun.

Balak kong bumili ng desktop para magamit nila ash para sa projects and assignment. Papa guide ko na lang kay jana. At mag papakabit din akong internet para makausap ko sila.

Sa goodboys ko pababantayan ang bahay. Kahit gawin din nilang tambayan yun pero wag lang guguluhin mababatukan ko sila hahaha.

Papalagyan ko din ng book shelves parang mini library at yung kwarto ko. Kwarto ko pa din. Sana lang pumayag si aling jacky na upahan ko pa din at ganun ang gawin ko sa bahay nya.

Pumunta ako ng mall para mag canvas ng kailangan ko. Nag iingat na din ako baka makasalubong ko nanaman sila.

Sa pag iikot ko nakita ko naman lahat ng gusto ko. Bukas na lang siguro ako bibili at papasama sa goodboys kung sino man ang free sakanila bukas.

Mag tatangahalian na din ng makadating ako sa labasan. Kila aling isay na lang ako mag tatanghalian mamimiss ko food nya.

Bea: magandang tangahali aling isay.

Aling isay: oh bea, magandang tanghali din. Yun pa din order mo?

Bea: opo. Salamat po.

Ilang sandali pa bumalik si aling isay dala ang food ko. Isang order ng adobo at kanin at may libre pang sabay ng sinigang.

marrying my bestfriend ( will I love her or not )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon