CHAPTER 2☆

550 38 5
                                    

Cyrus POV

Nakaupo ako sa gym nang may narinig akong umiiyak sa likod ng stage. Hinawi ko yung kurtina at bumngad sakin yung kapatid ni Carl. Bakit sya umiiyak? Anong nangyari?.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya saka sya tinabihan at hinagod yung likod nya.

Tiningnan nya ko saka mas lalong lumakas yung hagulgol nya.

"Ahm, sorry kung naistorbo kita" sabi ko sa kanya saka akmang iiwan sya nang hawakan nya yung kamay ko. Basang basa yung kamay nya.

"Samahan mo ko" sabi nya sakin saka ako umupo sa tabi nya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya saka nya ko tiningnan at nag punas ng luha.

"Nasaktan ako eh" sabi nya.

"Sino namang nanakit sayo?" nagtatakang tanong ko.

"Yung taong mahal ko... yung taong inakala kong mananatili sa tabi ko, kaso nakahanap na sya ng much better at...hindi ako yon" tumatawang kwento nya kahit sunod sunod yung pag patak ng luha nya.

"You better moved on" sabi ko sa kanya saka nya ko tiningnan.

"Ikaw nag mahal ka na ba?"

Bigla kong naalala yung taong minahal ako nang sobra kaso nasaktan ko din sya.

"Oo naman" sagot ko.

"Naka move on ka na?" tanong nya saka ako nahiya.

"Hindi pa" sagot ko saka sya natawa.

"Bago mo ko utusan mag move on gawin mo muna sa sarili mo" mataray na sabi nya sakin.

"Madaling sabihin pero mahirap gawin" sagot ko sa kanya saka nilayasan. Sya na nga lang tinutulungan pati ako babarahin ng puta!

*Kinabukasan*

Nakadukdok lang ako sa lamesa ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nilingon ko sya at napansin kong sya yung babaeng umiiyak kahapon sa likod ng gym.

Cyrus Rein Guitierez...why are you sleeping in my class?rinig kong sigaw ni tanda

Ano bang pakielam mo?...bored
kong sagot.

Go to the detention room! Now!
Muling sigaw nito saken. Sa pagkakataong to hindi ko napigilang duruin sya.

Hoy tanda baka nakakalimutan mo kung sino ako, ako lang naman ako hari ng school na to.

Paumanhin... maaari ka ng umupo...saad nito sabay yuko

Tss. dumukdok nalang ulit ako at muling natulog

Vanna's POV

Pag pasok ko nang room umupo ako dun sa bakanteng upuan kung saan may nakadukdok na lalaki. Hindi kaya to nakatulog sa kanila at ginawang hotel tong paaralan? Pag dating nang Lecturer namin napansin nyang nakadukdok tong katabi ko.

Cyrus Rein Guitierez...why are you sleeping in my class?" malakas na sigaw nung babaeng lecturer namin.

Tinaas nung lalaking katabi ko yung ulo nya saka matamlay na tumayo at " Ano bang pakielam mo?" walang gana nyang sagot.

"Go to the detention room! Now!" muling sigaw nung lecturer namin at sa pagkakataong yon bigla nalang nyang dinuro yung lecturer namin..

Hoy tanda baka nakakalimutan mo kung sino ako, ako lang naman ako hari ng school na to." sigaw nung lalaki. S-sya yung kausap ko kahapon ahh. Hindi naman sya ganyan kahapon.

Paumanhin maaari ka ng umupo." saad nung lecturer namin saka yumuko.

Tss" bwisit na sabi nung Cyrus saka umupo at dumukdok.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now