Ito yung oras na mag isa na lang ako, mag isa na mag sisimula, mula umpisa at sana hanggang sa dulo makaya ko pa. Mahirap, nahihirapan na ako. Gusto ko ng sumuko sa buhay ko. Lord, tulungan nyo po ako.
BEA POV
Bagong umaga, bagong umpisa. Niligpit ko yung hinigaan ko, humiram muna ako kina ash ng extrang unan at kumot ngayon pa lang ako bibili ng ilang gamit ko dito. Nakilala ko na din ang tatay nito si chris. May mga kapatid din si ash. Sina ice at raine mas matanda lang ng kaunti kay ash.
Pag labas ko, nakita ko si ate abi nanay ni ash na nag wawalis sa harap ng bahay nila.
Ate Abi: magandang umaga bea, kamusta ang tulog mo?
Bea: okay naman po. Saan po pwedeng bumili ng almusal dito?
Ate Abi: dyan kay aling isay, sandali papasamahan kita kay ash.
Tinawag ni ate abi si ash sa loob ng bahay nila. Bagong ligo na ito.
Ate Abi: nak samahan mo si ate bea mo kay aling isay, bibili ng almusal niya. Ipakilala mo na din sya sa mga kapitbahay ah para hindi korsundahin.
Ash: opo nanay. Tara ate bea.
Nag lakad lakad kami, may mga nakakasalubong kaming tao, at pinakilala nya ako sa mga ito. Pag dating namin sa isang karinderya agad na bumati si ash
Ash: magandang umaga aling isay, anong almusal nyo po dyan?
Aling isay: oh diba at nakabili na si abi dito, gutom ka nanaman? kalakas mo talagang kumain bata ka.
Ash: hindi po para sa akin, kay ate bea po. Bagong kapitbahay namin.
Aling isay: ay ganun ba, pero ito oh turon kainin mo na. Libre ko na sayo.
Ash: salamat po. Ate pili ka na oh.
Sari sari ang nandoon, may pansit, spaghetti, sopas, lugaw, champorado, at iba pang usually pang breakfast.
Sabi ni abi, sya ang may pinaka masarap na tindang pagkain dito. Mapa almusal, tanghalian, meryenda at gabihan.
Aling isay: anong pangalan mo iha?
Bea: bea de leon po. Ako po yung bagong umuupa sa bahay ni aling jackie.
Aling isay: ah ganun ba? oh sya dahil bagong lipat ka dito sa amin. Ito oh sopas. Libre ko na sayo yan.
Bea: hala aling isay, nakaka hiya naman po. Babayaran ko na lang po.
Aling isay: nako, ikaw bata ka. Huwag kang mahihiya. Pa welcome ko sa iyo. At sana ay mag tagal ka sa lugar natin. Mababait ang mga tao dito. Wala kang dapat ikabahala.
Bea: salamat po.
Tama nga si ash, masarap ang pagkain ni aling isay. Mukhang doon na ako bibili palagi ng pag kain ko pag hindi ako nakapag luto.
Bea: salamat po sa sopas aling isay, mauna na po kami.
Ash: salamat po sa turon aling isay.
Naglakad na kami pabalik sa bahay, ipagpapaaalam ko si ash kay ate abi, isasama ko sa mall at bibili ako ng gamit ko sa bahay.
Pag dating namin, nag lalaba na si ate.
Bea: ate abi, pwede ko bang isama si ash sa bibilihan ko ng gamit ko. Saan din po kaya may murang mabibilhan?
Ate Abi: sa mall siguro may mga mura din naman. Oh kaya sa tyange alam ni ash kung saan at pagali naman nasama sa akin yan pag namimili kami.
Bea: sige po. Bihis lang po ako.
BINABASA MO ANG
marrying my bestfriend ( will I love her or not )
FanfictionI'm just an ordinary girl, living in a province. happy and contented with my bestfreind. not until she left and live in manila. then one day BOOM. I need to marry her dahil sa kasunduan ng parents namin. even though we're both girls. what the f lan...