CHAPTER 5☆

414 32 1
                                    

Vanna's POV
Ayos naman pala sya kaso hindi ko nagustuhan yung ginawa nyang pag sampal saken syaka bakit ganon sya kay Lara may something ba sila....A-ahh bat ba interisado ako. Jusqu Vanna tigil tigilan mo yan huh!.

Nagpresinta syang ihahatid na daw nya ko sa condo. Magkaibi-gan nanaman kame kaya ok lang. Alang malisya to uyyy.Ang tahimik lang nya buong byahe. Pag dating palang namen sa harap ng condo ko bumababa na agad ako syaka lumapit sa bintana nya at kumatok.

"A-ahmm salamat sa paghatid. I-ingat" ahhhh ano ba tong nararamdaman ko bat ang bilis bilis ng tibok ng puso ko wag mong sabihing may g-gusto ako sa kanya.

"Welcome..... sige una nako..." sabi nya syaka nagpatakbo ng sobrang bilis.

Tinanaw ko lang yung sasakyan nya hanggang maglaho ito sa paningin ko. Nagmadali akong pumunta sa room ko gusto ko nang magpahinga.

T-teka bat n-nakabukas to?m-may akyat condo naba?huhuhu lord help me!luminga linga ako sa buong floor para humanap ng pang depensa. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan at bumungad saken si K-kuya at yung tropa nyang si Dale at Patrick?anong ginagawa nya dito kala ko ba umuwi na sya.

Agad namang lumapit saken si Kuya. May sinasabi sya pero di ko marinig na pre-occupied ata ako. Natauhan lang ako ng batukan ako ng malakas ni kuya

"A-aray ano ba kuya? Bat nandito ka? Akala ko ba umuwi kana? Tumakas ka noh? Maglalak-watsya ka nanaman ba?"sunod-sunod na tanong ko sa kanya aba akala nya makakaligtas sya saken pwess hindi muntik na kong mamatay dahil sa nerbyos kala ko may akyat condo na.

"Aray para saan nanaman yon kuya nakakarami ka na susumbong na talaga kita kay Mama ahhh!" Napaka sadista ng Kuya ko nahahawa na sya kila Cyrus!bwisit naman kase ehh

"Bat ngayon kalang?San ka nag punta?Baka may kasama kang lalaki! Nako Vanna lagot ka talaga saken!". Diba dapat ako yung galit!

"Sa Park lang ako nagpunta, ehh ikaw bat nandito ka huh?tumakas ka kay mama noh?" pang-aasar ko sa kanya habang tinutusok yung ilong nya. Haha!umuusok nanaman yung ilong nya anytime pwede na nya akong bugahan ng apoy Haha!

"Sasamahan na kita dito, pumayag na Si Mama, hindi pwedeng mag isa kalang dito noh baka may masama pang mangyari sayo." Ayiieeee ang sweet talaga ng kuya ko

"Alam mo Kuya"..........hinihintay nya yung sasabihin ko parang alam na nya yung sasabihin ko kaya ngumiti sya saken........"ang arte mo" nawala yung ngiti nya at akmang babatukan nanaman ako ng mapansin nyang namumula yung kaliwa kong pisngi,tiningnan nya ko ng nasama

"Anong nangyari dyan?May umaway ba sayo?" Sigaw saken ni Kuya. Pano ba to, sasabihin ko na ba sa kanya yung mga nangyari, yung pagkikita namen ni Tyron yung pagsampal saken ni Cyrus. Ahhg basta.....

"H-hindi k-kuya ano kase ehh...."
Pano ba to baka makipag-away pa si Kuya ehh "nasobrahan sa make up di ko ata nakitang maayos kaya hindi pantay" wohh buti nalang naka isip ako ng ipapalusot ko

"Siguraduhin mo lang na hindi ka inaaway sa school nyo, pag nalaman kong may umaaway sayo babaliin ko buto nila" ang sadista talaga ni Kuya.

"Sige na Kuya matutulog na ko pagod na din ako"nagmadali akong pumasok sa kwarto ko.

"There are things that we dont want to happen but have to accept, things we don't want to know but have to learn,and people we can't live without but have to let go" bigla nalang nag eco sa pandinig ko yung sinabi nya.

Vanna wag mong isipin yon. Hindi ka dapat nagkakaganyan.

*Grrooowwwll*

Bat ngayon pa ko nakaramdam ng gutom nakakahiyang lumabas ng kwarto,naka short at black t-shirt lang ako. Ahh basta hindi ako kakain.

When I Meet the Bad Boy King ( Watty's 2019 )Where stories live. Discover now