chapter seventeen

2.5K 59 13
                                    

Yung inakala mong forever, akala lang pala talaga. Hanggang dito na nga lang ba kami? Hindi ko na alam kung kaya kong makita syang masaya sa iba, habang ako nag dudusa na mag isa.

BEA POV

masaya naman kami ah, pero bakit nasa punto kami na kailangan kong pirmahan ang divorce papers. Kahit ayaw ko, wala akong magagawa. Ayaw kong makulong sya sa akin, sa relasyon namin na ito. Hindi ko sya kayang bigyan ng tunay na pamilya, may pera ako oo. Pero wala ako nun. Kahit anong gawin ko, walang mabubuo. Wala akong kwentang tao.

Nandito ako ngayon sa sala, inaantay ko si jho na bumaba. Pinirmahan ko na kase yung papers.

Nakita ko na syang bumaba.

Bea: uhm jho?

Jho: bea.

Bea: napirmahan ko na, may isang hiling na lang ako. Kahit isang araw lang, bigyan mo lang ako ng isang araw na kasama ka. Na masaya tayong mag asawa. Isang araw lang, after nun. Di na kita guguluhin, di mo na ako makikita.

Di ko alam tumutulo na luha ko, nag mamaka awa na ako sakanya. Isang araw lang. Isang araw lang.

Jho: okay, sige bea.

Bea: salamat wifey 🙂

Jho: kain tayo? pag luto mo ako, gutom na wifey ko.

Bea: sige ba. Tara sa kusina.

Hawak ko kamay nya, ito na siguro yung huling beses na mahahawakan ko ang mga kamay nya. Huling beses na mapag luluto ko sya, huli na para sa amin.

After namin mag breakfast, nag pasyal kami sa mall katulad ng ginagawa namin noon.  Nanood ng sine, kumain, nag arcade at kung ano ano pa. Nag amusement park din kami tapos nag dinner sa isang restaurant.

Pauwi na kami sa bahay, walang imikan. Pagod na siguro sya. After this night, wala ng kami. Wala ng jho at bea, wala na. Masakit man pero kailangan eh.

Nag bihis na kami ng pantulog namin. Ayos na yung gamit ko, hindi nya alam na naka empake na ako. Dideretso ako sa bahay, sasabihin ko kina mom and dad at kuya. Pati na din sa parents ni jho at kung ano man ang magyari tatanggapin ko. Itakwil man nila ako, tatangapin ko. Di ko sasabihin sakanila yung totoong dahilan kung bakit kami mag hihiwalay, ayaw ko lang na magalit sila kay jho. Kahit sa akin na lang. Kaya ko naman eh.

Tulad ng dati, naka unan sya sa braso ko. Di ko alam kung tulog na ba sya. Mabigat na kase ang pag hinga nya. Hindi ko magawang matulog kase last na to eh. Huling gabi kasama ang pinaka mamahal ko.

Bea: hmm. Jho?

Di sya sumagot, tulog na nga siguro.

Bea: wifey ko, ay mali jho pala. Baka magalit ka haha, mag iingat ka palagi ah. Pag sinaktan ka ng lalaki na yun? lagot sya sa akin. Hindi mo man ako makita, pero babantayan pa din kita. Di mo man sabihin, gagawin ko. Pero kung nagawa na nya, aalis na ako. Alam mo ba jho? di mo siguro alam, bata pa lang tayo crush na kita. Wag kang assuming dyan ah, crush pa lang talaga hahaha, tapos nung high school doon ko naramdaman na mahal kita mas lumala pa nung college na tayo, miss na miss na kita nun kase diba nasa manila ako, ikaw nasa province. Di ko alam kung kaya ko ba, mahiwalay sayo, di ka makasama at higit sa lahat ang di ka mahalin kahit wala na ako para sayo. Mahal na mahal kita, sobra. Kahit ano gagawin ko para sayo, kahit masakit, kahit ang palayain ka para sumaya ka sa piling ng iba. Palagi mong tatandaan, kahit anong mangyari mahal kita hindi mag babago yun kahit lumipas ang taon. Pwera na lang kung makakita ako ng isa pang ikaw. Malabo naman yun, wala namang katulad mo nag iisa ka lang naman eh. Haist, baliw na ba ako? kinakausap kita kahit tulog ka na. Goodnight wifey ko, mahal na mahal kita.

marrying my bestfriend ( will I love her or not )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon